G.R.O. Noon, Milyonarya Na Ngayon

lotto-winner_zps6718eae9Halos ilang taong nabuhay si HILDA sa pangungutya ng mga kakilala, kaibigan kapitbahay .

Tampulan siya ng tukso at ginagawang almusal sa umaga. Sa tuwing lumalabas ito ng bahay at bibili ng tinapay at kape sa tindahan malapit sa bahay nila. Sa tuwing paparating si HILDA ay nagbubulong bulongan na ang mga kapitbahay niyang nag-uumpuggan. Parang mga bubuyog na nagbubulong-bulongan.

“Ayan, puyat na naman si HILDA ilang customer kaya ang tumira diyan kagabi!”

Kahit naririnig ni Hilda ang bulong-bulongan nila binabalewala na lamang niya ito.

Oo, totoong GRO si HILDA, pero hindi siya ‘nagpapagamit’ sa mga customers niya. Nakikipag-table lamang ito ayon sa dalaga. Siya ay single mother o dalagang ina sa dalawang anak niya.

Ginagawa niyang umaga ang gabi dahil sa gabi ito nagtattrabaho kaya sa umaga siya ay kadalasang tulog. Nakatira si Hilda sa barung-barong sa ilalim ng tulay. Kumikita siya ng 500 hanggang isang libo gabi-gabi kung susuwertehin.

Kung minsan ay nag e-extra din ito sa paggiling sa entablado kapag lumiban ang isa sa mga dancer sa bar kung saan siya nagta-trabaho.

Masalimuot ang nakaraan ni Hilda. diumanoy binubogbog siya ng amain o asawa ng nanay niya, kaya siya lumayas; sa kasamaang palad. Minsan na rin siyang hinalay ng amain. Kaya naglakas loob itong lumayas at sumama sa nobyo nito. Nagtanan sila at pumunta ng Maynila. Subalit ang langit na ipinangako ng nobyo nito kalaunan ay naging impiyerno din. Sinasaktan din siya at ginawang punching bag ng naging ama ng mga anak niya. Kaya ito nakipaghiwalay dahil hindi niya kayang buhayin ang dalawang anak niya sà pangangalakal, kaya’t pumasok ito bilang GRO dahil na rin sa udyok ng kaibigan nitong GRO din.

Dala ng kahirapan at walang pinag-aralan si Hilda; grade six lang ang natapos niya. Tinitiis niya lahat ng pangungutya.

Ayon kay Hilda, “Wala akong pakialam sa sasabihin ng iba, ang mahalaga ako’y kumikita at nabubuhay ko ang mga anak ko.”

Maging ang mga anak nito ay nakararanas ng pangungutiya. Naroon yong umuwing luhaan ang anak niya at nagsumbong sa ina.

“Nay,totoo bang pokpok kayo? Ano ba ang pokpok? “

Inosenteng tanong ng anak sa ina. Binabalewala na lamang ni Hilda ang lahat ng sakit nanararamdaman nito. Umaasa ito na darating ang araw makaahon din sila sa kahirapan. Hindi habang buhay ay GRO siya. Minsan nangarap itong makahanap ng foreigner na aahon sa kanila sa hirap.

Nagkaroon ito ng nobyong kano at niyaya siyang magpakasal at dadalhin sa Amerika, subalit hindi kasama ang dalawang anak nito. Tinanggihan ni Hilda ang offer at nakipaghiwalay ito sa Kano.

Sabi ng mga kaibigan niya, ” GAGA KA TALAGA, HILDA! Pagkakataon mo na sanang yumaman, inayawan mo pa!? “

Sabi ni Hilda, “Aanhin ko naman ang kayamanan kung hindi ko kasama ang mga anak ko?”

Isang araw, nagkasakit ang panganay niya anak dengue ang sakit nito. Kailangan ng malaking halaga upang maipagamot niya.

Wala siyang kaibigan na malalapitan dahil lahat ng kaibigan niya ay mahirap rin lang.

Nanganganib na ang buhay ng anak niya at ang masaklap pa nito ang bunso niya ay nasagasaan pa ng motorsiklo. Biktima ng hit and run ang anak niya.

Pumunta si Hilda sa simbahan at nanalangin nang mataimtim.

“Lord, tulungan mo ako, buhayin mo ang nanganganib kong mga anak . Alam mo na sila lang ang buhay ko. “

Habang nag-aagaw buhay ang mga anak niya noong gabing iyon, napagdesisyonan ni Hilda na gumawa ng bagay na hindi naman niya ginagawa. Sabi niya, kailangan niyang gawin ito kahit labag sa kalooban niya. Sumama si Hilda sa isang customer niya na mayamang gurang. Pumasok sila sa room 24 bandang alas 9 ng gabi at lumabas ng alas 11 ng gabi.

Lumabas na luhaan si Hilda dahil inabutan lamang ito ng halagang 500, hindi ito tumupad sa usapan na bibigyan diumano siya ng 5000. Luhaang pumunta si Hilda sa ospital upang bisitahin ang mga anak niya.

Ang panganay niya ay nasa room 204, ang bunso naman ay nasa room 135.

Sa awa ng Dios ligtas na sa kapahamakan ang mga anak niya. Subalit umabot sa 47,000 ang bill ng dalawa.

Walang nagawa si Hilda noong sinabi ng nurse ang laki ng halagang kailangan niya kundi sumandal na lamang sa pader at humagulgol ng iyak. Nag-walling si Hilda sa pagkakataong iyon at nagsabi ng, “Saan ako maghahanap ng pera??”

Kinabukasan umalis si Hilda ng ospital at nagpakalat-kalat ito bandang Recto.

Halos 80 na lang ang natitira niyang pera dahil pinambili niya ng prutas para sa mga anak at gamot ang iba.

Sa paglalakad niya ay may nakita siyang karatula na may nakasulat na, LOTTO OUTLET

Kumakalam na ang sikmura niya, pero sabi niya tataya ba ako ng lotto o bibili ng pagkain? Sige na nga, bawasan ko ng 20 at tataya ako ng lotto.

Tumaya si Hilda at tinayaan niya ang numerong 24-9-11-20-47-35.

Halos buong araw itong pakalat-kalat sa Quiapo, tuliro at wala sa sarili, labas masok sa simbahan at nagdadasal.

Kinagabihan, pumasok siya ulit sa bar. Pinipilit niya ang customer na ilabas siya kahit magkano papayag na diumano si HILDA. Subalit tinatanggihan siya sa itsura niyang mukhang bangag at lipad ang isip.

Noong gabing iyon, hindi na nakabalik si Hilda sa ospital dahil wala umanong dalang pera na pambayad sa ospital.
Nakatulog sa upuan ang kawawang si Hilda.

Nag-ambag-ambag ang mga kasama niya na GRO ng mga barya at nakaipon ito ng halagang P1850, inabutan din siya ng manager ng bar ng P500.

“Pasensya ka na, Hilda, ‘yan lang ang maibibigay ko sa ‘yo, alam mo naman na mahina ang bar, madalang na ang pagpunta ng mga parokyano, ” sabi ng baklang manager ng bar kay Hilda.

Agad na pumunta si Hilda sa ospital at kinausap ang nurse.

“May dala akong pera, mga 2300, puwede bang ito na muna ang ibabayad ko?”

Tumaas ang kilay ng nurse. “Yong bill n’yo ay mahigit 47 k na dahil nadagdagaan pa ito ng mga itinurok na gamot sa anak ninyong nagka-dengue at ‘yong isa kahapon dumugo ‘yong tahi ng anak ninyo dahil iyak ito nang iyak, Hinahanap ka. Sa sobrang likot niya dumugo kaya tinahi ulit, tapos yan lang ang ibibigay mo?”

“Wala ka bang Phil health? Ano bang trabaho mo? Humingi ka ng tulong kay Mayor, pumila ka sa PCSO..” bulyaw ng nurse kay Hilda . Tumahimik na lamang siya at hindi na umimik.

Binisita niya ang dalawang anak at agad na umalis ulit.  Naglakad-lakad ulit si Hilda sa bandang Recto, nanghiram ito ng diaryo sa naglalako ng diyaryo upang tingnan ang lotto result.

Ang lumabas ay 9-11-20-24-35-47.

Laking tuwa ni Hilda, nagsisigaw ito sa tuwa! Agad niyang kinuha ang ticket ng lotto at inisa-isa. Jackpot! Nanalo ito ng halagang 135 Million.

Sinagot ng lotto ang hiling niya na magkapera. Ang kailangan lang niya ay halagang 47k subalit binayayaan ito ng milyong halaga.

Naging milyonarya si HILDA. Umalis na sa ilalim ng tulay at hindi na GRO. Binigyan niya ng tig-100k ang mga kasama niyang GRO, maging ang mga taong nanlait sa kanya ay inambunan niya ng grasya.

Ngayon, masaya siyang nabubuhay kasama ng dalawang anak at nanay niya. Bumalik ito ng probinsiya nang mabalitaan niyang namatay na ang amain niyang umabuso sa kanya.

About mjsweetiecarreon

My writings are filled with angst. Deep emotions and a wild imagination are a source of creativity. It is powerful and consuming. I like to entertain people through my stories. Life is one colorful rollercoaster ride . http://www.facebook.com/maryjoy.carreon.9