Enemy Number 1: Teacher na Nanghuhubo

(Photo Credit: clipartof)
(Photo Credit: clipartof)
(Photo Credit: clipartof)

Batang 90’s ako. 1990 ako nagsimula pumasok sa eskwelahan… Malamang marami ang sumasang-ayon sa kin na kasama ito sa mga panahon na uso pa ang teachers na nagpaparusa sa pamamagitan ng mga nakakatakot na paraaan, lalo na yung mga nag aral sa pampublikong paaralan kagaya ko, kami marahil ang talagang nakaranas ng mga ito… May namamalo ng ubod ng sakit, yung tipong mapapakagat labi ka pagkatapos ng bawat hagupit. May nangungurot. May nanghihila ng patilya na abot hanggang bituka ang sakit. May nagpapasayaw para mag mukha kang katawa-tawa. May nagpapalinis/nagpapatabas ng mga damo sa eskwelahan. Mayroon ding wagas kung murahin yung mga estudyante. At higit sa lahat ng pinakakatatakutan ko, yung mga guro na NANGHUHUBO!

Dahil hindi matatawaran ang kapilyuhan ko noong kabataan, lagi akong kandidato sa mga gantong uri ng parusa… Eto ang ilan sa mga ginawa ko na nag-expose ng puwet ko sa mga klasmeyt ko:

1. NAGCOMMENT SA ISANG MATH TEACHER NA NAGSABING VERY EASY DAW YUNG MATH PROBLEM NYA, HABANG SIYA AY NAG SO-SOLVE GAMIT ANG ISANG CALCULATOR. Tama naman diba? Kung madali ang isang Math problem, hindi mo kailangan gumamit ng calculator.

2. MAINGAY. Ma’am, madami lang po akong masasayang kwento na gusto kong i-share.( Masama pa nito, nangyayari ang mga ganitong paluan, pag nagpapa pedicure si Ma’am sa kabilang kwarto – at inutusan yung klasmeyt ko na sipsip na maglista ng maingay. Pati Ma’am sabi ng tatay ko, ang bata daw na tahimik – bobo.hehe.)

3. NAGKALAT NG PUTIK SA HARAP NG KLASRUM, DAHIL SA PUTIK NA KUMAPIT SA MUMURAHIN KONG SAPATOS. Maputik po talaga ang buong eskwelahan.Hindi po tayo praybeyt skul na simentado lahat.
4. NAGPAIYAK NG KAKLASE. Inasar ko lang naman yung katabi ko, bigla nag emotional breakdown. Malay ko bang “EMO” pala sya.

5. PAG PAPALABUNUTAN NG MGA LARUAN SA MGA KAKLASE. Pare-pareho po kasi tayong kailangan ng pera. Take note readers, after akong pagalitan kinabukasan – meron ng sariling palabunutan yung teacher ko. Naging mahigpit ang competition naming ni Ma’am kaya nag isip ako ng mas magandang marketing strategy.
6. NAGPAPUTOK NG BABY ROCKET SA LOOB NG KLASRUM. Ahm… No comment.

Likas na pilyo at makulit ang mga bata. Nalaman ko to dahil bukod sa pagiging tatay – naranasan ko din maging guro… Pag nag teacher ka, alam mo dapat na ganitong mga problema ang haharap sayo. Araw-araw, hindi nawawalan ng estudyante na susubok sa galing at pasensya mo… Kaya sa mga gurong tapat sa serbisyo at propesyon nila, saludo ako sa inyo.

Lahat ng mga kapilyuhan ko noong elementarya ay hindi ko kailanman pagsisisihan. Naging takot ako sa bawat guro ko, pero mas naging takot akong malagpasan ang saya ng pagiging bata.

Note: Sa mga naging klasmeyt ko dati, pasensya na at naumay kayo sa presensya ng puwet ko. At sa mga teacher ko nagparusa sa kin, ang lakas ng trip nyo ha – pero marami pong salamat sa pag ti-tiyaga sa akin. =)

Be the first to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published.