Expired

Expired (Photo credit: anticareer)
Expired (Photo credit: anticareer)
Expired (Photo credit: anticareer)
Expired (Photo credit: anticareer)

A week ago, dumating na ang araw na noon pa lang, alam ko nang ikalulungkot ko. Yes, dumating na ang expiry ko. Parang super lolo na sumabog sa harapan ko ‘yon, biglang parang may pumiga sa puso ko, ang lungkot, pero dahil alam ko na na darating nga ang araw na hindi na ako kailangan sa eksena, nakuha ko pang sabihin na OK lang ako. Humingi pa siya ng sorry sa’kin dahil napasali pa ako sa ganoong sitwasyon. Ang nasabi ko, “if it is about me, don’t worry, alam ko kung ano ang pinasok ko. Naiintindihan kita“, and that’s it! I accepted na expire na ang contract ko, wala na itong renewal kasi malapit nang bumalik ang reyna ng buhay niya na na-realize niyang sobrang mahal pa niya. Nagka-ayos na sila, open na ulit ang communication nila, masaya na daw siya.

Masaya na siya…

‘Yun lang ang pinaka tumatak sa isip ko. Hindi na ako kailangan. Pero ganoon pa man, ang importante ay OK na sila. Ngayon, pinipilit kong ibalik sa normal ang sistema ko, katulad ng dati. Tahimik, plain, boring, walang ka-chat, walang nagtatanong ng “kumain ka na ba? kamusta ka na?”, walang tumatawag ng my Gracie, my highness, babe, walang nagbibiro at naghihingi ng kiss, wala nang kabuhay-buhay ulit, wala nang thrill kumbaga.

Kahit na madalas dinadalaw e ko yung wall nya, hindi na ako nag-a-attempt na maunang mag-send ng message. Malinaw na naman ang ikinino-convey ng message niya eh, we’re done. Na-attached na ako sa kanya kaya medyo nahihirapan pa ako sa moment na ‘to, Promise naman niya walang magbabago eh, friends pa rin kami.

Expiry…

Masyado atang napaaga, ang bilis bilis naman. Well, mabuti na rin siguro na napaaga kasi kung nagtagal-tagal pa baka sobra-sobra na ang attachement ko sa kanya at hindi ko na makaya pang bumitaw.

Salamat…

Nagpapasalamat ako sa mga oras na ginugol niya sa pakikipag-usap sa akin. Laugh trip talaga ako sa mga usapan namin, salamat sa kilig moments, sa konting landian, salamat sa memories, well, isa ito sa mga chapter ng life ko na mahirap makalimutan.

Invited…

Yes! Sabi nya invited ako.

Be the first to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published.