Goodbye, Nokia…

nokia_

Nothing lasts forever…..

Sa April 25 tuluyan na ngang magpapaalam ang brand name na minahal ng mundo, ito ay ang Nokia.

Bakit nga ba naging ganun na lang kapopular at minahal ang brand na ito? Simple lang naman sagot dyan. Matibay at higit sa lahat napaka friendly user.

Naalala ko pa ang ikalawang cellphone ko noon na Nokia 3310 (ang una ay Bosch na kulay yellow na may weird na ringtone hehehe). Ang sarap sarap gamitin. Kahit ba napakasimple pa lang ng cellphone noong mga panahon iyon masasabi na ring napakagarbo nito. Sa games na snake na nakakaadik na ang siste ay mapahaba ang snake ng hindi nababanga sa gilid o sa sarili nya. Biruin mo ganun lang kasimple ang larong iyon na nasa Nokia cellphone pero marami ang nahumaling ng husto dito. Pahabaan kung pahabaan ang peg hehehe.

Sa tibay, hindi ka magsisisi. Naalala ko nga iyong ilang beses na pagbagsak sa lupa ng 3310 ko, aba buhay pa rin ang loko, hehehe. Di lang ‘yun nahulog ko na rin iyon sa inodoro, pero still buhay pa din. hehehe. Kahit nga yata ipukpok mo sa ulo mo, malamang ulo mo may bukol, pero ang Nokia cellphone, ayos pa rin. Ganoon siya katibay hehehe.

Mula noon hanggang ngayon Nokia pa rin gamit ko. Sa katunayan, ‘yan nga ang ginamit ko sa paggawa ng article na ito ay gula-gulanit at wala na ng case (halos hubad na) na Nokia 6300.

Aba kahit ganun na ang hitsura ng cellphone ko, hinding-hindi matatawaran ang mga alaala nito sa akin bukod sa halos lahat ng article ko ay dito ko ginawa. Kaya ganito na lang kahalaga sa akin ang Nokia cellphone kong ito.

Ngayong binili na nga ng Microsoft ang Nokia na magreresulta sa pagkawala ng brand na ito na tuluyan nang papalitan sa brand na Microsoft. Magkaganun man, ang alaala na iniwan ng Nokia sa buong mundo ay hindi maglalaho. Nakatatak na ito sa kasaysayan ng mundo pati na kaisipan at puso natin.

Farewell, NOKIA.

About x