Eroplano

(Photo Credit: twiptrips.co)
(Photo Credit: twiptrips.co)
(Photo Credit: twiptrips.co)

Eroplano

Uri ng transportasyon na dadalhin ka sa malalayong lugar.

Kasing layo ng pangarap ninyo dati.

Kasing layo ng pangako ninyo dati.

Pangako na hindi ka niya sasaktan at iiwan.

Pangako na hindi ka niya lolokohin kailanman.

Pangako na hindi ka niya ipagpapalit sa iba.

Pangako na hindi siya mapapagod sa pag-iintindi sa ‘yo.

Pangako na magiging tapat sa ‘yo.

Pangako na ikaw lang ang mamahalin at wala nang iba.

Pangako na magiging kayo hanggang huli.

Mga pangakong napako na lang bigla.

Mga pangakong naglaho na lang bigla.

Mga pangakong kahit kailanman ay hinding-hindi na matutupad pa.

Pero nasaan na siya?

Nandoon na siya sa malayo.

May kasama nang iba.

 

Be the first to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published.