Ex Kong Pabida

#PANCITCANTON

Una sa lahat, hindi po ako mahilig magsulat, halata naman po sa pamagat.

Pangalawa, gusto ko lang mapadama sa iba na totoo po pala na puwedeng maging masaya ang muli ang mga bida, kahit na ouna ay nagka-sakitan pa.

Pangatlo, humihingi po ako ng pasensya sa way ng pagkukuwentong alam ko, dahil ito ay medyo magulo.

Taong 2002 nag-umpisa ang biro ni tadhan sa ating mga bidang character sa storya.
Sobrang naging masaya sila, sa mundong nilikha nila.
Kung saan sila ay nagsama nang bonga! Halos hindi na mapaghihiwalay pa.

Sa buong batch nila nong college, kilala sila bilang sina Popoy at Basya. Madalas kapag nabanggit ‘yong isa, nasa eksena silang dalawa. Mala buy one, take one na 2in1 ang drama.

Pero noong hindi na masaya, nagkahiwalay din sila. Buy one take one na promo, regular price na.
Totoo pala ang sabi ng iba, na sa forever ay huwag umasa.
Unti-unting nawala ang saya mula nang sila ay nagkanya-kanya.
Pangako sa isa’t isa ay nawala na lang bigla.

Ayaw na daw nila ipagpatuloy pa, dahil sa galit sa bawa’t isa.
In dealing with angry people CARE AND RESPECT dapat ipadama.
Kasi pag nakasakit ka, khit mahal ka pa niya -.FACTS DON’T WORK, kahit ano pang blah blah blah, wala kang mapapala.Who you ka na lang sa kanya.

Oras. Araw. Buwan at taon ang nagdaan.
Pahirapan sa paglaban, sa laro na sa kanila lang nakalaan.
Kaya muling pag-uusap, medyo natagalan.
Muli silang nagkita sa social media.
Paglipas ng mahigit isang dekada. Salamat sa makabagong teknolohiya.
Chat.Chat.Chat sila hanggang umaga. Naging komportable ulit sila sa isa’t isa.

Ngunit sa umpisa, medyo nagpapakiramdaman pa kung my kalandiang natitira.
Sa unang buwan, panay ang biruan.
Pangalawang buwan, may asaran at halong katawa-tawang kalandian dulot ng napag-uusapang nakaraan.
Sumunod na buwan dito nakalaan ang sakitan at patutsadahan.
Pumasok sa eksena ang seryosong usapan (patay tayo jan!).
Iyon na ang naging agahan.
Nag-asaran. Nagkapikunan. Broken promises binalikan.

Nagkatampuhan.Nagpakiramdaman.
Nagkasuyuan.Hanggang sa nagkabalikan.
Nagbalik sila sa nakaraan. Binalikan ang pinagmulan.

Sa isang bag na nagmistulang memory bank nagsimula ang lahat. Nabuhay ang mga tanong; bakit ganito at bakit ganun? Muling pag-uusap ay naganap.

Nagkatawagan. Nakapaliwanagan.
Nagkaintindihan. Nakatawanan.
Mahabang oras ang inilaan para sa matinding usapan.
Sa loob ng maraming taon sila ay ikinulong ng mga tanong.
Sa wakas! Paglipas ng labing limang taon, nasagot na lahat nang iyon.
Ang usapang iyon “bagong”- babaon sa puso’t utak nila mula ngayon.

Sa masayang usapang kasalan, sila ay nagkaunawaan.
Magaan sa pakiramdam.Finally! Tapos na.
Tinapos ng masaya, ang kuwento ng mapagbirong tadhana.
Masaya sila para sa isa’t isa, sa bagong role nila.
Sa magkaibang istorya, kasama mga bagong bida sa buhay nila.

Ganun pala talaga kapag minahal mo nang sobra, handa ka dapat sumang-ayon kay tadhana.
Huwag kang kumontra, kundi lagot ka; mapaglalaruan ka.

Sa muling pagsasama nila. Forever is real nga talaga.
Pagmamahal nila ngayon sa bawa’t isa ay naka-bulletproof vest na. One great love nga ito talaga. Mga bida ay hindi na muling maghihiwalay pa. Dahil sila ay magkaibigan na.

#commercial #JLatBea #onegreatlove

About Kern

Hi, im kern. Isang maFeeling n nilalang. Ako'y naglakas loob lang at ng masubukan nmn kng ano ang pakiramdam,kung paano maging blogger khit po d nmn talaga ako writer.