Eula Valdez: Ang orihinal na “Miss Amor Powers”

Mga larawan mula sa Facebook page na Memories of Old Manila

Kung iconic roles o mga tumatak na karakter sa mga teleserye ang pag-uusapan, isa sa mga mangunguna sa listahan ang pangalang “Miss Amor Powers” mula sa teleseryeng “Pangako Sa ‘Yo” sa ABS CBN noong 2000.

Si Amor, na lumaking mahirap, ay nagpakayaman upang makapaghiganti sa mga Buenavista na nagdulot sa kanya ng mga kasawian sa buhay, at pagkawalay sa kanyang anak na si Maria Amor (na naging Yna).

Mortal na kaaway o karibal ni Amor ang isa pa ring iconic role na si Madam Claudia Buenavista (Jean Garcia), asawa ng kanyang unang kasintahan at kaisa-isang lalaking minahal na si Eduardo Buenavista.

Mga larawan mula sa Google Image Public Domain

Nagbalik sa Pilipinas ang dating mahirap na si Amor, na naging sosyal, mayaman, at makapangyarihan. Ang iconic role na ito ay mahusay na ginampanan ng premyadong aktres na si Eula Valdez.

Mga larawan mula sa Google Image Public Domain

Makikita sa Facebook page na “Memories of Old Manila” ang throwback photos ni Eula Valdez noong siya ay nasa kasibulang-gulang pa lamang. Nagbigay naman ng komento rito ang mga netizen.

Mga larawan mula sa Facebook page na Memories of Old Manila

“One of my favorite actresses… beautiful and versatile.”

“Maganda at magaling na artista. Habang nagkakaedad, lalong gumaganda.”

“The Philippine’s Angelina Jolie. Gusto ko talaga ganda niya, iyon bang kasabihan na SIMPLY BEAUTIFUL.”

Si Julia “Eula” Amorsolo Valdez ay unang nakilala sa pelikulang “Bagets” bilang Janice noong 1984. Lolo niya ang Pambansang Alagad ng Sining sa pagpipinta na si Fernando Amorsolo.

Sa kasalukuyan, gumaganap siyang ina ni Angel Locsin sa teleseryeng “The General’s Daughter”.

Be the first to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published.