EMOSYONAL

Naiiyak ako…ewan ko, bakit di ko mapigilan
Pag ganito na ang eksena, ako ay natitigilan
Sana na lang laging masaya ang eksenang aking natutunghayan
Kahit minsan tila sila aso’t pusa na may gustong patunayan…

Bilang magulang sa aming mga ANAK, ang hangad namin ay kaligayahan
Masaya kaming masaksihan na ang relasyon ninyo ay puno ng pagmamahalan
Hindi makasarili, nagmamalasakit at kumakalinga dagdag pang katangian
Para sa minamahal, sarili ay handang pansamantalang kalimutan…

Sa inyong napagkasunduang pansamantalang paghihiwalay
Siyasatin ang inyong mga sarili sa natutuhan sa buhay
Sa pagpasok sa isang relasyon, matuto kayong makibagay
Kalakip ang mahabang pasensiya at lawakan ang isip na tunay…

 

About tulanibebang

a wife and a mother. a businesswoman and a financial adviser. a natural poetess...