“Dulot mo sa Akin”

Sa mga pangarap na akin ng iiwan Mga bagay na dapat, karapatdapat ,akala kong sapat pero kinulang Sa mga bagay na sumobrang dapat ng bawasan Hanggang sa maubos ng di namamalayan
Sa mga pangarap na akin ng iiwan Mga bagay na dapat, karapatdapat ,akala kong sapat pero kinulang Sa mga bagay na sumobrang dapat ng bawasan Hanggang sa maubos ng di namamalayan
Sa mga pangarap na akin nang iiwan
Mga bagay na dapat, karapatdapat, akala kong sapat pero kinulang
Sa mga bagay na sumobrang dapat nang bawasan
Hanggang sa maubos nang ‘di namamalayan

 

Tiniis gabi gabi salitang masasakit
Nilulunok ang mga katagang ubod ng pait
Ginugusot kumikirot puso’y nagngingitngit
Sa tuwing pangalan niya ang iyong binabanggit

‘Di mawala sa isipan ang iyong kasinungalingan
Na ako’y mamahalin mo nang walang pag-aalinlangan
Na ako’y dadalhin mo sa kahit saang simbahan
Ngunit ngayon sinasabi mong dapat na akong iwan?

Ilang beses na bang umahon sa paglunod mo sa akin?
Ilang beses mong pinaniwalang may pag-asa pa sa atin?
Ilang pangakong binitiwan na ‘di mo na uulitin?
Ilang milyong kilometrong pagitan ngunit ‘di mo kayang limutin?

Ano pa ba ang dapat na tamang gawin sa iyo?
Upang makita mo lamang ang mga ginawa ko
Na kahit man lang sulyapan mo’t balikan mga sakripisyo
Na aking iginapang mapalapit lang sa iyo!

Taon buwan araw oras segundo ang ginugol
Ngunit pagkakataon na ang sadyang tumututol
Sa pagkakataong ito ako na ang puputol
Hihikbi iiyak hanggang humagulgol

Sa mga pangarap na akin nang iiwan
Mga bagay na dapat, karapatdapat, akala kong sapat pero kinulang
Sa mga bagay na sumobrang dapat nang bawasan
Hanggang sa maubos nang ‘di namamalayan

Ito ang nagbabadyang pagtirik ng puting bandila
Ng pagsuko sa paglaban sa pag-ibig na sumira
Sa pumatay sa ngiti ng aking gunita
Lalayong lumuluha sa dulot mong pinsala

Dulot mo sa ‘kin
Ni:Mary Margareth Castaneda
11:11pm

About emstarr14

A Nurse OFW, formally school journalist whose passion is to create piece of art through writing. "Ang paghalik ng pluma sa manipis na anyo ng kahoy ay isang pag-ibig na wagas" ang pagbabalik loob sa pagsulat
Source :

"Dulot mo sa Akin