English? Oh! Please!

84875f9e9544617a_640_LANGUAGEBakit sadya yatang may mga tao na ang basehan lamang ng katalinuhan ay ang pagsasalita sa English.

Hanga ako sa mga magagaling mag salita sa wikang English. Napapatunganga ako sa mga English speaking people. Dahil inoobserbahan ko kung paano nila sabihin at banggitin ang mga salitang kanilang binibitawan.

Aaminin ko po hindi ako kagalingan mag salita sa wikang ito. Pero ako naman po ay nakaka intindi, nakaka pagsalita at kayang maki pag komunikasyon sa salitang English subalit mas kampante at sanay ako mag salita sa tagalog.

Wala akong nakikitang mali sa pag pili ng salitang tagalog o Filipino. Isa akong Pilipino kaya natural na ang aking salita ay tagalog(ako po ay taga Katagalugan). Ipinag mamalaki ko ang aking pagiging lahing Pilipino. Wala rin po akong nakikitang mali sa pag sasalita ng wikang English lalo na kung ito ang kanila mother tongue. Mula elementary hanggang college pinag aaralan natin ang English. Ang ating 2nd language ay English and to be globally competitive you must able to speak and write English fluently.

Subalit bakit itong si “girl” at ang kanyang mga ka tropa na English spokening dollar ay walang ibang ginawa kundi pag huntahan ang BUHAY ng ibang tao, hanapan ng mga mali ang iba at maging basehan ang kanilang lingguwahe bilang palatandaan ng talino, kagalingan at lakas.

Ilang proyekto na ang hindi napa sa “akin” dahil sa kanila, pilit nilang kinuha dahil mas magaling daw sila. Ibinigay ang sa tingin nila ay latak at hindi maganda. Hindi naman po sa pag mamayabang yung sa tingin nilang latak at hindi maganda ay aking pinag laanan ng oras, effort at dedikasyon kaya naman ito ay naging patok at kilala sa amin. Hindi nila ito ikinasiya, bagkus lalo nila akong inalipusta. “I reckon that there’s hanky punky going on, she’s a bitch” (Juice ko ate, nag pa marathon lang ako HUNKY PUNKY na? bitch na agad ako?) sagot naman nun isa nyang tropa “yeah! Her hub is dipso!” (ate, bakit po napasama ang asawa ko sa usaping ito? Saka dipso agad? Umiinom lang po occasionally asawa ko, hindi po lasenggero) at akala ko yung isa nilang kasama ay nakikisimpatya sa akin, ay siya pa palang mas malufet magbitaw ng nakakasakit na salita… “Never mind her; she’s only good at cheap things like that. Bobo naman yan sa English.” Aughhh!!!!! Aray ko ate! Bobo talaga?

Kung ang basehan nila ng pagiging matalino ay ang pag sasalita ng English pero may ganyang pag uugali, sige po kayo na lang po ang matalino, ayaw ko maging matalino kung may masasaktan naman po akong kapwa ko. Ang pag sasalita ay isang aspeto lamang ng ating buhay, ngunit bakit ng dahil sa hindi pagsasalita ng English at pag pili sa wikang tagalog ay ako ay naalipusta at hinamak ng personalan.

“Intelligence or Good Breeding is NOT measured by your ability to speak in English.”

Sabi nga po ni Ms. Marian Rivera “Aanhin ko ang kagalingan sa pag-i-Ingles kung hindi naman ako marunong dumiskarte at hindi ako mapagmahal sa mga magulang ko, o nakakalimutan ko ang mga kaibigan ko?”

Be the first to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published.