Gusto mo din ba ng isang Paul Soriano?

June ang buwan kung kailan marami ang nagpapakasal. Isa sa mga kasal na naganap ay ang kasalang Paul Soriano at Toni Gonzaga. Sino ba naman ang hindi nakakakilala sa dalawang yan? Malamang isa ka sa mga kinilig nang ipalabas sa telebisyon ang kanilang pag-iisang dibdib at marinig ang mga testimonya ng kanilang pag-iibigan.

Isa ako sa mga babaeng kinikilig sa kanilang mala-fairytale na kwento ng pag-ibig, too good to be true nga sabi ng iba. Isa din ako sa mga umaasang makikilala ang Paul Soriano version ng The One ko balang-araw. Sino ba namang hindi? Siyam na buwang ligawan bago makamit ang matamis na OO. Walong taon ng pag-unawa. paghihintay at respeto sa taong minamahal. Walong taon ng paggalang at pagsunod sa mga makalumang patakaran ng mga magulang ng minamahal bilang isang nobyo. Walang babaeng hindi mamamangha sa napakalaking respetong meron si Paul para kay Toni lalo’t higit sa magulang nito. Sigurado akong dumami ang mga babaeng naghahangad ng isang Paul Soriano sa buhay nila. Napaisip tuloy ako kung dumami rin kaya ang bilang ng mga lalaking naghahanap ng kanilang Toni G.?

Naalala ko ang nabasa ko sa isang article, ang sabi, “We should become the person that the person we’re looking for is looking for.” Hindi ba’t tama naman? Kung naghahangad ka ng isang mabuting kapareha sa buhay, hindi ba dapat ay maging mabuti ka ring kabiyak? Kung gusto mong irespeto ka, hindi ba dapat maging karespe-respeto ka muna? Madalas kasi nagseset tayo ng standards sa mga taong pipiliin nating makasama sa buhay. Pero naisip ba natin kung karapat-dapat tayo sa mga standards na yun? Sa ganitong aspeto, bago sila, sarili muna dapat. Toni, for example, is a woman who honors and obeys her parents. And if a guy loves you truly, like Paul to Toni, he will respect and honor your parents too, the way you do. Kailangan mong maging ehemplo sa partner mo. Maging karapat-dapat ka sa standards na hinahanap mo. Higit sa panlabas, ang panloob na personalidad ng isang tao ang bumibihag sa puso.

Ang pinakaimportante sa lahat, find someone you can share your faith with. Someone who will share their faith with you, not their bed. Build your relationship around God. Make Him the center of your relationship. Make the house of God your relationship’s home, not his or your bedroom. Share your dreams, your faith in God and He will give you the greatest guidance to have a relationship worth keeping for a lifetime. I am amazed when Paul shared how on their first date they talked about God and their faith. And I think, from then on He’s always there to bind them, leading to a great eight years of being a wonderful couple to a new chapter as a wedded one.

Sa panahon ngayon, mahirap na makakita ng taong may makaluma pa ring pananaw sa pakikipagrelasyon. Pero meron pa rin naman sigurong mga katulad ni Paul Soriano. Meron pa naman sigurong mga lalaking handang maghintay at tapat sa paghihintay para sa mahal nila. Meron pa rin mga babaeng katulad ni Toni Gonzaga, mga babaeng binibigyan ng malaking importansya ang mga pangaral ng magulang. Yung lalaking worth it ipakilala sa pamilya, nandyan lang sila. Ipagdasal mo lang na may mapunta sayong isa. Wag kang magmadali o mainip. Wag kang papasok sa relasyong hindi pang matagalan.

May nakapagsabi nga, “Don’t settle for a love that you don’t deserve. Mahirap matagpuan ang totoong pag-ibig, pero hindi impossible.” Hindi man siya ang una, pangalawa, pangatlo o kung pang ilan man yan, ang mahalaga ay ang huli. Kung may mga mali  ka mang gawi sa mga nauna mong relasyon, may pagkakataon pang itama yung ngayon mo o yung magiging relasyon mo pa lang na maging siya na ang huli.  Ang kailangan lang alam mo ang halaga mo. Alam mo na ang sangkap sa panghabangbuhay na relasyon. Hindi naman importante kung hindi sya kasing-gwapo ni Paul Soriano, ang mahalaga kaya nyang maging Paul Soriano ng buhay mo.

 

4 Comments

  1. large BS!!! why do we idolize toni and paul? too much being in the religious or spiritual side doesn’t answer all marital problems and each other’s need.

Leave a Reply

Your email address will not be published.