From Redfox to “Hotdog”: A Tribute to Rene Garcia

Images via Rene Garcia's Facebook account

Sino ba naman ang makalilimot sa “Hotdog”…ang sikat na bandang nagpasimula ng “Manila Sound” phenomenon sa industriya ng musika sa Pinas?

At sino ba naman ang makalilimot kay Rene Garcia na male lead singer ng phenomenal band? Ang boses sa likod ng Manila, Bongga Ka Day at Langit Na Naman at iba pa.

Kasama ng kanyang kapatid na si Dennis Garcia, nabuo nila ang team ng Hotdog kabilang sina Ella del Rosario (female lead singer), Lorrie Ilustre at Ramon Torralba noong early 70s na talaga namang tumatak sa mga puso ng Pinoy music lovers.

Ang  Pers Lab… nagpaningning sa unang pag-ibig ng bawat kabataan ng 70s na sinundan ng Kasi Naman (Pers Lab 2).

Ikaw ang Miss Universe ng Buhay Ko… ang haranang tumanim na sa ating kultura.  Ang inaugural 1974 hit ng Hotdog.

Well, alam n’yo bang si Rene ang nag-compose ng musika niyan? Pati na rin sa Annie Batungbakal, Bongga Ka Day, Beh, Buti Nga, Bitin Sa ‘Yo, Ikaw Ang Miss Universe Ng Buhay Ko, Dying To Tell You, Langit Na Naman, Sana Maganda Ako at marami pang iba?

Siya at si Dennis rin ang sumulat ng ilang awitin para sa ibang artists – Akala Ko ni Sharon Cuneta, Sa Isip Ko niAgot Isidro, Badaf Forever ni Chi-Ching atbp.

Ang kanilang Panaginip naman ay timeless na awit ng pag-ibig, gaya ng kanilang Ikaw Pa Rin,  O Lumapit Ka at Bitin sa ‘Yo. Hay… nakaka-inlab na mga awitin.

Nagpaindak ng marami ang kanilang Annie Batungbakal at Bongga Ka Day.

At siyempre pa..ang walang kamatayang Manila na awitin ng bawat nangungulilang Pinoy.

Click the image to play the music video

Pero alam mo ba kung saan nagsimula ang journey ni Rene kasama ang kanyang kuya Dennis?

Sa Redfox! Nalaman ko lamang ito nang bisitahin ko ang Facebook ni Kuya Rene. Ibinahagi niya kasi ang video na ito! Lalo akong na-amaze sa kanila. Mga kabataan na nagsama-sama at bumuo ng sarili nilang banda dahil sa passion. Mula sa Redfox ay naging madali sa kanila ang bumuo ng bagong banda na sumikat bilang Hotdog!

Panoorin!

Tarang mag-throwback at namnamin ang musika na pamana nang maituturing ng Hotdogs at siyempre, ni Kuya Rene na bagma’t iniwan na tayo sa edad na 65 dahil sa cardiac arrest noong Setyembre 2 ay mananatili na sa ating puso. ‘Til the end ay ibinigay ni Kuya Rene ang kanyang puso sa musika.

Salamat, Kuya Rene. Salamat sa Hotdog!

2 Comments

  1. Autolike, Autolike International, Auto Liker, autolike, Auto Like, Autoliker, ZFN Liker, Increase Likes, Working Auto Liker, auto like, Status Liker, auto liker, Status Auto Liker, Autoliker, autoliker, Photo Liker, Photo Auto Liker

  2. Autolike, Autolike International, Auto Liker, autoliker, Status Auto Liker, Status Liker, auto liker, Working Auto Liker, Autoliker, ZFN Liker, Autoliker, Photo Auto Liker, Auto Like, autolike, auto like, Increase Likes, Photo Liker

Leave a Reply

Your email address will not be published.