Diplomang Papel

(Photo Credit: dreamstime)
(Photo Credit:  dreamstime)
(Photo Credit: dreamstime)

Bawat mag-aaral ay ito ang pinapangarap, nagsusunog ng kilay upang ito’y makamtan.

Bawat magulang din ay nagsusunog ng balat upang matustusan ang pag-aaral ng anak upang diploma’y mapasakamay..

Sa ating bansang Pilipinas, puspusang pag-aaral ng bawat bata ang ginagawa, pagtungtong pa lamang ng tatlong taon ay nag-aaral na hanggang sa umabot ng dalawampu tapos na ito sa kolehiyo..

Nasa dugo at isipan na kasi natin ang kasabihan ni Gat Jose Rizal; na ang ” kabataan ang pag-asa ng bayan,” kaya nag-aaral tayong mabuti upang makatapos..

Ngayon, sa dami ng nagtatapos kada Marso at Oktubre, sa dami ng nagkakamit ng diploma bawat taon, nagagamit ba nila ito?…

Hindi kaya ang diplomang pinagpaguran ng estudyante at pinaghirapan ng magulang ay hanggang sa dingding na lamang? Hanggang sa loob ng folder o ‘di kaya’y sa baul na lamang itatago? Hanggang samabura na ang nakasulat na pangalan at kursong pinagtapusan?

Sa katatago nito sa ilalim ng mga damit, pati petsa at dean na pumirma ay halos nabura na.

Dahil sa kakulangan ng trabaho sa sariling bayan, halos lahat nng mga propesyunal natin ay nangingibang-bayan.

Ang trabaho sa dayuhang bansa ay hindi tugma sa naka-imprenta sa diplomang pinagsunugan ng kilay..

Mga guro, komerisyo, at marami pang napagtapusang kurso, ay pare-parehas na nagkukuskos sa kubeta o tiles sa bahay ng may bahay.

Kung bubulyawan ba tayo ng ating amo ay puwede mong ihampas sa mukha nila ang ating diploma? Kung sisigaw-sigawan tayo ng mga walanghiyang Arabo.. puwede ba rin natin silang sigawan ng:

“Hoy! Titser ako sa amin, hindi lang ako nakapagturo dahil wala akong kapit na pulitiko?”

O ‘di kaya’y sisigawan nang ganito:

” Hoy! ‘Hindi mo ba alam na nag-gradweyt ako ng Komerisyo at nag-major pa ako ng Banking and Finance at kumuha pa ako ng units sa Accounting? Kung makapag-utos ka, akala mo wala akong pinag-aralan?”

Hahahhaha! Hindi po puwede, sinusuwelduhan nila tayo, wala silang pakialam kung ilan ang diploma at training certificates mayroon tayo.

Basta ang alam lang nila, alila nila tayo..

Walang silbi ang diploma dito.

Nakapagtapos man o hindi, iisa lang ang asam, ang mabuhay nang matiwasay at pumanaw na inirerespeto ng kapwa tao.

About Mary Adelleine J.Esic

I write to please myself...out of passion.