Former ‘Darna’ star Lorna Tolentino, ibinunyag ang bet niya para sa iconic role

Image from Instagram

Matapos bitawan ni Liza Soberano ang role bilang susunod sanang Darna dahil sa kaniyang injury, kaliwa’t kanan ang mga lumabas na balita kung sino ang nararapat at napupusuan ng publiko na gaganap sa iconic role na ito.

Kamakailan ay inilunsad ng Star Cinema ang isang open audition upang hanapin ang susunod na aktres na gaganap sa iconic role na nilikha ni Mars Ravelo.

Mistulang fan favorite naman ang aktres na si Nadine Lustre upang gumanap bilang susunod na Darna.

Maski ang tanyag na direktor na si Erik Matti, na una nang sinabihan na magdi-direk ng movie adaptation na Darna, ay si Nadine ang napupusuan na papalit sana kay Liza.

Lahat ay inaabangan na kung sino nga ba ang susunod na lulunok ng bato, kabilang na dito ang  isa sa mga unang gumanap na Darna noong 1977 na si Lorna Tolentino.

Image from YouTube

Sa isang interview, ikinuwento ni LT na napanood niya ang viral video na sumigaw si Nadine ng ‘Darna!’ Ang tinutukoy niyang video ay ang YouTube vlog ng aktres na si Donnalyn Bartolome kung saan ay nag-guest si Nadine.

At sumasang-ayon si LT sa pagsigaw ni Nadine ng ‘Darna!’

Napanood ko yung [pagsigaw niya ng] ‘DARNA!’ Iyong ganun niya. Nice!” pahayag ni LT sa interview.

Pero siyempre, ang dami yatang nag-o-audition for that, coz Darna is Darna! Di ba? Lahat, gustong mag-Darna,” dagdag pa ng aktres.

Image from Donnalyn Bartolome via YouTube

Ibinahagi rin ni LT ang kaniyang karanasan noong ginagampanan niya ang role bilang Darna.

“Ako ‘yung unang Darna na naka-bathing suit! One-piece bathing suit. Hindi bikini,” kuwento niya.

Gumanap si LT sa TV adaptation ng Darna noon sa RPN 9. Naaalala pa nga raw niya ang paggamit dati ng blue background at lamesa upang kunan ang mga flying scenes.

Kuwento ng aktres, “Naka-blue ang background. Walang harness noon! Walang harness.”

Natatakot nga ako noon. Na-retain sa akin… kasi, hindi ko nadaya yung pagpukp0k doon sa guy [stuntman].”

Napukp0k ko siya. Nagkabukol lang. So, traumatic sa akin [yun] noong bata ako,” pagsasariwa ng aktres.

Dagdag pa ni LT, wala raw siyang natatandaan na gumanap na Ding noong siya si Darna.

Bukod kay LT, marami ring malalaking artista ang nakilala sa kanilang pagganap bilang Darna, kabilang na rito sina: Rosa del Rosario, Anjanette Abayari, Angel Locsin, at Marian Rivera-Dantes.

Mataas ang expectations ng nakararami para sa susunod na tatanggap ng iconic role dahil isa si Darna sa mga pinakasikat at tinitingalang Pinoy superhero na matagal nang nangingibabaw sa mga pelikula at telebisyon.