Fearless Mademoiselle (A Kathniel Fan Fiction) – Last Chapter

Fearless MademoiselleAfter a few days nagulat siya nang maka-receive ng call mula kay Miko. He invited her to play golf. Hindi niya alam kung saan nito nakuha ang cell number niya, but it doesn’t matter kasi pumayag naman siya kaagad sa imbitasyon ng binata.

Sinundo siya ng kotse nito. Habang nakasakay sa kotse ay masayang nagku-kuwentuhan ang dalawa. They didn’t notice that a black van was following them.

Maya-maya ay biglang umarangkada ito at inunahan sila sabay harang sa kotse nila.

“Baba!” The bearded man shouted while pulling his gun. Naglabas din ng mga baril ang dalawa pa nitong kasama.

Hindi alam ni Miko at Arisse ang gagawin. Niyakap ni Miko si Arisse para protektahan ito. Binuksan ng mga lalaki ang kotse at pinilit silang hatakin palabas. Pilit silang pinaghihiwalay dalawa ngunit ayaw talagang bitawan ni Miko si Arisse. Dahil sa pagkakahila kay Arisse ay natanggal ang strap ng lady’s backpack na dala-dala at pagbagsak nito ay nalaglag ang mga laman nito.

Tangkang pupulutin ng lalaking may hawak kay Arisse ang bag kaya’t nagkaroon si Arisse ng chance na makawala sa pagkakahawak nito. Arisse kicked his crotch kaya’t nabitiwan nito ang baril nito. Si Miko naman ay nanlaban na din sa dalawang humahawak sa kanya. Nawalan na ng malay ang lalaking binugbog ni Arisse kaya’t tinulungan na niya si Miko.

Nabitawan na ng dalawang lalaki ang baril kaya’t wala na ding laban ang mga ito. When Arisse grabbed the two guns, she threw the other one to Miko. Sila naman ang tumutok ng baril sa dalawang lalaki. The two bad guys had no choice but to kneel down dahil may nakatutok nang baril sa kanila. Nang maramdamang suko na ang dalawang lalaki ay kinuha ni Miko ang cellphone sa kanyang bulsa and he phoned the police station. Tinawagan din niya si Caloy. Hindi naman nagtagal at dumating kaagad ang mga police at inaresto ang tatlong kidnaper.

Habang hinuhuli ng mga pulis ang mga suspect ay nag-decide si Arisse to pick up her things. She found everything aside from one thing, ‘yung cap na bigay ni Miko kay Aristotle na lagi niyang dala kahit saan siya pumunta. She looked around the place but she didn’t see it.

Maya-maya ay dumating na si Caloy at ang mga parents ni Arisse. Sinabihan na din ni Caloy ang parents ni Miko kaya’t sumunod din na dumating ang mga ito. Niyakap ng mga ito ang kani-kanyang anak. Matapos makipag-usap sa mga pulis ay isinabay na din nila sa kanya-kanyang kotse si Miko at Arisse for them to take a rest after that incident.

Few days passed at niyaya naman ni Miko si Arisse na magpunta sa boxing gym. He brought her there to prove something.

Habang nag-i-sparring si Miko at Arisse ay sinasadya yata ng tadhana na makita na naman nila ang mayabang na lalaking humamon kay Miko noon. Once again, the guy tried to challenged Miko.

“Paano ba yan, ‘di mo yata kasama ‘yung patpatin mong alalay? Napuruhan lang ako ng isang ‘yun noon eh. Pero walang binatbat yun!” sabi nito sabay thumbs down pa.

“Ah ganun… patpatin pala ha…” bulong ni Arisse sa sarili.

‘Di na sumagot si Miko. Ngumiti lang ito.

Gaya noong una ay lumalamang si Miko sa suntok. Ngunit habang tumatagal ang laban ay nagiging agresibo nang masyado ang lalaki at talagang sinasapul sa mukha si Miko.

Muli, nasapol na naman sa panga si Miko kaya’t patihayang bumagsak ito. When Arisse saw it, she got so mad at sinugod niya ang lalaki. Sa galit niya ay binigyan niya ito ng pinakamalakas niyang flying kick na naging dahilan para bumulagta ito. Pagka-flying kick sa mayabang na lalaki ay mabilis na tumakbo si Arisse to help Miko. Wala pa rin itong malay kaya’t sobrang nag-alala si Arisse.

“Miko… Miko, please wake up!” Ngunit kahit anong yugyog niya dito ay hindi ito gumagalaw kaya’t napaiyak na siya sa pag-aalaala at niyakap niya ito nang mahigpit. “Ikaw naman kase, hindi ka pa nadala nung una diyan sa mayabang na ‘yan. Ayan tuloy, nabugbog ka na naman… Miko, please… don’t leave me please… Miko naman eh! Hindi mo pa ako pwedeng iwan…” At umiyak nang umiyak si Arisse. “

“Bakit hindi kita pwedeng iwan?” tanong ni Miko habang lihim na nangingiti sa mga reaksiyon ni Arisse.

Kaya’t biglang bumitaw si Arisse sa pagkakayakap sa binata nang marinig ang boses nito.

“Kainis ka! You scared me!” sabay hampas sa mukha ni Miko.

“Ouch! Tama na po, Miss Escalante, nasasaktan na po ako….”

“Tseh! I hate you!” sabay tulak sa balikat ni Miko then she stood up.

Biglang bumangon si Miko para habulin si Arisse.

“Hey! sorry na talaga… Gusto ko lang naman talagang malaman ang totoo eh…” She grabbed Arisse’s hand and iniharap niya ito sa kanya.

“Ano namang gusto mong malaman, aber?” masungit na tanong ni Arisse na pinipilit humiwalay sa pagkakahawak ni Miko.

“Kung sa ‘yo talaga ito…” At sabay kinuha ni Miko sa bulsa ng jogging pants niya ang nawawalang white cap ni Arisse.

“Pa’no…?” Hindi pa natatapos magsalita si Arisse ay tinakpan na ni Miko ng hintuturo nito ang bibig niya.

“Shhhhh…” Pigil nito sa kanya. At isinuot ni Miko ang cap kay Arisse.

“You don’t need to explain anything. Alam ko na… Alam ko na, na ikaw at si Aristotle ay iisa… Kaya pala naman sabi ko na nakita na kita eh.”

Magsasalita pa ulit sana si Arisse pero pinigilan ulit siya ni Miko.

“Shhhh… Alam mo ba na pinahirapan mo ako… Sabi ko… Waahhh! Naloloko na yata ako kase nagkakagusto na ako sa kapwa lalaki? Akala ko talaga nababading na ako, haha! Nakakatawa, ‘di ba? Paano ba naman, you’re always saving me. Buti na lang si Aristotle at si Arisse ay iisa… You’re a fearless miss, not a fearless mister. Ngayon ay sobrang saya ko… dahil babae pala ang minamahal ko… Hindi mo lang alam, Arisse, na mahal na mahal na mahal na kita. Kanina sabi mo… hindi pa kita pwedeng iwan… Ibig bang sabihin nun…?” parang maluluha na rin ang mga mata ni Miko.

“So… sorry sasabihin ko naman talaga eh…” napatungo si Arisse.

“Shhhh… I said, no need to explain anything. I just want to know if…” Miko looked at her eyes.

“If I… I love you too?” nahihiyang tanong ni Arisse.

At tumango si Miko.

Ngumiti si Arisse bago sabihing… “Yes charming mister, I love you, too…

“Alright!” Sa sobrang tuwa ni Miko ay binuhat niya si Arisse at iniikot ito. At nang ibaba ito ay unti-unting inilapit ang kanyang mukha at unti-unting naglapat ang labi nilang dalawa. They comforted each other with that one magic kiss.

Starting that moment, the fearless mademoiselle and the charming mister became partners … Partner sa boxing, partner sa music, at higit sa lahat, partner ang mga puso….

THE END

Be the first to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published.