Edward’s Tattoo

Long distnce relationship (Photo credit: shelovesmagazine)
Long distnce relationship (Photo credit: shelovesmagazine)

Siya si Edward, isang retired US Marine. Divorced siya. Tatlo ang kanyang naging asawa. Ang pangatlo, ay isang Pilipina. Wala silang anak. Ngunit sa unang asawa nito, siya ay may tatlong anak, at may isa din siyang anak na babae pa sa isang babaeng nakasama niya lang ng isang gabi.

Long distnce relationship              (Photo credit: shelovesmagazine)
Long distnce relationship (Photo credit: shelovesmagazine)

Nakilala ni Edward si Myrene sa internet. Nag-aaral pa lang noon si Myrene sa kolehiyo. Isang taon na lamang ay ga-graduate na siya. Medyo may edad na si Myrene noongg siya ay nag-aral dahil sa siya ay nangibang bayan din para mamasukan, at makatulong sa pamilyang naghihirap. Napatapos muna ni Myrene ang kanyang mga kapatid.

31 years old na siya noong makilala niya si Edward. 35 naman ang lalaki. Noong time na ‘yon aktibo pa sa serbisyo si Edward at ito ay assigned sa base sa Japan. Naging magkasundo noon si Myrene at si Edward. Madalas sabihan noon ni Edward si Myrene na gusto niya itong tulungan. Ngunit ito’y tinatanggihan ng dalaga. Gusto niya magtapos sa sariling pera. Dahil doon, nakuha niya ang paggalang ng sundalong amerikano. Halos lingguhan sila kung mag-chat. Alam noon ni Myrene na may karelasyon pang isang Pilipina ang sundalo. Pumutok ang gyera sa Kuwait, pinadala si Edward doon. Pagkatapos ng giyera, in-assign muli si Edward sa Iraq.

Nawalan sila ng komunikasyon. Ngunit kahit kailan, ‘di nabura sa messenger nila ang pangalan ng isa’t isa.

Lumipas ang walong taon. Graduate na si Myrene at mayroon ng trabaho, nang minsang binuksan nito ang kanyang Ym. Muli silang nagkita ni Edward sa Net. Nagkakumustahan, ngunit ng panahong ‘yon, si Edward ay ‘di na malaya. Matapos ang tour of duty nito sa Iraq, ito ay nagretire at bumalik sa US at nakapagtrabaho sa isang malaking steel company. Isa na itong supervisor. Naging masigla muli ang kanilang pag-uusap. Minsan, nagpapahaging pa ito na kahit kailan, ‘di nagbago ang pagtingin niya kay Myrene, at muli, niyaya nya itong magkita sila sa labas ng bansa. Ngunit ayaw ni Myrene. Para sa kanya, ‘di na malaya si Edward.

Muli ay nawalan sila ng komunikasyon. After two years, muli silang nagka-chat. Minsan, nag webcam sila at si Edward ay bagong gising, nakahubad ito at nakita ni Myrene na may tattoo ito sa dibdib.

“You have a cute tattoo on your chest. What’s that?”, tanong ni Myrene.

“I don’t want you to see this. Don’t bother, its not important”, sagot naman ng lalaki.

Ngunit makulit si Myrene, at dahil sa matagal na silang nagchachat, at nakuha na nito ang tiwala ni Edward, sinabi din nito ang nakalagay sa dibdib niya:

“It’s Fely”.

“Who’s Fely?” ,muling tanong ni Myrene.

“She’s my ex wife, a Filipina.” sabi ni Edward sa kanya.

Matagal na nga pala silang ‘di nagcha-chat, .at sampung taon na silang magkakilala. Si Edward, nakailang asawa na ba? At si Myrene, sa edad na kwarenta, dalaga pa.

Sinariwa nila ang nakaraan. At doon umamin na rin si Myrene ng dahilan kung bakit ‘di sya nag-asawa. eEwan nya daw ngunit parang alam niyang may nakatadhana sa kanya.

Muling bumalik ang magandang samahan nila. Kung noon, kahit anong tulong ni Edward ay tinanggihan ni Myrene, sa muling pagdulog ng puso nito sa kanya, ito ay kanyang tinanggap.

Pinag-aral nito sa Graduate Studies si Myrene. Preparasyon daw para sa kanilang paglipat sa Amerika…

Kanina, ikinasal silang dalawa. Pagkalipas ng ilang taon, sila rin palang dalawa.

At ngayon, ito na sila sa unang gabi nila. Paghubad ni Edward ng suot niya, agad tiningnan ni Myrene ang tattoong ilang taon ding tumatak sa isip niya, ang tattoo na inukit sa dibdib ng taong mahal niya, na dati’y tanda ng pagmamahal nito sa dating asawa….

At ano ang kanyang nakita, isang emblem ng US Marines, at sa ibaba ang pangalang MYRENE sa loob ng pusong may nakaukit na… FOREVER.

author:

p.e./kf

About jessa maria

Proud to be a BICOLANA..a simple person who writes what's on her heart. Loves to laugh even in times of trouble..hopeless romantic and often times with a wild imagination.....friendly but shy....