Dyip Ni Juan

Sa buhay ng tao, hindi pwedeng hindi siya makasakay ng Dyip lalong lalo na sa mga Pilipino. Kaya itatawag ko ‘tong Dyip ni Juan.

Tuwing papasok sa eskwela, maghahabol sa trabaho upang hindi malate, pupuntahan ang ka-eyeball at makikipagdate, mamamasyal at magsisimba, mamimili sa palengke o manunuod sa sinehan, madalas at lagi nating sinasakyan ay ang Dyip ni Juan.

Kahit saan man magpunta sa Pilipinas, kadalasang masasakyan mo ay dyip, kaya napakalaki ng parte sa buhay Pilipino ang dyip ni Juan.

Swertihan pa minsan kung makakasakay ka agad sa dyip na papunta sa destinasyon mo kapag rush hours.

Swertihan lang din kung ang mga kasama at katabi mo sa dyip ay mababango, gwapo o maganda at titingan mo simula sa pagsakay mo hanggang sa pagbaba mo.

Swertihan na lang din kung nagmamadali ka upang hindi ka malate at si manong driver ay mabilis magpatakbo.

Swertihan na lang din kung hindi siksikan ang nasakyan mo at buong katawan mo ay nakakaupo, pwedeng pwede pang bumukaka ng napakaluwag.

Swertihan na lang din kung ang dyip ni juan na nasakyan mo ay may tugtog na napapaindak ang paa mo sa bawat kanta o napapasabay ka sa kanta habang nakatingin sa bintana at mahangin.

Swertihan na lang din kung nakasakay ka na at pagsakay na pagsakay mo saka bubuhos ang ulan.

Swertihan na lang din kung ang manong driver at si manong konduktor ay may barya at hindi masungit.

Swertihan na lang din kung hindi na nagpupuno ng pasahero at humihinto sa bawat kanto na madaanan ang dyip ni juan na nasakyan mo.

Swertihan na lang din kung si manong driver ay saktohan kapag ikaw ay papara, (sakto sa tapat ng bahay niyo hihinto)

at swertihan na lang din kung ang nasakyan mo ay hindi mahuhuli ng pulis patola.

Pero sa pagsakay ng dyip ni juan ay may mga kamalasan din…

Malas mo kung akala mo maaga kang makakapasok pero pagdating mo sa sakayan, punong puno ang daanan ng mga taong naghihintay ng sasakyan.

Malas mo kung wala kang ibang option kundi ang magdalawang sakay dahil lahat ng dyip na nasa ruta mo ay nagcucutting trip upang makaisa sa mga pasahero.

Malas mo kung fresh ka pagsakay mo pero lapsed at haggard ka na pagbaba mo ng dyip.

Malas mo kung yung gwapo o maganda ay hindi tumabi sayo pagsakay sa dyip at dun umupo sa pinakamalayo na hindi mo matatanaw

Malas mo kung 1/4 lang ng pwet mo ang nakaupo dahil siksikan na parang sardinas ang dyip pero nagpapasakay parin si manong driver.

Malas mo kung kaliwa’t kanan na katabi mo ay nakakapit sa hawakan at parehas na may amoy na hindi mo mawari kung saan nanggaling.

Malas mo kung pagbayad mo  o pag-abot ng sukli sa ‘yo ay nahulog ang mga barya, na tipong lahat ng tao ay nakatingin sayo habang ikaw ay pumupulot ng barya sa sahig.

Malas mo kung ang mga katabi mong lalake ay wagas kung makabukaka na akala mo ang lalaki ng maiipit pero mukhang wala naman.

Malas mo kung maarte ang katabi mo at gustong sakupin ang pangdalawahang upuan sa pag-upo ng nakaslant…

Malas mo kung si manong driver o si manong konduktor ay masungit at walang panukli, bababa ka na hindi ka parin sinusuklian hanggang sa makalimutan mo na kunin.

Malas mo kung ayaw abutin ng mga kasama mo sa dyip ang bayad mo at ikaw pa ang mismong nagabot kay manong driver.

Malas mo kung nakatulog ang katabi mo at sa ‘yo lumalanding ang ulo nya.

Malas mo din kung nagmamadali ka dahil malelate ka na pero ang daming aberya ang nangyare sa dyip at kailangan pang magpagasolina.

malas mo kapag pagsakay mo wala ng maupuan at kailangan mo nalamang sumabit dahil nakaandar ang sasakyan na sinasakyan mo.

Malas mo kapag ang lakas magpatugtog ng dyip si manong konduktor na hanggang sa pagbaba mo yung music pa rin ng dyip ang nasa tenga mo,,,

Madami mang kamalasan o kswertihan ang mararanasan mo sa isang dyip ni juan, masarap pa rin sa pakiramdam kung makaabot ka sa pupuntahan mo.

Nakakatuwa ding isipin na sa isang dyip na sasakyan ay marami ka ng klaseng pilipino na makakasama at makakasalamuha…
Meron dyan na magsyotang grabe ang PDA sa isa’t isa.
May mga magkapamilya na minsan tatlo tatlo ang anak na kasama pero isa lang ang ibabayad dahil lahat kakandungin DAW.
Minsan may makikita kapang umiiyak habang nageemote sa bintana.
Minsan may mga pasosyal na lahat ng gadget ay labas labas at gamit habang nasa dyip.

Pati estado ng buhay ng mga pasahero nakakatuwang pagmasdan….

Merong mga mayayaman na ayaw magpatabi at magabot ng pamasahe o sukli, may mga gusgusin na parang ayaw mong katabi pero wala kang choice kasi puno na, may mga babaeng magaganda at may mga babae namang hindi kagandahan, meron din mga babae sa puso pero lalake sa paa, dahil makikita mo mga buhok at muscles na naglalakihan. may mga tulog at may mga dilat na dilat ang mata, may mukhang namomoroblema at may nakangiti habang may katext.
Minsan may katabi ka di mo alam kakilala mo na pala, may matatanda pa at may sobra namang bata na ang cute tignan dahil gusto nila abutin ang hawakan upang makagaya sa mga taong nakahawak.
at ingat ka dahil may mga snatcher at holdaper pa, pagbaba mo wala ka ng dala.

Ano man ang mga experience mo sa dyip ni juan, masaya man o malungkot, kahit ilang beses ka pa mag FX at mag bus, sasakay at sasakay ka pa rin sa dyip na sinasabing dyip ni juan.

About jefflacro