First teenage love affair

love_and_heartbreak_by_purpleberrykeke-d39r6jw

Ako nga pala si Shai, 19 years old from San Diego CA. Hati ang pagpapalaki sa  akin ng mom ko. Pabalik-balik ako galing pinas to murica! Haha! Yun na nga, Bata pa lang ako, marami na kong crushes. Take note, hindi boyfriend ha? Crush lang. Yung tipong hanggang sa tingin lang, pero sobrang pantasya. Haha!

Ganun din ang bestfriend ko na pamangkin ko rin. Pinsan ko kasi nanay niya. Ang gulo no? Alam mo na, pinoy eh.

Sobrang close kami ni Jamie (bestfriend/pamangkin) lahat lahat ginagawa namin nang sabay, kahit pagligo. Pagdating sa school kakain tas diretso laro ng Ps3 sa kuwarto habang pumapapak ng Skittles.

Pagpasok sa school kahit iba classes namin since matanda ako ng isang taon eh kumuha talaga ako ng class na puwede kaming magkita. Woodcraft class haha! Ganun ko siya namimiss!

Yes, magkasama kasi ang mom niya, ate ko, mama ko at kaming dalawa sa iisang bahay. Walang lalake. Ganun na lang kastricto sila dahil lahat ng lalaki sa buhay nila, nag-disappear bigla. In short, no bf until college daw. Baka nga! Pero yun na nga, nangako kami sa isat isa na hindi kami magkakaboyfriend unless sabay kaming magkakajowa haha! Landi!

Anyways, nong 14 years old kami… 7th grade, middle school, fresh from being a kiddo. Bukod sa akin may dalawa pa siyang close friends; si Ysabelle at Gabriel. Parehas silang hispanic latino, oo na mexicano. Crush ko na talaga si Gabriel o aka Gabby, dati pa. nalaman kong crush niya din daw ako ever since we’ve met nung masquerade ball namIn. Sobrang kilig ko non! And at that night naging official din kami. Malay ko ba. Pagnagconfess pala dito sa isat isa, kayo na. Wtf?

So sobrang saya ko non, at kaba dahil wala pang bf si Jame. Hala pano na?

Nakalipas ilang buwan, ang hirap talga itago. Pero masasabi kong napakasaya ko nung mga panahon na yon. Kasi lahat first time. First kiss. Oy sa cheeks lang ah? Haha! First dance din nung masquerade ball. First date sa Mcdonalds. Cheap no? At kung anu ano pa. Syempre may super thrill yung relationship namen dahil patago since parehas nameng bestfriend si Jamie.

Yes, close kami ni Jamie na lahat ginagawa namin nang sabay pero ang excuses ko non para makasama ko si Gabby eh school project at grupo kaming gagawa sa bahay ni ganito at ganyan. Haha! Gullible ang loka! Pero buti talaga hindi siya nakalahata. Kasi, ayoko talagang magalit siya, pero sasabihin ko naman, inihahanda ko lang sarili ko.

Alam ni Gabby yung promise namin ni Jamie sa isat isa. At alam niya din na bawal talaga akong mag bf so tinago namin sa halos lahat. Certain people lang knew about it like his friends from his neighborhood and some of my friends from class/school na di ganun kakilala si Jamie.

Nakalipas ang ilang buwan, all of a sudden I just thought i should tell her na kasi halos sobrang tagal na. Para din makahinga na ko at maging okay na kami ni Gab sa school. Hinanap ko siya at Nakita ko si Jamie sa gym ng school, sobrang saya ng mukha. “Siguro napuri nanaman to sa dance class” sa isip ko.

Me: What’s with the big grin on your face, beb?
Jamie: Guess what?! (Still grinning)
Me: I know, congrats missy!
Jamie: You knew? How? Fudge, Ingrid told you?

Ano daw? Nacurios tuloy ako so pinauna ko na yung good news niya.

Jamie: Beb, I’m sorry but I think I’ll be the first one to break our promise…

A moment of silence*

I already have a boyfriend!!! *happiest emotion from her face I’ve ever seen since she got the ticket for Disneyland for being a really good student from our school. Well, she deserved it.

Sa wakas! Makakapag-confess na Rin ako. Parang nabunutan ako ng tinik non!

Me: Sino? Sino siya?
Jamie:  You know him so well!!!

Then I saw her looking from behind…
….

Pointing at someone

And it was Gabriel aka Gabby aka Gago aka manloloko aka di ko na alam pero alam ko ang sakit sa dibdib at sa puso. Tinawag niya si Gabby at nakita ko kung gano nagulat si loko nung sinabi ni Jamie na “Gabby, I finally told her! We’re official!!!”

Niyakap ako ni Jamie sa tuwa. Habang sinasabi niya sa akin lahat lahat at 2 weeks ako na naging sila yun daw ang pinakamasaya. Di ko na nasabi yung sasabihin ko, sa totoo lang sobrang sakit na gusto ko sanang magwala pero ayokong masaktan si Jamie.

After afterschool program umuwi na ko kaagad dahil gusto ni Jamie na tumambay kami sa tambayam namin kasama si Gabby aka Gago. So umuwi ako kaagad to avoid them.

Yung dati kong kwarto na ginawa naming closet kasi magkatabi kami ni Jamie matulog, dun ko nilabas lahat. Lahat lahat. Alamo yung feeling na gusto mong humagulgol kaso maririnig ka nila?

Ang sakit. Kasi he took advatnage of the both of us. Dahil ba alam niyang di naman namin maamin sa isa’t isa na may bf kami? Taena. Gag* talaga. Yun na nga, kumatok na si Jamie at sinabing hinihintay niya daw ako sa kuwarto namin at ‘di daw siya makatulog sa kilig. Sabi ko naman gumagawa pa ko homework so mauna na siya since ayaw non ng bukas ang ilaw pag natutulog.

Sa totoo lang, buong gabi akong umiyak non. Lahat na ng masasamang puwede kong maisip naisip ko na nung gabing yon. Nang biglang nagtext si loko.

Gab: Hey, you still up?

Pinapunta at nag-usap kami sa park na lagi naming pinupuntahan non…

Gabby: Does she already know? Did you tell her? I’m sorry, Shai…

I didn’t let him finish what he was gonna say kasi bullshit lang naman yon eh, ;di ba?

So sinabi ko na lang lahat ng nararamdaman ko at…

Me: I’m not gonna tell Jamie about us, but please don;t hurt her or you’ll see me coming at you! What you did was horrible and it hurts so bad that I wanna freaking tell everyone, but i don’t wanna break Jamie;s heart.

Sabay walk out.

Pag-uwi ko umiyak na naman ako sa luma kong kuwarto at sinabi ko sa sarili kong hindi na ko iiyak. Magmomove on ako na parang walang nangyari at gumana naman ng ganon kabilis! At oo, hanggang ngayon. Di pa rin alam ni Jamie na naging kami ni Gabby. Di ko sinabi eh.

First love ko yun at first love niya yon. Mas mahal ko siya at ayokong masaktan at maranasan ni Jamie yung nangyari sa akin. It’s been like almost 6 years. Kamusta na kaya sila? After a year kasi umalis kami sa bahay nila Jamie at balita ko’y naghiwalay daw sila after 2 years of being together. Di naman nagloko si Gab. Lumipat na kami ng bahay, nasa L.A. sila at kami naman sa San Diego. Di kasi nagkaunawaan sila ate, at mom niya. So ayun, mahabang storya. Masakit but it was a wondeful experience. 🙂