Filipino Native Foods At Ang Aking Bayan

(Photo Credit: tx.english-ch)
(Photo Credit:  tx.english-ch)
(Photo Credit: tx.english-ch)

Bigla lang akong napa-isip at na-curious tungkol sa post ng isang blogger na mukhang nagpainit sa mga kababayan ko. Hindi ko alam ang buong kuwento o ano pa man dahil wala akong time icheck sa internet o basahin lahat ukol dito. Maliban diyan, wala akong sariling computer at ayaw kong maglagi sa internet cafe. Gamit ko lang ang aking ordinaryong android phone na siyang kadalasang ginagamit ko sa pagsusumite ng mga storya tulad nito. At dahil hindi ko pa nababasa o sa tingin ko ay hindi ko na lang hahanapin para mabasa eh, ibabahagi ko na lang ang kaunti kong opinion at ishi-share ko na rin ang kaunti kong experienced.

Tungkol naman sa pagbabakasyon, sa tingin ko, dapat na iexpect na natin na talagang magagastahan tayo ng higit pa sa budget. Ganoon kasi kadalasan nangyayari sa akin, kaya, ini-enjoy ko na lang kesa magkunsumisyon habang nasa biyahi.

Sa mahigit pitong libong isla ng Pilipinas, ilang daang lalawigan at mga siyudad, libong lungsod at ilang libong mga baranggay o bayan, eh siguradong hindi lahat mapupuntahan ‘yun ninuman. Eh ‘di mas lalo na ang mga dayuhan at banyagang nagbabakasyon sa ating bansa. Kaunti pa lang ang napuntahan ko kahit napakalawak ng Mindanao. Hindi pa nga ako nakapunta sa Maria Christina Falls na ilang oras lang ang biyahi. O kaya naman sa sikat na sikat na ngayon na Sibagat. At marami akong hindi alam na mga lalawigan dito sa mahal kong bayan. Mga pasyalan, tanawin lalo na ang mga pagkain. Magkapangalan man, nasisiguro kong ibat-iba ang paraan sa pagluluto nito.

Siguro nga kaunti lang ang mga native food o native food house sa Maynila at bihira lang matagpuan ang mga iyon sa mga sosyal na kainan. Kadalasan, natatagpuan ang mga native food natin sa mga ordinaryong karendirya na posibleng bihira ka lang makakita ng banyaga na kumakain sa ordinaryong kainan sa tabi ng kalsada kung saan, mga ordinaryong manggagawa, mga driver ng pampasaherong dyip, taxi at kung ano pang pampasaherong sasakyan sa lungsod ng Maynila ang kumakain para makamura.

Siguro nga masalimoot ang Maynila dahil sa traffic at sa dami ng sasakyan na kaskasero pa ang iba. Aminado akong kahit ang husband ko, ay ayaw niya sa Maynila at prefer niya ang probinsiya. Kahit nga sa siyudad ng Cagayan de Oro eh, ayaw din niyang mamalagi doon. Pero gustong-gusto niya ang halos lahat ng pagkain natin. Enjoy na enjoy siya sa kangkong na nasa “sinigang” (sa totoo lang, ayaw ko ng maasim na sabaw) noong dinala ko siya sa Glorrieta Mall sa Makati.

Nadala ko na rin husband ko sa MOA at kumain kami sa isa sa mga restaurant na naroon sa Baywalk. Pinili ko ang hindi masiyadong crowded at medyo sosyal ‘yung settings ng mga table. Pinili namin sa labas ng restaurant kumain at nag-order ako ng steak, hipon at isa pang order na hindi ko na maalala.

Gustong-gusto niya ang steak natin. Ganun din ang hipon dahil seafood lover siya. Bihira lang siya makakain nun dahil mahal sa kanila ang mga seafoods. Halos $25 ang nabayaran namin sa isang kainan lang pero masayang-masaya kaming umalis sa lugar at busog na busog sa kinain namin. Gayon din ang ngiti ng mga waiter dahil sa tip na binigay namin. At least, sulit ‘yung binayad namin at wala kaming masabi.

Halos tatlong taon ako nagtrabaho sa Maynila at masaya akong makisalamuha sa mga ordinaryong tao tulad ko. Makisiksikan sa train at makikarera sa pagsakay sa dyip. Enjoy din ako pagmasdan ang mga taong nadaraanan ko habang nagbiya-biyahe o nadaraanan ko sa paglalakad. Pagmasdan ang umpukan ng mga estudiyanteng kabataan. Patingin-tingin sa mga poging kolohiyo at makiusyoso ng hindi halata sa batang mag-asawang nagtatalo ng biglang huminto ang dyip sa tapat nila. Sa totoo lang, masayang-masaya talaga ako na maging bahagi ng masalimoot na kalsada ng isang siyudad. Pakiramdam ko eh, totoong tao ako na nakatira sa Earth. Siguro dahil feeling ko, e. totoong writer kuno ako at naghahanap ng inspiration sa mga ordinaryong tao. Hehehe…. Nakakaboring kaya tumambay sa mga sosyal na kainan. Pakiramdam mo eh, dapat may class ka at breeding na nakakangalay sa likod. Gusto ko pa rin ang maglakad sa daan at bumili ng fish ball, kikiam, popcorn, mani at kung anu-ano pang mapag-tripan.

Naalala ko noong nag-aasikaso kami ng husband ko ng marriage license namin dito sa Mindanao. Hindi pa improve ang lungsod namin at napakapangit pa ng lugar. Wala pa kaming Night Cafe na ginaya ang Baywalk, na noon sa Roxas Boulevard pa at ngayon ay nasa likod na ng MOA.

Naabotan kami ng tanghalian kaya naghanap ako ng desinteng karendirya na puwede kong pagdalhan sa kanya. Wala pa kasing restaurant sa lugar namin noon. Medyo nahirapan akong pumili kung ano ang ipapakain sa future husband ko.

Nag-order ako ng pinakbet para sa amin ng papa ko. Sampung piso ang serve nun at gisadong pancit na sampung piso din ang isang platito. La Paz Batchoy na 45 ang malaking bowl na 65 to 85 na ngayon dahil 10 years na ang nakakaran. At yung tinatawag namin na “humba”. Actually, hindi ko alam ang term sa tagalog, 25 pesos isa. Basta, karne siya ng baboy, mamantika at may black beans. Heheh…

Noong nasa mesa na namin ang aming order at handa ng kumain, nagulat ako na unang pinili ng husband ko ang pinakbet. Hindi ko naman masaway siya na amin lang iyon dahil baka di niya magustuhan. Inorbserbahan ko ang reaksiyon niya at patango-tango lang siya. Ibig sabihin, nagustuhan niya! Lalo na at nasabi niyang “good”. Aba! Nakakatuwa na para bang yun ang pinakamasarap na gulay na nakain niya. Enjoy na enjoy siya sa kalabasa, sitaw, okra at talong.

Nilutoan namin siya ng tinolang dilis na may malunggay at walang humpay ang paghigop niya sa sabaw na 20 pesos lang ang isang baso ng dilis na kakaahon lang sa dagat. Nagustuhan din niya ang adobong isda. First time niyang makakain ng isda na inadobo. Noon 90 pesos pa ang isang kilo na ngayon eh nasa 120 na.

Mas lalong nag-enjoy ang husband ko sa muli niyang pagbisita sa amin. Meron na kasing night cafe at gawa na din ang seawall namin. Meron ng disenteng kainan na nakahilera sa tabi ng dagat. Simple lang ngunit presentable. Tanaw ang malawak na dagat at sakop nitong baranggay at bundok. Na tanong ng mga bumibisita eh, isla ba iyon. Sa totoo lang madadaanan iyon kapag nanggaling sa Cagayan de Oro.

Talagang maipagmamalaki ko na ang lungsod namin dahil ginanap na rin dito ang Palarong Pambansa. Mga kilalang university at college schools sa Maynila ang ibang kalahok. Lagi din rito ginaganap ang ibat-ibang school trips o activities mula sa ibat-ibang lalawigan ng Visayas at Mindanao.

Bukod sa kaayusan ng lugar at napaganda na ang paligid sa lungsod namin, maganda na rin ang plaza, ang malapalasyong Municipal Hall na pinangalanang Peoples Palace imbes na Municipal Hall. Ibig sabihin, ang taong bayan ng Balingasag ang may-ari dahil buwis namin ang nagpagawa niyon.

Iyon kasi ang ang motto ng dating gobernador na ngayon ay mayor na ng Cagayan de Oro. “Galing sa taong bayan, ibalik sa taong bayan”, sa pamamagitan ng pagpaganda ng lugar at ibigay ang pangangailangan ng sakop nito na development at improvement sa bayan.

***
Pa’nu, hanggang dito na lang muna dahil napansin ko na medyo may kahabaan na itong article ko. Medyo marami pa akong ishi-share kaya sa part two ko na lang tatapusin. Maraming salamat po sa pagbasa.

About Elise Elleneth

A mother of a young boy. Writing is my passion ever since. Though not a professional writer (or never be), I will pursue my passion and dream through sites and opportunities like this. I believe that we should not judge a person by what her/his career, school attended or what college finish, achievements, and status. Some was never has a good education, pero 'wag po natin silang husgaan. Dahil maraming may angking talino na kailanman ay hindi nagkakaroon ng chances para maibahagi ito at mapatunayan. Kahit yung magaling sa sports pero walang pagkakataong ipakita ito. Chance it only needs. Visit my page--- http://facebook.com/elise86elleth