Gaya-gaya Puto Maya

Bakit nga ba ang hilig ng Pinoy manggaya? Kada me uso, di tayo papahuli. Wala naman akong nakikitang masama. Lahat naman ng uso, lumilipas din. Strike while the iron is hot, ika nga. Mapa-business, buhok, damit, technology… lahat, di papahuli ang Pinoy. Bilib nga ako dun eh.

Pero sabi nila, “the best form of flattery is imitation”. Sino ba ang ginagaya natin? Bakit natin sila ginagaya? Iniidolo ba natin sila kaya natin sila ginagaya?

Para maiba naman, me nanggaya na ba sa inyo? Anong naging pakiramdam nyo?

Kung tayo man ang ginagaya, sa umpisa, nandyan yung naiinis tayo. Naiisip natin, bakit ba ako ginagaya nito? Ano bang problema nito? Nandyan na yung irita ka na.

Kung tayo naman ang nanggagaya, ano bang nakita natin sa kanila at bakit ba natin sila ginagaya? Ano ano naman ang ginagaya mo? Ano kaya ang pakiramdam ng ginagaya natin? Baka katulad din nung nauna.

Nung high school ako, bilib ako sa handwriting (penmanship) ng kaklase ko. Di ko alam kung bakit. Marami na rin naman ang nagsabi na maganda din ako sumulat pero mas nagagandahan ako sa kanya. Kaya naman ginaya ko yung pagsulat nya. At dahil kuhang kuha ko ang handwriting nya, akala na ng iba, sya ang nagsulat.

Di lang naman limitado sa pagsulat ang ginaya ko. Nandyan yung damit, sapatos, bag, pagsasalita, etc. ‘Di lang ako sa kaklase ko nanggagaya, nandyan yung sa mga barkada ko, yung teacher namin, at lalong lalo na sa artista.

Napansin ko rin kahit saan lalo na sa mga magkakapitbahay, nandyan din yung gayahan. Nagpatayo ng tindahan ang isa, asahan mo sa susunod na linggo meron na rin ang katapat o kaya ang katabi. Hayyy buhay!

Sa mga panggaya natin, ano ba talaga ang ugat nun? Inggit ba? Sa palagay ko naman HINDI. Inggit na lang siguro ang kinalabasan pero ang totoo paghanga.

Hanga ka kasi sya kaya nyang magtayo ng negosyo at mapalago ito. Hanga tayo kasi napupuna ang pag-aayos nya sa sarili kaya dapat ako din, maging maayos. Hanga ka kasi mataas ang marka nya, kaya dapat mag-aral din ako mabuti katulad nya.

Siguro kung titingnan natin ito sa ganitong aspeto, di lalala ang inggitan. Sapawan na kasi ang nangyayari. Ang dating, kaya kong higitan kung ano ang narating nya.

Sa totoo lang, magandang motibasyon yun. Kung yun ang naging daan para maabot mo yung mga goals mo, dapat magpasalamat tayo sa kanila. Tinulungan nila tayo kahit di nila alam.

Walang taong perpekto, kaya kung manggaya tayo, tingnan natin yung mga magaganda nilang katangian na nagpamangha sa atin. Piliin natin yun at yun ang gayahin. Syempre, tao man silang mga iniidolo natin, may mga pagkakamali pa rin sila. Pero sapat na ba ‘yun para mawala ang respeto natin sa kanila?

Kung tayo naman ang ginagaya, lalo nating pagandahin yung ginagaya sa atin. Kung iniidolo ka sa kasipagan mo, lalo ka pang magsipag. Kung hinahangaan ka sa pagiging masinop mo, lalo ka pang maging masinop. At wag magdamot. ‘Di ba tayo natutuwa kung may manggaya sa atin.? Ibig sabihin, tayo ang idol nila.

In one of Jimmy Chiu’s interview, tinanong sya “pano kung naging mas matagumpay sa ‘yo ang estudyante mo?” Sabi nya, (paraphrasing) “ikatutuwa ko ‘yun. Di ko na hinahabol ang kayamanan ngayon. Gusto ko lang ibahagi ang nalalaman ko. Kung dahil dun, naging matagumpay sila, masaya ako. Ibig sabihin naging bahagi ako ng tagumpay nila.”

I love that. It has given me a hard look at how I impact other people. Am I a role model or one of the fans? Which one is better?

Enhanced by Zemanta

About bebekoh

A typical day would compose of a never-ending internet surfing. I am still trying my best to be creative, so I write. And pray that someday... it will be appreciated. http://panobamagblog.wordpress.com