Dream, Believe, Survive (The life of Working Student)

Being a working student is not easy; you have to see to it that your schooling is effective, even though you are also working. Marami sa atin na nanggaling sa probinsya at nakipagsapalaran sa siyudad para makapagtapos ng pag-aaral.

This is my story.

I was born and raised in  the town of Hindang, the province of Leyte. We live in the mountainous part of Hindang long time ago. Mahirap ang buhay sa probinsya lalo na sa baryo, madalas ang source of income ay pagsasaka or pagtitinda ng mga aning root crops. Ang kabuhayan namin ay ang pagtitinda ng Copra (kopras) or minsan kamote at iba pang mga root crops,

In the late 80’s we moved to the town proper due to the conflict of the rebels and war. I finished my elementary and high sa bayan na, then after nun pumunta na ako ng Manila para tuparin ang pag-aaral ko at makapagtapos. Nakita ko ang City at ako’y namangha dahil sa maraming ilaw, matatataas na building at malalaking bahay. Pero iba, nag-iba ang expectation ko, tumira ako sa maliit na bahay at masikip pero ok lang . Lahat ay kakayanin, lahat ng hamon  sa buhay.

Sinugal ko ang kapalaran ko para sa pangarap ko at makipagsapalaran sa buhay sa siyudad.  Nag-enroll ako sa isang public college sa Manila,  maraming College at University sa  Manila, pero yung iba private at mahal masyado, pero marami din namang public. Dahil sa kailangan kong suportahan ang pag-aaral ko, naghanap ako ng trabaho at  nakapasok ako sa isang  sa isang Fastfood.

Masarap at mahirap ang isang working student: una, kikita ka ng sariling mong pera at mabibili mo ang gusto mong bilhin, ang mahirap naman ay kailangan mong magtiis at magtiyaga dahil kailangan mo ang time management. Lahat ibabalanse mo ang oras mo sa trabaho mo at pag-aaral at iba pang ginagawa ng estudyante. Sa una sobrang hirap pero kasi kailangan mong mag-adjust sa oras mo, sa paggising mo ng maaga at pag-uwi mo ng gabi.

Marami akong kasabayan na working student din at hanga ako sa ginagawa nila, kasi hindi sila sumusuko sa hamon ng buhay at para sa pangarap  nila. Tulad ko, hindi rin sumusuko sa hamon ng buhay at mamuhay sa mabilis at masalimuot na buhay sa siyudad.

Lahat ng hirap at pagod at puyat ay tiniis ko para sa pangarap na makatapos.

Minsan pa nga, nakaka-inspire mga kwento ng iba kong kaklase kasi napaka-supportive  ng mga magulang about sa mga finances sa pag-aaral. May iba pa nga na nagbebenta ng mga alagang hayop tulad ng kalabaw para lang may maipadala sa kanilang mga anak na nag-aaral sa Manila, ‘yung iba naman ay ‘yung mga magulang ay nagtatrabaho sa abroad para sa kanilang mga anak para makapagtapos.

Tiis, tiyaga at pananalig sa Diyos.

Maraming hirap at sakripisyo ang buhay ng isang working student. Nandiyan ‘yung halos wala kang tulog lalo na pag exams at finals. Naranasan ko na pag wala ang professor mo ay kailangan mong matulog sa isang tabi at minsan may mga nakita din akong mga estudyante sa loob ng gymnasium na natutulog.

May mga times pa nga na hindi mo magawa ang mga assignments mo at makikikopya ka na lang sa mga kaklase mo. Pero ‘di pa nagtapos ang mga hirap na naranasan mo.

Sa tuwing may mga projects na kailangan gawin lalo na pag overnight, hindi ka makasama kasi may trabaho ka, at minsan may mga       pamamasyal ng mga kaklase na hindi mo masamahan kasi busy ka’t kailangan mong gawin ang ibang bagay.

Buhay  estudyante nga naman; mahirap, minsan masaya.

Bilang isang working student, ako ang naging  huwaran ng mga kaklase ko. Naise-share ko rin sa kanila ang kahalagahan  ng buhay working student. Naise-share ko rin sa kanila ang kahalagahan ng Time Management,  na huwag masyado sayangin ang oras sa lakwatsa at mga bagay na hindi naman importante.

Mas lalo ko nang natutunan ang kahalagahan kung paano mamuhay at paano harapin ang buhay.

Hindi ko lubos maisip na ang dami palang mga working student diyan na nagsakripisyo para lang maabot ang pangarap at siyempre umangat ang pamumuhay. Hindi hadlang ang pagiging mahirap para tuparin ang pangarap mo at pangarap ng buong pamilya. Kahit na walang baon ay papasok sa eskwela at para lang hindi mahuli sa mga aralin.

Minsan pa nga biskwit lang ang dala mo lagi sa bag mo kasi wala kang pambili at lagi kang may dalang tubig sa bag. Minsan pa nga pag lunch time, kakain ka sa carinderia at oorder ka lang ng kanin at manghihingi ka lang ng sabaw. Minsan naman isang kanin at kalahating ulam lang, pero madalas kang nagbabaon ng pang lunch mo kasi ayaw mong lumabas at gumastos.

Lahat ng mga ito napagdaan mo, lahat ng hirap ay napagtagumpayan  mo. Hindi ka sumuko sa hamon at laban ng buhay.

Kaya sa lahat ng mga working student diyan, ako’y humahanga at saludo ako sa inyo dahil sa hindi kayo nanghina at lumaban kayo para sa pangarap mo at sa parangap ng pamilya mo.

Sa mga mga nagsitapos ngayon, magbalik tanaw kayo, isipin ninyo lagi na ginawa ninyo to dahil sa gusto ninyong mabago ang iyong buhay   at iyong pamilya. Hindi masama na mangarap, kahit gising ka pa or tulog.. basta ang mahalaga,   isakatuparan mo ito, gawan mo ng aksyon.

Ang buhay ngayon ay hindi biro, ‘di basta basta, kailangan mong matutunan kung paano makisabay sa hamon. Ang pagtatapos mo ngayon ay simula pa lang ng paglalakbay mo sa totoong pakikipagsapalaran. Kaya ngayon pa lang, paghandaan mo na ang iba’t ibang tao na makakasalubong mo sa daan.  Bilang isang nakatapos, gamitin mo ang mga nalalalaman mo at maging handa sa mga problemang makakasalubong mo.

Ang pinakamasayang regalo mo sa sarili ngayong  graduation ay ikaw ay nakatapos. Nakamit mo ang hinangad mo. Magsilbi ka sanang inspirasyon sa iyong kapwa at tularan ka sana nila. Ikaw sana ang maggabay lalo na sa mga taong gusto nang manghina at sumuko sa buhay.

Ngayon pa lang >>>   Maligayang pagtatapos sa mga kapwa ko WORKING STUDENT!

[CONGRATULATIONS, ELIJAH!  AT SA LAHAT NG GRADUATING AT NEW GRADUATES NA WORKING STUDENTS!!!  – Admin MJ]

CIMG1919

CIMG1922

CIMG2204