”EXIT O RE-ENTRY?”

Contract (Photo Credit: erwan.lemonnier)
Contract (Photo Credit: erwan.lemonnier)

Minsan, ikaw ay nakipagsapalaran sa ibang bayan;  upang ang pangarap na mahirap MAKAMTAM sa iyong bayang pinagmulan ay iyong MAKAMIT.   Sa iyong pananatili sa ibang bayan, tiniis mo ang lahat ng HIRAP AT SAKIT.    Tinitipid ang sarili upang malaki ang maipadala; itlog,  noodles, sardinas …  ‘yan ang palagi mong ulam.  TIPID TALAGA.

SA PAGTATAPOS NG KONTRATA.

Contract    (Photo Credit:  erwan.lemonnier)
Contract (Photo Credit: erwan.lemonnier)

PIPIRMA ka pa ba ng bagong kontrata? At ang tanong ay ”EXIT O RE- ENTRY”?  Ang iyong i fa-file,  sa tulad kong skilled laborer na hindi naman kalakihan ang sahod, tama lang ‘ika nga.  Ngayon ako’y nag-aagam- agam.

Babalik pa ba ako o hindi na???

Sa bawat desisyong aking gagawi,n s’yempre,  kailangan ko itong pag isipang mabuti.  Maraming dapat isaalang-alang sa desisyon na gagawin.    Gusto na nating huwag bumalik .  Manatili na lamang sa ating bayan;  kasama ng ating mga mahal sa buhay, ang ating pamilya.    Pero, nandodoon ang pag-aatubili.  Syempre,  kung tayo’y mananatili,  kailangang makahanap ng trabaho na kayang sustentuhan ang mga panganhgailangan ng  ating  PAMILYA’.

AT ANG ISA PANG TANONG EH…. paano kung hindi makahanap?  Malamang,  OO  babalik ka pa.

At sa iyong pagbabalik… panibagong paghihirap at pangungulila.  HOMESICK NA NAMAN.  ‘IKA NGA,  SYEMPRE… KAILANGAN MO ULING TIISIN ITO!

Me choice ka naman.  Kaso, kaya mo bang tiisin yung mapapatigil sa pag-aaral ang mga anak mo?  Matitiis mo ba na halos hindi mo pa mapakain ang mag-anak mo?

Lagi lang natin tandaan na sa bawat paghirap may kaginhawaan; huwag lang natin hahaluhan ng kagaguhan.  Matatapos din ang pagtitiis.

Alin ang mas mahirap tiisin?

Whew! Homesick o paghihirap ng buong pamilya?

Sa bawat pagtatapos ng isang kontrata, isang pirma lang, pero napakahirap.  Eto na naman … walang third choice.  Dalawa lang talaga.

EXIT O RE-ENTRY?

auhor:  janskie

p.e./mj

About janskie

simple guy with a big dream, humble hardworking a nice guy sabi nila,