Forever: 404 Error Not Found

foreverKanina, basketbol lang topic natin. Tapos napunta tayo sa science, religion, gobyerno, problema ng ‘Pinas hanggang sa crush mo…tapos ngayon naman, ex mo?

Pusang-gala, tuwing magkikita tayo lagi mong sinisingit yang ex mo na tatlong beses kang niloko! Naga-adik ka na ba?

Sabagay, di kita masisisi. Mahal mo e. Ganyan talaga pag in-love. E ang kaso, niloko ka. Not just once, but three times! Lupit mo din e no? Anong tawag diyan, bayani? Alanganing martir, alanganing engot? Endangered species ba siya kaya hirap na hirap kang makahanap ng kapalit niya? Tapos ngayon, linggo-linggo mo kong aayaing mag-inom para pag-usapan NA NAMAN natin ang alamat ng katangahan mo?

Tutal, kanina mo pa ba bukambibig yang forever-forever na yan, sige, pagbibigyan kita. Pag-usapan natin yang problema mo nang manahimik ka na.

(Ako na ba? Bilis a? Baka dinadaya mo ko kokotongan kita.)

Nakainom lang ako, pero di pa ko lasing ha? Ipapaliwanag ko sa’yo ang opinyon ko about sa forever na yan.

Kita mo to? May dictionary apps ako sa cellphone. Merriam and Webster. Check ko yung meaning…eto: for and endless time, for all time, for a very long time tsaka at all times. Kung full definition naman, sabi dito e “a seemingly interminable time”. Lalim di ba? Nose bleed. Wag mo ng alamin at baka masira pa ulo mo.

Saan? Sa Wikipedia? Teka, search natin…uhm…uhm…wala e. Walang research studies tungkol dun. Puro mga pelikulang ‘endless love’, kanta tsaka libro lang. Ano, okey na? Pati Wikipedia idadamay mo pa sa forever-forever mo.

So, ayon sa literature, ang forever ay walang katapusang oras. Endless. Parang simula ng tuldok ng bilog na magtatapos sa sarili niyang tuldok, paikot-ikot, walang katapusan. Puwedeng eternity kasi nga, endless. Okey? Malinaw tayo sa definition ng forever a? Good.

Tatanungin kita: ano-ano ba ang mga bagay na walang katapusan? Isantabi muna natin ang love. Basta, magbigay ka ng bagay, pangyayari o kahit ano, basta walang katapusan. Ano? Meron ba?

Okey, so wala di ba?

Ang buhay ng tao, nagsimula sa birth, magtatapos sa death. Human nature yun. Kelangang may mamatay para may mabuhay. Lahat ng tao, kesihodang anak ka ng senador o laos na artista, lahat tayo diretso ng libingan. Balance. Kahit nga ang mga idol mong superhero e namamatay din. Kahit super-duper-mega-hero pa yang mga yan, lahat yan, may ending. At wala pang napapatunayang imortal sa mundo, dahil kahit ang mga bampira e sinag lang ng araw ang katapat.

(Nakikinig ka pa ba? Baka lasing ka na, uuwi na ko?)

Ngayon naman, i-apply natin sa pag-ibig. Sa history ng tao, meron na bang nakakamit ng forever? Ng endless love? Sa mythology, meron bang pana si Kupido na gawa sa forever?

Wala. Kahit sa Philippine history, walang naitalang mag-asawa na habambuhay nagmahalan. Lahat-lahat na, kahit isama mo pa world history, walang ganun. Na-deads din lahat. Ultimo mga love story sa bible, wala ding nakamit na forever.

(Joke lang yung kay Kupido, masyado ka namang seryoso.)

Oo, alam ko, idadamay mo na naman ang pag-ibig ng Diyos sa tao na walang katapusan. E di sige, may forever sa Diyos. Pero hindi naman yun ang target natin di ba? Sa tao natin to ia-apply, okey? Tsaka ibang meaning  ng love yun. Pag-ibig ng Diyos sa nilalang niya, hindi sa kabiyak niya o asawa. Gets mo?

‘Lang’ya napasok na naman tuloy tayo sa religion.

Pati yang joke-joke na traffic sa EDSA lang ang may forever, kalokohan yan. Matatapos din ang forever na yan kapag nagawan na ng paraan at solusyon. Pag tumalino na ang gobyerno. Atlis yung EDSA may paraan pa, e yung lovelife ng iba, hanggang ngayon pinagdarasal pa. Sinasama sa pangarap at kung ano-anong wishful thinking. Tsaka, lahat ba ng tao dumadaan ng EDSA?

Anyway, kahit ia-apply mo ang lahat ng branch ng science tungkol sa forever, puro theory pa lang din yun. Puwede mong paniwalaan lahat dahil sa mga theory-theory at sandamakmak na research studies, pero lahat yun, ekis pa din. Pagsamahin mo man ang physics, chemistry, biology o kahit mismong quantum physics, lahat ng mga yan naniniwala na ang lahat ng bagay may simula, at meron ding ending. Kita mo, pinaniwala tayo ng mga matatalinong scientist na masusunog tayo kung sakaling makarating tayo malapit sa araw, pero sa history ng sangkatauhan, meron na bang nakalapit sa araw na astronaut/cosmonaut para patunayan ang theory nila? May nabalitaan ka na bang nasunog na tao dahil nag-power tripping siya papuntang araw?

(Bahala ka kung joke yun. Shot ko na, ang bagal mo e.)

Sige, logic naman. San ba nagsisimula ang love story? Sa ligawan di ba? Tapos, ano-ano ang ending? Break ups. Nangaliwa. Nagloko. Nanulot/sinulot. Nawalan ng gana or hindi nag-work. Kusang nawala ang pag-ibig. Cool off, na papuntang break up din. Minsan, religion issues. O kaya ayaw ng mga magulang. Puwede ring…

(Click here to continue reading…)

About Juan Mandaraya

Dating gitarista ng iba-ibang banda. Nagdo-drawing kapag bagot sa trabaho at walang internet. Nagbabasa ng libro para antukin at para masabing nagbabasa din. Sabik sa tulog, adik sa kape at fried chicken. Nagsusulat dahil...hindi niya rin alam. Triip lang.