Eh maaaring ito lang yan

More photos at https://www.flickr.com/photos/thundermilk/
More photos at https://www.flickr.com/photos/thundermilk/
More photos at https://www.flickr.com/photos/thundermilk/

 

Malamig kahit na napakaraming tao na naghahanap ng panregalo o mga pamaskong damit.

Tayuan din sa karamihan ng gusto naming kainan.

Sa maniwala kayo o sa hindi, wala kaming balak bilhin o puntahan nung dumayo kami sa shopping center na ‘to. Gusto lang talaga namin may gawin nung hapon na ‘yun.

Pag tinitingnan ko itong litrato na to na kuha ko nung gabing yun napakaraming emosyon ang pumapasok sa isip ko. Madaming kuwento na puwedeng maisip bakit sila nandito. Mayroong magkakaibigan, magkapamilya, magkaopisina at kahit mga magkakaIBIGan, biro nga nila.

Pero kung ako ang tatanungin mo, naalala ko lang na malamig nung gabing yun at para akong nasa loob ng isang pelikula. Hindi ko pa masyadong mapaniwalaan na nandito ako at katabi siya habang naaamoy namin ‘yung nilulutong bibingka sa gilid.

Pag tinitingnan ko siya lagi pa rin akong nangingiti dahil sa dalawang bagay.

‘Yung una ay ang pilit kong sinusubukan na maintindihan na totoo nga na ako ang napili niya. Pangalawa, kaya ko palang magmahal nang ganito kalalim.

Tulad ng sinabi ng ating butihing senador Miriam Defensor-Santiago sa libro niyang “Stupid is Forever “, they say a picture is worth a thousand words, kaya nung makita ko picture mo, tatlong words lang nasabi ko, “I love you.”

Be the first to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published.