Godzilla

Likas na yata sa tao ang madaling magpaniwala sa mga tsismis, bagay-bagay na hindi madaling ipaliwanag at mga katarantaduhan. Tulad ng bata na madaling mauto. Tulad ko noong bata pa ako. Noong nasa grade school pa ako.

May isa akong kaklase na sikat sa aming room. Marami kasi siyang kuwento at karamihan dito ay nakakamangha at nakakagulat.

Isang araw, recess namin ng mga oras na yun lumapit siya sa akin. Nasa bandang garden kami. Ewan kong garden nga ba yun, wala naman kasing tanim na kahit ano.

Klasmeyt: alam mo ba dyan sa garden natin may lumalabas na maliit na Godzilla. images (1)

Nagulat ako sa sinabi at sabay hanap sa godzillang sinasabi nya.

Klasmeyt: kita mo yung mga butas butas sa lupa diyan sa lumalabas kada hapon kung saan pauwi na ang lahat.

Namamangha pa rin ako sa sinabi niya pero may kaunti kaba at pagka-excite ako nadarama ng oras na yun.

Klasymeyt: kung gusto mo siyang makita, tapunan mo siya ng kendi o kahit piso pisong barya.

Sakto may barya pa ako dito sa bulsa ko.

Susubukan ko to pag -wi namin. Susubukan ko talaga. Tutal recess namin bibili na rin ako ng kendi para siguradong magpapakita siya sa akin.

Kinahapunan. Dumiretso kaagad ako banda sa may garden ng skul. Sakto wala nang gaanong tao. Pasimple kong ibinato sa garden ang mamiso (apat na piso yata yun) at kendi. Para akong kinikilig na maiihi sa salawal habang hinihintay ko si Godzilla.

‘Godzilla, labas na, labas na’ ang sabi ko sa isip ko habang mga kamay ko ay nakapormang magdarasal. Siguro mga 40 minutes na akong naghihintay doon, pero bigo ako. Walang maliit na Godzillang lumabas.

At tuluyan na nga akong umuwi bitbit ang panininiwalang baka bukas ay akita ko na si Godzilla.

Ang Katapusan: Mga ilang araw pa ang lumipas nang matuklasan ko na ang mga barya at mga kendi ay napupunta lang palang lahat sa kaklase ko na nagkuwento tungkol kay Godzilla.

Tsk! tsk! tsk! iIsang pangloloko lang pala ang lahat at nagsimula iyon nang naniwala ako kaagad.

About x