Gusto kong Magmura!

(Photo Credit: amodelrecommends)
(Photo Credit:  amodelrecommends)
(Photo Credit: amodelrecommends)

PRESYO NG BIGAS, TATAAS…. ang sabi sa diyaryong aking binabasa habang ako’y umeebak sa kubeta.

Anak ng puto! Bakit tataas? Wala naman tayong kakulangan sa supply ng bigas. Sobra-sobra pa nga dahil sa mga smuggled na mga bigas, pero lecheplan! Bakit tataas? Syet talaga! Gusto kong magmura!

Paglipat ko nang pahina…. nagulat ako sa aking nabasa, kaya ang ebak ko sunod-sunod na nahulog.

MULING DAGDAG SINGIL SA KURYENTE  NAGHIHINTAY SA MGA CUSTOMER NG MERALCO….

WTF! Akala ko ba magmumura o bababa ang singil? Tapos biglang may dagdag singil? Ano ito lokohan na? Syet! Gusto kong magmura.

Ibinaba ko ang aking mata matapos kong mabasa ang bahaging iyon, siguro naman itong artikulong ito ay hindi na tungkol sa pagtaas.

OMG! Muntik akong mahulog mula sa pagkakaupo ko sa inidoro.

PRODUKTONG PETROLYO MULING MAGTATAAS PRESYO…

Anak ng kambing naman! Taas na naman! Pulubing-pulubi na kami sa pagiging gahaman n’yo. Halos dugo’t pawis namin sa inyo na napupunta. Mga Pak U kayo!

Hindi ko na tinapos ang aking pagbabasa ng diyaryo dahil tapos na ring akong magdeposito sa inodoro.

Hugas hugas ng wetpu at tumingala ako sa kisame at sa isip-isip ko….

Oh! Pilipinas kong minamahal lahat sa ‘yo ay nagtataasan na, ako na lang ang hindi tumataas (pandak kasi ako). Kailan ka uling magmumura? Siguro’y malabo na. Hay! Gusto kong magmura…….

About x