Free Taste!

Sa mall, sa grocery at sa iba pang lugar pamilihan, mapapansin ang pangunahing gawi ng mga parokyano, konsyumer at ng mga usisero. Bukod sa pangingilatis sa mga produkto, at masusing pag-iisip ng pinakamainam na bilihin mula sa iilang papel at barya, mapapansin ang pagkilos na ito. Tunay ngang mahirap maisakatuparan ang badyet iskedyul!

Kadalasan, humahaba ang pila sa isang bahagi ng grocery. Minsan, umaabot sa istol ng ibang produkto. Akala ko kung anong mayroon. Napapalinga ako habang napapansin kong humahaba ang leeg ng mga taong nasa bandang likuran ng pila upang makita kung ano na nga bang nangyayari sa kanilang inaantay.
Mababa sa anim na tao ang nakita ko noon — hinihintay maluto, hinihintay kumulo, hinihintay uminit at sa huli’y inaasam na maisilbi sa pamamagitan ng toothpick, basong disposable, plastik na platito at kubyertos, styro at kung anumang bagay na pwedeng paglagakan ng mga piraso ng ipinakikilang produkto, na sa napakaraming pagkakataon ay panglaman-tiyan.
Alam natin na ito ay isang bahagi ng promosyon. Subalit, mas nakita ko ang larawang hindi ko inaasahan. Tila may ipinababatid sa akin ang patuloy na paghaba ng pila — mga nakapilang madalas na binubuo ng matatanda, bata at uring hiwalay sa may-kaya. 

Sa patuloy na pagtaas ng presyo ng mga pangunahing bilihin sa merkado, ang libreng tikim ay mapag-titiyagaan na para sa kumakalam na sikmura — kaysa sa wala.

Ang libreng tikim ay ayos na para malasahan man lang kahit sa ilang sandali ang produktong hindi kayang bilhin.

Sa libreng tikim, hindi ko na nakikita ang mamimiling nais lamang subukin ang lasa ng bagong produktong pagkain. Mas nakikita ko na ang mga mamamayang sinasamantala ang pagkakataong malasap ang anumang bago — kahit man lang sa limitadong panahon. Ang iba, bumabalik pa.

Kung ganito na ang kalakaran ng libreng tikim, mas nakakasabik lamang para sa iba ang pagpapatikim ng produktong hindi naman kayang bilhin. Sa puntong ito, ang tanging rason ay umiikot sa — “Mabuti na ang mayroon (kahit kaunti lang) kaysa sa wala” o kaya nama’y “Mabuti na rin ito, kasi libre naman!” 

Sa mekanismo ng free taste nasilayan ko ang kasalukuyang anyo ng karaniwang mamimili sa ilalim ng mapanghamig na merkadong kapitalista.

Sa kapirasong walang kasiguruhan — Pinaghihintay. Pinatitikim. Pinasasabik.

14 Comments

  1. Hey very cool web site!! Man .. Excellent .. Amazing .. I will bookmark your site and take the feeds also…I am happy to find so many useful info here in the post, we need work out more techniques in this regard, thanks for sharing. . . . . .

  2. Aw, this was a very nice post. In concept I want to put in writing like this moreover – taking time and actual effort to make a very good article… but what can I say… I procrastinate alot and not at all appear to get one thing done.

  3. Only wanna remark on few general things, The website style is perfect, the subject matter is really great. “The reason there are two senators for each state is so that one can be the designated driver.” by Jay Leno.

  4. I’ve been browsing on-line greater than three hours nowadays, yet I never discovered any attention-grabbing article like yours. It is lovely price sufficient for me. In my view, if all webmasters and bloggers made just right content as you probably did, the net will likely be a lot more useful than ever before.

Leave a Reply

Your email address will not be published.