Galante ba talaga ang boyfriend ko? O ISANG MAYABANG LAMANG ?

5443035-Young-bossy-bragging-Asian-executive-or-corporate-businessman-in-suit-and-necktie-standing-with-a-bo-Stock-PhotoNANLILIGAW PA LANG NOON ANG BOYFRIEND KO ay halos ibigay na sa akin ang mga bituin at pati na ang langit.

Sa tuwing papasyalan niya ako sa aming bahay ay may mga dala na itong mga regalo sa akin, at siyempre di mawawala ng paglalangis sa aking mga magulang at mga kapatid.

‘IKA PA NG AKING AMA…

“ABA ANAK….napakasuwerte mo naman sa manliligaw mong iyan at hindi mo pa naman sinasagot ay halos ibigay na sa iyo ang langit ah…..NAPAKA-GALANTE NAMAN!”.

Sumagot naman ang kanyang ina…

“ABA OO NGA….eh lalo pa siguro kung magiging boyfriend mo na at magiging asawa….aba eh baka ipagpatayo ka niyan ng isang department store na sinlaki ng SM ah” hahaha.

Sumagot din ang kanyang nakakabatang kapatid…

“OO NGA ATE . ..SIGE NA , SAGUTIN MO NA SIYA at baka palitan na niya iyang bulok mong sasakyan!” hahaha.

Sumagot naman siya…

“OW EH WAG NGA KAYONG GANYAN…..eh hindi ko naman gaano pang nakikilala ang manliligaw kong iyan….baka pinaaamo lang niya ako….eh alam naman natin sa panahon ngayon…madaling magpanggap.”

HANGGANG SA LUMAON ay nakikita naman niya na ang kanyang manliligaw na sa pakiwari niya’y talaga namang desidido at tapat sa pagmamahal at talagang napaka-galante nito at dahil dito ay unti-unting nahuhulog ang loob niya sa kanya at hindi nga nagtagal ay ibinigay na rin niya ang kanyang MATAMIS NA OO.

MAGMULA nang maging magboyfriend sila ay para siyang isang Prinsesa na kahit ano ang maibigan ay ibinibigay niya.

‘IKA PA ULI NG AKING AMA “aba eh siguro …mayaman talaga ang naging boyfriend mo.”

Ganon din ang kanyang ina, “OO NGA eh, baka sumunod niyan ay palakihan na niya ang bahay natin.”

At sinundan pa ulit ng kanyang nakakabatang kapatid.

“OO NGA ATE…..baka bukas ay palitan na niya ang kotse mong bulok! ” hahaha

At sumagot naman siya.

HAHAHA “WAG NGA KAYONG GANYAN…. huwag ninyong samantalahin ang pagiging GALANTE ng aking boyfriend”.

Ang sabi niya tutal ay magboyfriend rin na naman sila ay gusto naman niyang makarating sa kanila at ipakilala siya sa kanyang mga magulang bilang girlfriend siya nito.

Pero ang katwiran ay hamo at darating tayo doon at hindi lang siya magkaroon ng time kasi busy siya sa kanyang trabaho at malayo daw ang kanilang probinsiya.

LUMIPAS ANG ISANG BUWAN at isang araw ay me nagustuhan akong bilhin sa isang Department store at ‘ika ko ay talagang type na type ko iyon ay ngayon lang ako nakakita non at nagkagusto ay palalagpasin ko pa ba iyon eh baka mabili na ng iba iyon at maubos na ang stock.

DATI KASI , nong nanliligaw pa lang sa akin ang aking boyfriend na may kasama pa akong mga kaibigan ko at tila sa pakiwari niya ay may gusto akong bilhin ay hindi siya nag-aatubili at ‘di mauunahang magbunot ng wallet at babayaran agad-agad gaano mang kalaki ng halaga noon.

PERO SA PAGKAKATAONG ITO ay tila kapos ang pera ko at ‘di ko yata mabibili ang nagustuhan kong iyon at hinihintay kong makipag-unahan sa akin ang boyfriend ko na bayaran iyon. ….PERO HINDI NANGYARI.

At sa hiya ko sa Cashier at sa mga taong kasunod kong nakapila ay napilitan akong i-present na lang ang CREDIT CARD KO.

AT NAPAG-ISIP-ISIP KO “HU eh pansarili ko naman iyon at munting bagay lang naman eh iaasa ko pa ba sa aking boyfriend….NAKAKAHIYA NAMAN”

MINSAN, nagpunta kami sa isang sikat at mamahaling restaurant at pinapili niya ako ng mga MENU na ‘ika niya ay masarap na hindi ko pa raw natitikman sa tanang buhay ko.

Siyang-siya ako at ‘ika ko, magmula nang ako’y maging tao ay ngayon lamang ako nakakain ng ganito kasarap .

At nang matapos kaming kumain ay pinakwenta na niya ang chit namin.

Hindi pa man nakukuwenta ay magpapaalam daw muna siya at pupunta sa CR at tapos daw ay pupuntahan muna niya ang kanyang sasakyan at may nakalimutan lang daw siyang isang bagay doon .

At nang makita ko na ang halaga ng kinain namin ay MUNTIK NA AKONG MAIHi AT MUNTIK KO NANG MAISUKA ANG KINAIN NAMIN dahil sa kamahal ng kinain namin .

Sabi ko sa waiter, “WAIT LANG HA” at hinihintay ko lang ang boyfriend ko at siya kako ang magbabayad.

Pero mahigit kalahating oras na ay wala pa rin at pinagtitinginan na ako ng waiter at ng cashier at kung bakit hindi pa kami nagbabayad at baka iniisip niyon na STROKE KO LANG IYON AT MA-ONE TWO THREE SILA.

“HUU BAKIT NAMAN KE TAGAL NG BOYFRIEND KO?…eh naiinip na ang waiter,” ang nag-aalala nang ako.

Hanggang sa umabot ng isang oras ay wala pa rin ang kanyang boyfriend kaya napilitan na rin siyang bayaran ito at buti na lang daw at kakasuweldo lamang niya.

At nang pagkabayad niya ay siya namang pagdating ng kanyang boyfriend.

“HA! BAT ANG TAGAL MO?” ang medyo nasusuya at may konting inis sa kanyang boyfriend .

“HA! eh kasi nang mabisita ko ang sasakyan ko ay nakita kong flat pala …at hayun pinagpawisan tuloy ako sa pagpapalit ng gulong…. ang dumi pa naman at napakaputik ng gulong at naghugas pa ako nang mabuti”.

Tiwala naman ako at nakita ko ngang may bakas pa ng kaunting putik ang mga kamay niya…at ‘ika ko ay kinain naman namin iyon so HINDI KO NA SIYA SININGIL.

MALAKAS ANG ULAN NOON ….ang sabi sa akin ng boyfriend ko ay iiwanan na lang niya ang kanyang sasakyan sa parking lot ng kanilang kompanya dahil may balitang baha na sa dadaanan namin at sabi ay magcommute na lang kami.

Papara na lang ako ng jeep nang pigilan niya ako at ang sabi ay masyadong mainit sumakay sa jeep kasi hindi raw aircon ….. magtaxi na lang kami at marami pang alam ang driver ng taxi na mga dadaanang hindi baha.

Nang makarating na kami sa aming pupuntahan ay ako na raw muna ang magbayad kasi raw ay wala siyang cash at balak na raw niyang magwithdraw sa banco kaya lang ay nalimutan pa niya ang kanyang ATM card.

‘Ika ko sa sarili ko “WOW NAMAN…..nakakahalata na yata ako sa boyfriend ko ah”.

“GALANTE BA TALAGA ANG BOYFRIEND KO O ISANG MAYABANG LANG?” ang naibulong ko na lang.

At may mga sumunod pang mga pangyayari na halos ako na ang nagsho-shoulder at tila nawala na ang kanyang pagkagalante.

At nang di na ako makatiis…

AH TEKA NGA..ang sabi ko sa boyfriend ko “MABUTI PA YATA PANSAMANTALA AY MAG BREAK MUNA KAYA TAYO”

“HA!” ang gulat nito.

“BA-BAKIT ME NA-NAGAWA BA AKONG KASALANAN?” ang halos parang maiiyak ito.

Ang sagot ko “ABA, WALA” eh nadinig mo naman ang sabi ko na “PANSAMANTALA LANG”…hindi ibig sabihin ay totally break na tayo.

“HA!..BA-BAKIT?”..ang alalang-alalang pagtatanong niya.

“EH kasi ang totoo niyan ay MAGMAMADRE SANA TALAGA AKO ….eh kaya lang ay napaibig mo ako.

Pero ngayo’y napag-isip-isip ko na dapat palang ituloy ko na lang ang pagmamadre ko at nang makapaglingkod ako sa Panginoon at kung dumating ang dalawang buwan at hindi ako natuloy sa pagmamadre ay babalikan uli kita”.

“HA! OH DIYOS KO” ang laking panlulumo nito.

MASAKIT MAN DAW SA KALOOBAN NG BOYFRIEND KO ay tatanggapin na niya dahil paglilingkod naman sa Panginoon ang kakaharapin ko….pero kung magbabago naman ang isip ko at mapupunta lang ako sa ibang lalake ay DI RAW SIYA MAKAPAPAYAG AT LALABAN SIYA NG PATAYAN .

‘IKA KO ….. “WOW KASARAP NAMANG PAKINGGAN.”

Pero ang totoo ay mahal ko pa rin siya at lihim ko lang aalamin ang tunay niyang pagkatao.

At sa loob ng dalawang buwan kong lihim na pagmamatyag sa buhay ng aking boyfriend ay ito pala ang PINAKA-BREADWINNER sa kanila at talaga naman palang mabait at mapagmahal sa pamilya at wala itong sinasayang na ultimo sentimo sa mga wala namang kapararakan at walang kabagay-bagay na hindi mahalaga.

AT NAPAGWARI-WARI KO…siguro komo talagang mahal niya akong talaga ay naging galante lamang siya at isang paraan upang maibig ko siya……pero siguro komo napasagot na naman na niya ako o napabagsak na niya ang BATAAN at pwede nang hindi na siya maggagasta ay pwede na siyang MAGING ISANG KURIPOT.

NAISIP KO ULI.… hindi naman pala ako nagkamali sa pagpili ng naging boyfriend at pinagdudahan ko lamang siya dahil ‘di ko mawari kung talagang siya ay isang galante o isang mayabang lang …. at ‘ika ko ay wala namang kaso iyon dahil mahal naman niya ako at muli ko siyang babalikan upang magpakasal na kami.

TATLO NA ANG AMING ANAK NGAYON at ito pa rin ang sinusuot kong duster at naisipan kong magpabili ng bago sa mister ko.

“HONEY…..ibili mo naman ako ng bagong duster oh…”

“EH HONEY ……nagagamit pa naman yan ah, eh pagtiyagaan mo muna ….eh kasi marami pa tayong ibang pagkakagastahan.”

NGAYON KO LAMANG NAPAGTANTO…..ang inaakala ko nong una na isa siyang GALANTE O ISANG MAYABANG LAMANG AY HINDI PALA TOTOO…. .

At siya pala ay SOBRA LANG SA KAKURIPUTAN .  hahahaha
…Wakas…