First Time Ko Magtrabaho

Image credit: Alaska Unemployment Help

Paano nga ba tayo magtatagumpay sa isang bagay?

Maging sa pag-ibig, sa trabaho, sa negosyo at saan pa mang larangan sa buhay, bawat isa sa atin ay may pangarap na magtagumpay sa lahat ng ating mithiin sa buhay. Nais kong ibahagi ang maliit na leksyon na natutunan ko ngayong araw…

Sabi nila “Love your job and it will love you back.” Naniniwala ba kayo rito?

Ang trabaho natin para din palang asawa o kapamilya na kailangan ring mahalin sa araw-araw upang yumabong at huwag mawala. Akala ko noon sapat na ang maging hilig mo ang isang bagay para magtagumpay ka sa trabaho or propesyon na napili mo.

Oo, malaking tulong na dapat gusto mo ang ginagawa mo ngunit kailangan rin na mahalin mo rin ang trabaho na pinili mo. Hindi sapat na ginagawa mo lang ang obligasyon mo bilang parte ng iyong trabaho. Dapat rin palang kalakip nun ay ang malasakit at taos puso mong pagtupad sa mga responsibilidad mo.

Ang trabaho hindi pala nalalayo sa pag-ibig sa isang tao; kailangan inaalagaan. Kailangan matutunan mong mahalin siya at his best and at his worst. Hindi sapat na gusto mo lang ang isang tao dahil ang pagkagusto, madaling nawawala, pero ang pagmamahal, ‘yan ang nagtatagal.

Kagaya rin sa pag-ibig, wala itong shortcuts. Kailangan magsimula ka sa ilalim, maraming adjustments. Marami kang dapat matutunan. Minsan magkakamali ka ngunit matuto kang itama ito at magsimula ng panibagong buhay.

Ang trabaho gaya ng pag-ibig hindi dapat kinakatamaran. Kailangan pinagsisikapan upang yumabong at tumaas pa ang kaalaman. Kailangan ginagawa ka nitong mas mabuting tao. Hindi dapat ito binabalewala, hindi rin dapat tinatake for granted.

Sa mundo walang madali. Lahat dapat pinaghihirapan. Lahat dapat binibigyan ng importansya at pinagsisikapan. Kagaya sa trabaho, kung gusto mong umangat, kailangan ng sipag at tyaga. Siyempre, kailangan rin ng matinding pang unawa, walang tigil na pakikisama, at siyempre kailangan rin ng malusog na katawan; mentally, physically at spiritually.

Ito ang unang beses na maranasan kong magkatrabaho at naisulat ko ito dahil sa matinding stress kanina. Salamat sa pagbabasa. Sa mga Tenured na at Veterans, share to us the tips for success in a career!

Be the first to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published.