“Food Menu” (Life is full of choices!)

Isang araw, nagyayang kumain sa isang Italian restaurant ang anak ko. Maganda ang restaurant, busy at talaga namang maayos at malinis. Lumapit ang isang naka unipormeng waiter at iaabot sa amin ang food Menu.

Maraming choices, may soup, may starter, may pasta, may pizza at kung ano-ano pang mga putahe na pawang masasarap basahin at pakinggan…Bukod pa dito may iba’t-ibang kahulugan o definition din ang bawat pagkain para lubos na maunawaan….

Napangiti ako =)

Lubhang nagtaka ang aking anak kung bakit ako ngumingiti samantalang di naman komiks ang aking binabasa…Mom, are you okay? Pabirong tanong ng aking anak…Of course naman anak me naalala lang ako…

I realized na ang food menu ay parang isang libro ng buhay….Sa unang pahina ng menu, makikita ang salitang:

Starter— na sa bawat buhay ng tao kinakailangan nating magsimula..Sa isang food menu ang starter ang syang unang kinakain. Napakarami ding choices, katulad ng sa tunay na buhay puwede nating madaliin or hinay-hinay lamang sa ating pagsisimula…

Sumunod naman ang Soup–ang soup ay isang mainit na sabaw . Mainit at sa ating buhay ito naman ang mga balakid  na ating nadaraanan sa ating unang paglalakbay…At katulad ng mainit na sabaw, habang pawis na pawis na tayo sa paghigop at napapaso na ang mga dila at labi, tuloy pa rin ang buhay….at habang tumatagal tayo ay nasasanay.

Eto na ang Main course…pinakamabigat na kakainin natin. Sa takbo ng ating mga buhay..ito ang  mga oras kung saan nasa kalagitnaan na tayo ng ating paglalakbay sa buhay….Ito rin ay katulad ng isang pagkaing nakalagay sa isang malaking plato kung saan maaring masarap o walang lasa subalit kinakailangan mong kainin upang mabusog o mabuhay lamang….

Dessert… Maraming tao ang may gusto nito, di lamang sa tamis at sarap. Maihahalintulad ito sa tamis ng ating tagumpay….

Sa pag-order ng pagkain sa isang restaurant, di mo kinakailangang magsimula sa starter o soup, maari mong iwasan ang lahat at umorder na lamang ng dessert o main course..

Ngunit ang buhay ay hindi ganun lamang..Mas masarap ang tagumpay kung lahat ng hirap at pagsubok sa buhay ay iyong nalampasan…Maaring ang buhay ay katulad ng isang food menu na napakaraming pagpipilian…..At sa bawat pagpili natin ng pagkain, maaring ang ating naorder ay hindi ayon sa ating panglasa…Sana nga’y madaling palitan katulad ng pagkain ang ating mga nagiging desisyon sa buhay, subalit sa bawat choices at desisyong ating nagawa, ito ay dapat nating pangatawanan…

Ma, gutom na ako?! Order na ba tayo???

Ay oo nga pala, hindi pa nga pala kami nakakaorder ng anak ko…=))))