FB – Masyado mong pinapaliit ang Mundo

Kung dati gumagamit pa tayo ng Air Mail , maiparating lamang ang ating mensahe sa ating pamilya o mga kaibigan, ngayon hindi na.

Hindi mo na kelangang maghintay pa ng isang buwan  o dalawang buwan, minsan nga eh bumabalik pa ang iyong liham  sa’yo.

Uso pa nuon ang mag-ipit ng pera sa sulat. Kung dati pag may problema ka, pamilya o malapit mo lang na kaibigan ang nakaka alam , ngayon  hindi na rin. Sa FB mababasa talaga ng madlang people, kahit pa lugar ng antartica aabot yan. Yung bang mga tipong adik adik lng sa FB . Na kahit nadulas ka lang sa daan, pinost mo pah. Yung kinain mo mula umaga , tanghali at hapunan , aba’y naka post din . At ang pinaka matindi eh kung pati ba naman pagbabawas mo eh pinost mo pa, aba’y malala na yan 😀

May mga sitwasyon din na kapag may kaaway ka o sama ng loob sa kapwa mo, aba’y di na rin uso ang kinikimkim lang.. andyan ang FB.

What’s on your mind?   speak your mind

“Bato-bato sa langit ang tamaan sapul!.Yung umutang dyan sa tabi-tabi pakibayaran ! ”  Ganyang mga tipong mensahe minsan ang bumubulaga sa ating Home Page. Maari mo ring e-tag na mismo yung nagka-utang sa’yo 🙂

Minsan mapapa isip ka, aba maganda rin ang kahihinatnan kasi hindi mo na kelangan pang pumunta sa taong gustong mong sabihan ng sama ng loob mo. Hindi ka na gagastos pa ng pamasahe, eh sa internet cafe lang may piso net na 🙂 And take note, buong mundo pa makakabasa ng iyong mensahe, kung hindi ka naka- private 😀

Meron din namang disadvantge, kagaya na lamang ng pagpopost ng mga hubad na larawan na hindi naman kanais-nais sa paningin ng mga kabataan . O yung tipong may paseksi kang larawan na wala ka namang pahintulot, ngunit lumabas at na e-plakda sa buong mundo.

Kaya FB !!! (facebook) Masyado mong pinapaliit ang mundo 🙂

 

 

 

Be the first to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published.