Gusto Kong Maging N.A

Isa sa malaking bahagi ng pagiging manunulat ko ay ang pinsan ko.

Ang pinsan ko ay mahilig sa away, lasenggero, may pagka-weirdo (hindi pala may pagka kundi weirdo talaga) at nagmamarijuana.

Isa rin siyang aktibista.

Ngunit sa kabila ng angkin niyang kapintasan, ang paghanga ko sa kanya sa pagsasalarawan ng saloobin niya sa pamamagitan ng pagsulat ay hindi nabawasan.

Kung paano niya isinasabuhay ang kuwentong kanyang namamasdan tulad na lamang ng simpleng pagsakay sa bus, tiket nito, ang mga kumakaway na sanga ng puno, ang mga nagbebenta ng sitsirya.

Sa pagiging pangit na larawan niya nakatago ang isang imahe na binura ng kung ano maling nakita sa kanya. Is-Marilyn-a-Good-Artist-ftr

Naalala ko noon ang pagbulusok ng career ni Michael Jackson na binabato ng samu’t saring alipusta, ang galing niya sa pagpe-perform ay hindi naman nabawasan, pero sadya yatang mapang-alipusta ang mga tao sa pagkakamali, dapat perpekto ka sa paningin nila.

Hanggang sa dumating ang balitang namatay na nga si Michael Jackson at doon humalagpos ang mga ipokritong papuri sa kanya na dati ay pagkamuhi ang binabato.

Ganito rin ang nangyari kay Whitney Houston. Adik, adik, adik, laos ka na, laos ka na, pero nung pamunaw siya ay sandamukal na papuri, parangal, pagkilala ang ibinigay.

Ano ang punto dito? Malinaw naman, ‘di ba? Read between the lines.

Siguro kailangan munang mawala sa mundong ibabaw upang ibigay ang karampatang parangal, pagkilala upang ang mga ipokrito’t ipokrita ay muling mamigay ng mga papuring peke.

Sana ‘wag dumating ‘yung oras na may magsambit ng…. dapat ibinigay na, bakit kasi, sana, sana, sana…

About x