Four Years Ago…

07/01/14 10:16:37 AM
http://malacanang.gov.ph

Nasaan ka nung nangyari ito? Noong panahon na sinundo ng ate mo ang kuya mo papubntang Luneta, at in return naman ay pormal na nanumpa ang then-nanalong kanidato ng Liberal party bilang pangulo ng bansang kinatitirikan mo?

Masyadong tahimik nun ang kalyeng Legarda sa Maynila (at bakit ito pa ang halimbawa ko? Dahil maliban sa nasa lungsod ako noong panahon na yun, ay malapit lamang dyan ang Malakanyang, o ang tinatawag na “presidential palace.” Isang kaliwa lang sa intersekyon ng Legarda-Azcarraga (o sa kasalukuyang pangalan, C.M. Recto) at Mendiola) noong Miyerkules na umaga na yun. Kakatila pa lamang ng ulan din nun. At totoo lang din, matapos ng eleksyon nun ay wala akong kamalay-malay sa mga pangyayari sa politika.

Basta, ang alam ko lang nun ay nagpaplano kami ng kabarkada namin nun sa paggawa ng thesis, samahan mo pa ng panaka-nakang pagiinternet gamit ang nakaw na wi-fi mula sa kanyang tropa, at ilang shot ng isang kilalang brandy. Malay ko ba na naging pangulo na nun si Noynoy Aquino.

Ahh, kaya pala may putukang naganap nun, tapos ang hinala ko ay yung mga explosion sound waves nun (“explosion sound waves” talaga?!) ay mula pa sa Luneta, o kung sa mas spesipikong lokasyon, Quirino Grandstand. Wala sa radar ko nun na may mga tarantado na namang nagiiskandalo sa mga kalye ng Sampaloc (sabagay, kahit riding in tandem ay hindi makakaalpas sa madulas na kalsada roon).

Pero, ayos lang din eh no?

Sa kanyang pormal na unang talumpati bilang pangulo ng republikang ito (o kung masyado kang diplomatiko kuno, estado), mararami rin siyang binitawang salita. As in “panalong sound bytes” lang.

Walang wang-wang. Walang counterflow. Walang toll. Hanep, ang daming pinagbawal. Sabagay…

Click here to continue reading

Author: slickmaster | © 2014 september twenty-eight productions

Be the first to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published.