Giant Philippine flag, gawa sa 5,000 puto Biñan

Photo from Megaworld

Sa paggunita ng Pilipinas sa ika-121 na Araw ng Kalayaan, pinagdiwang ito sa iba’t ibang bahagi ng bansa.

Iba’t ibang selebrasyon ang ginawa ng maraming Pilipino nitong Hunyo 12, lalo na at idineklara rin itong regular holiday ng Malacañan.

Kaniya-kaniyang pakulo ang ginawa ng ating mga kababayan upang ipagdiwang ang Araw ng Kalayaan.

Photo from Megaworld

Mayroong nagsagawa ng mga programa sa kani-kanilang munisipyo o barangay. Habang ang iba naman ay nagkaroon ng aktibidad na may koneksyon tungkol sa ating kalayaan at pagmamahal sa bansa.

Bukod sa ating bansa, nakidiwang din ang mga dayuhang bansa sa ating selebrasyon ng Independence Day.

Sa Dubai, ang tanyag at pinaka mataas na gusaling Burj Khalifa ay umilaw at ipinakita ang watawat ng Pilipinas. Maraming mga Pilipino sa Dubai na karamihan ay mga OFW ang namangha at natuwa sa pagpapakita ng Burj Khalifa sa watawat ng Pilipinas.

Habang sa isang mall naman sa Biñ an, Laguna, kakaibang watawat ng Pilipinas ang ipinakita — watawat na maaaring kainin!

Isang malaking bandila ng Pilipinas na gawa sa mahigit 5,000 puto Biñan ang idinisplay sa Southwoods Mall sa Biñan, Laguna.

Kilala ang puto Biñan bilang isang Filipino delicacy sa Laguna.

Photo from Megaworld

Bukod sa ating mayamang kasaysayan, kultura, at mga dinarayong lugar sa iba’t ibang bahagi ng bansa, kilala rin tayo sa mga tradisyonal at kakaibang pagkain tulad ng puto at kakanin na gawa sa kanin.

Dahil na rin sa pagkamalikhain at pagkahilig ng mga Pinoy sa pagkain ay naisipang gawin ang watawat na ito na gawa sa puto.

Halo-halo namang reaksyon tungkol dito ang nagmula sa mga netizens:

Technically sa ating constitution this is illegal. Pero mga kongress naman baguhin na po natin ang batas. Hindi namin ma-express ang pagmamahal namin sa bayan. With that said ang galing ng mga chef nakakatakam.”

Pang guinness na yan

So creative. Congrats! What a labour of love indeed.”

Great work of art! Congratulations!

Bawat Pilipino, narito man sa bansa o nasa dayuhang lugar, ay may karapatang magdiwang ng Araw ng Kalayaan. Dahil maraming kasaysayan ang nabuo at mga bayani ang nagsakripisyo para lamang makamtan natin ang kalayaang dinaranas natin ngayon.

Anumang klaseng pagdiriwang ang ating gawin, ang mahalaga ay palagi nating maalala ang araw na ito upang hindi ito maglaho sa hinaharap.