Failed S Attempts: A Story of Reformation

notePAALALA:

Ang paksang ito ay may bahaging sensitibo. Hinihimok ko ang sino mang makakabasa nà huwag ninyong gayahin.

Sa tuwing nababalitaan natin na may nagpapakamatay pumapasok agad sa isip natin ang mga tanong kung bakit ito nagpakamatay.

Sinasabi natin baka may problema sa pag-iisip. Baka nag-dodroga o KSP. Baka may pinagdaraanan na problema sa buhay o baka naman broken-hearted kaya siya sumuko sa buhay.

Maraming tanong at mga haka-haka na nabubuo sa isip natin. Mahilig kasi tayong makiusyuso at magsambit ng mga bagay na inakala natin ay tama o ganun nga ang nangyari. Siguro ganito o siguro ganyan kaya hindi na niya kinaya.

Ang masaklap pa ay madalas na nahuhusgahan o kinukutya iyung taong nagpakamatay. Kagaya ng mga naririnig ko at nababasa sa social media sa tuwing may ibinabalita na may nagpapakamatay.

Sinasabi ng iba, ” Sira ulo. “

‘Yong iba naman sinasabi, “Hindi sagot ang pagpapakamatay sa problema. “

Hindi ba natin naisip na maaaring kaya nga pinili nilang kitilin ang sarili nilang buhay ay dahil ayaw nilang nahuhusgahan?

Ayaw nila ng gulo kaya’t mas pinili na lang nilang kitilin ang buhay nila.

Hindi kasi tayo ang nasa sitwasyon at hindi tayo ang nahaharap sa pagsubok na pinagdaanan nila. Hindi lahat ng tao ay kakayanin ang mga problema na pinagdaraanan ng tao dito sa mundo. Kung para sa iyo ‘yong mabigat na problema ay nagiging simple lang, may mga tao naman na nabibigatan silang dalhin.

Ang lahat ng taong sumuko sa buhay ay may matinding dahilan kung bakit nila nagawa yon. At kung huhusgahan mo sila dahil naging mahina sila at hindi kinaya ang kung ano mang problema na pinagdaanan nila, mas mabuting itikom mo na lang ang bibig mo.  Hindi naman kasi ikaw ang nasaktan, hindi ikaw ang nahihirapan kaya’t hindi mo kailan man maiintindihan.

Ako, naiintindihan ko at nauunawan kung bakit nila nagawa ‘yun.

Sabi nga nila, hindi mo raw mauunawaan kung hindi mo pa napagdaanan.

At ako … napagdaanan ko na rin ang napagdaanan nila. Inaamin ko, makailang beses na akong sumubok nà kitilin ang buhay ko.

Noong una, 14 years old lang ako nung nagawa kong saksakin ang sarili ko dahil lang sa napakababaw na dahilan. Alam ko naman na ‘yon ang sasabihin ng makakaalam eh, “Mababaw na dahilan.”

Siguro nga mababaw lang dahil pinagalitan ako ng Kuya ko. Minura niya ako dahil ang sabi niya wala raw akong respeto sa mas nakakatanda sa akin.

Pero dinamdam ko ang pagmumura niya, hindi ako umimik at isa lang ang naisip ko… ang magpakamatay. Sinaksak ko ang sarili ko. Noong una, hindi ako nasaktan dahil dumilim ang paningin ko, pero noong naramdaman ko na ang mainit na dugo na dumadaloy sa tiyan ko, doon na ako nagising sa katotohanan na nasaksak ko na pala ang sarili ko.

Magmula noong nangyari ‘yun,  hindi na ako pinapagalitan nang todo. Siguro dahil natakot sila na baka gawin ko ulit ‘yun. Kaya sa mga magulang diyan, hinay-hinay lang sa pagbato ng mga salita sa anak ninyo. Oo, hindi lahat ng bata na nasa edad 14 kagaya kong mag-isip, pero malay mo katulad ko pala ang anak o kapatid mo na nasasaktan nang sobra kapag pinagagalitan.

Kung minsan kapag nakakaramdam tayo ng poot at galit, nawawala tayo sa sarili kaya nagdidilim ang paningin natin. Gaya noong nasa edad 16 ako, sobrang lungkot ko noon, sabihin na nating depressed ako kasi pakiramdam ko mag-isa na lang akong hinaharap ang mundo. Wala akong kapatid na gumagabay dàhil nasa màlayo sila. Pakiramdam ko, pasan ko ang daigdig.

Wala akong ibang naisip kundi maghanap ng matalim na bagay at nakahanap ako ng blade, ginilit ko sa pulso ko, Pikit mata ako. Dahan-dahan kong sinusugatan ang sarili ko. Hanggang sa nakaramdam ako na may pumipigil sa akin. Pagdilat ko napuno na ng dugo ang kamay ko, napaiyak ako.

Sabi ko sa sarili ko, “Bakit mo ba sinasaktan ang sarili mo? “

Kinakausap ko ang sarili ko habang umiiyak. Sabi ko kailangan kong gawin ito dahil napapagod na ako. Gusto ko nang tumakas sa totoong mundo. Gusto kong magpakamatay, pero napapaiyak ako sa tuwing nakikita ko na ang dugo. Dahil ang totoo masakit talaga kapag hinihiwa mo ang sarili mo.

Sabi ko sa sarili ko bakit sa pelikula na napanood ko nagagawa naman nilang magpakamatay at nahihiwa nila ang pulso nila? “Tanga! Camera trick lang yon.”

‘Yan ang mga salitang narinig ko na bumulong sa akin. Bulong na may halong bulyaw. Aaminin ko kaya ko nagagawang saktan ang sarili ko dahil ginagaya ko sa pelikula o palabas sa TV na may eksena na nagpapakamatay. Akala ko kasi gagaan ang loob ko at makakakuha ako ng simpatya sa mga mahal ko sa buhay kapag namatay na ako. Naiisip ko ‘yong mga eksena na iniiyakan at sinasariwa ang masasayang alaala. Gusto ko kasing marinig na may magsabi na:

“Mabait yan.”

” Kahit ganyan ‘yan ay mabuting bata yan.”

Pero hindi ko nàisip noon na hindi ko naman pala màririnig ‘yun, kapag patay na ako.

Kaya ‘yung mga palabas sa TV ay SPG o mga pelikula na may PG 13, tama lang na huwag hayaan ang mga bata na manood. Kasi ako mismo nakaranas na ginagaya ko ang mga eksena na may nagpapakamatay.

‘Yong pinakahuling pagtatangka ko, uminom ako ng halos 20 gamot na 500 mg at bago ko ininom ay gumawa ako ng suicide note, nilagay ko sa ilalim ng unan ko. Sa pagkakataong ;yun ay ninais kong mamatay nang mapayapa. ‘Yung walang dugo na dumadaloy.

Ininom ko ang lahat ng gamot at natulog, at akala ko ay bubula ang bibig ko kagaya nga ng nakita ko sa TV. Pero himalang buhay pa ako pagkatapos kong uminom ng gamot.

Magmula nun nagbago na ang pananaw ko sa buhay, pakiramdam ko may milagrong nangyari sa buhay ko. Sabi ko siguro mahal ako ng DIYOS at hindi pa ito ang takdang oras para mamatay ako. Hindi na ulit ako na-depress kahit kailan.

Pakiramdam ko may himala nga at hindi ako natuluyan. Humingi ako ng tawad sa Diyos at nangakong magpapakabait na ako. Napagtanto ko na may dahilan ang lahat ng pangyayari sa mundo.  Nalaman ko at natuklasan na sadyang may bahagi pala sa buhay ng tao na dadaan sa isang masalimuot at madilim na parte bago masilayan ang liwanag.

Ako mismo ang nakaalam na hindi tama ang ginagawa ko sa sàrili ko noon.

Subalit nàgawa ko ang mgà bàgày na hindi dapat at hindi tama.

Matagal na panahon kong inilihim ang huling failed S Attempt ko.

Ayoko kasing isipin nila na may sa superhero ako, baka kapag sinabi ko wala ring maniniwala. Biruin mo ‘yun, 20 tablets na 500 mg, nabuhay pa rin ako?

Hanggang sa nag-edad 26 ako, may nakilala akong pharmacist/nurse sa Facebook. Nakapalagayan ko ng loob at ninais ko na mabigyan ng kasagutan ang mga nangyari. Kinuwento ko at sinagot ako ng,

“HAHAHAHHAHAHAHAHA!”

Sabi ko, pambihira pagpapakamatay ang kuwento ko pinagtawanan pa.

Ay, oo nga pala, nakalimutan kong sabihin na ang gamot na ininom ko ay EXPIRED.

‘Yun ang dahilan ng pagtawa niya. Wala na palang bisa ang gamot kaya hindi ako namatay. Sabi ko sa sarili ko iniligtas ako ng pagiging TANGA KO (hahaha) Kaya ang nangyari, nagtae ako. (LBM)

Ngayon idinadaan ko na lamang sa tawa ang mga napagdaanan ko sa buhay.

Kung hindi ako dumaan sa bahaging ‘yon ng buhay ko, wala sana akong lakas ng loob na ikuwento ito.

Kaya siguro ako nakaranas ng samu’t saring sakit, poot at sugat sa dibdib ay upang sa ganun ay magkaroon ako ng dahilan upang lumaban sa buhay.

Dahil sa mga FAILED S ATTEMPTS ko, ito ang naging dahilan upang lumiwanag at gumanda ang pananaw ko sa buhay.

Eto ako ngayon, isang Blogger/Writer ng DEFINITELY FILIPINO. Nangangakong hindi na magtatangka kahit kailan at magsusulat na lamang ng mga makabuluhang kuwento na kapupulutan ng aral. Pagpasensiyahan n’yo na lang ang ibang blog ko na may mga patama.

Hahahahahaha ^______^

About mjsweetiecarreon

My writings are filled with angst. Deep emotions and a wild imagination are a source of creativity. It is powerful and consuming. I like to entertain people through my stories. Life is one colorful rollercoaster ride . http://www.facebook.com/maryjoy.carreon.9