Diborsiyo

“Maghiwalay na tayo! ayaw ko na sayo, hindi na kita mahal”, “Nakakasawa na! lumayas kana dito!” Madalas ito ang eksena sa isang mag-asawa bunga ng hindi pagkakaunaawaan, dahil dyan gusto na ng mag-asawa na ipawalang bisa na lang ang kanilang kasal. Pero papaano nga ba?

Ang Diborsyo ay hindi ligal sa Pilipinas dahil din sa naka-saad sa bibliya na “Ang pinagsama ng Diyos ay huwag paghiwalayin ng tao” kaya kung gusto mong makipag-diborsiyo sa iyong kinakasama kailangan mong gumastos ng libo-libong piso at pumunta ng ibang bansa. Pero bakit pag dating mo sa Pilipinas nagiging ligal ito? gayung hindi ka naman nagpakasal sa ibang bansa at dito ka mismo sa Pilipinas ikinasal?

Maraming nagiging dahilan kung bakit gusto ng makipaghiwalay ng lalake o babae sa kanyang pinakasalan. ito ang ilan lang sa mga dahilan kung bakit gusto ng makipaghiwalay ng isang tao

1. Pangangaliwa – Ito na siguro ang malimit nagiging dahilan ng paghihiwalay ng mag-asawa. Ang pangbabae ni Mister o panglalalake ni Misis.

2. Pagbubuhat ng kamay – Madalas lalake ang gumagawa nito, bihira lang ako makakita ng babaeng bumubugbog sa kanyang mister. Dito na madalas pumapasok ang ibat-ibang krimen gaya ng pag-patay ni misis sa kanyang asawa gawa ng pambubugbog.

3. Kakulangan sa pera – Pera  ang madalas pag-awayan ng mag-asawa. Mahirap ang buhay sa Pilipinas kahit magkandakuba ka sa kakatrabaho hindi ka yayaman sa iyong minimum na sinasahod lalo na kung ikaw ay mayroon ng pamilya.

4. Mabisyong Asawa na walang trabaho – Hindi lang ang lalake ang mayroong bisyo sa katawan, marami-rami na rin diyang babaeng marunong uminom, manigarilyo, mag-sugal at kung anu-ano pang pwedeng gawing bisyo. Pagod na nga naman sa trabaho si lalake o babae tapos madadatnan pa nya yung asawa nya na nasa bingo-han o tong-itan at wala pang pagkain sa bahay. Kahit sino naman sa atin magagalit sa ganoong sitwasyon

Marami rin nagiging dahilan kung bakit sa kabila ng ibat-ibang dahilan ay nananatili parin nagsasama ang mag-asawa nangunguna na dito kung meron na kayong anak. Kaya hindi naghihiwalay ang iba ay dahil na rin sa  mga bata, alang-alang sa mga anak. Pero sa panahon ngayon wala ng Martir, Basta maganda ang paghihiwalay, nagkakasundo, nagkikita-kita pa rin at may kumyunikasyon.

Sa atin kasi parang napaka big deal ng salitang broken family. Pero, ang tanong ay ito : kung laging nag-aaway, nagbabangayan, nagsisigawan, nagkakasakitan ng pisikal, hindi nagkikibuan- kung ito ang kapaligiran at kinalalakhan ng mga bata, okey parin ba ito? nakakatulong ba ito sa kanilang paglaki? Kaya madalas alang-alang sa mga bata, patuloy na nagsasama ang mag-asawa

Ang mga mag-asawa ngayon ay kapwa na naghahanap-buhay. Kapwa kumikita, may kani-kaniyang pera. Kaya madalas malakas na rin ang loob ng babae , dahil hindi na siya umaasa sa sweldo ng asawa.

Kadalasan ngayon ang hindi na dinadaan sa ligal ang paghihiwalay. Mahirap nga naman gumastos pa. Live in na ang usong salita ngayon.

Marami ang pagsubok na dadating sa mag-asawa at kadalasan tumatama ito sa mga mag-asawang hindi pa handa sa kanilang pagsasama.

25 Comments

  1. ang babae ang syang magsisilbing ilaw at gabay sa relasyo..magbibigay ng direksyon sa lalaki..para maging matibay at matawag n haligi ng relasyon at pamilya..kung pundi ka na..at may anay ka na..guguho ang relasyon..isa lang ang mging mtibay..ang ilaw man o ang haligi..di mabubuwag ang relasyon na napundar na!!angdiborsyo nkuha sa mga puti..kc mhina ang pain tollerance nila..di gaya ng pinoy..

  2. ang babae ang syang magsisilbing ilaw at gabay sa relasyo..magbibigay ng direksyon sa lalaki..para maging matibay at matawag n haligi ng relasyon at pamilya..kung pundi ka na..at may anay ka na..guguho ang relasyon..isa lang ang mging mtibay..ang ilaw man o ang haligi..di mabubuwag ang relasyon na napundar na!!angdiborsyo nkuha sa mga puti..kc mhina ang pain tollerance nila..di gaya ng pinoy..

  3. Marami ring babae na nasa abroad ang mister, walang pag-iisip na maglustay ng pinag-hirapan nito. Worst pa manlalaki. You give your best at binalewala niya ‘yon. Sayang naman kung meron diyan na mamahalin ka at pahahalagahan kung walang divorce. Siempre yung tunay na magmamahal sa ‘yo ay deserve niya rin ang pormalidad.

  4. Napansin ko lang,ang mga babae unang nagbigay ng kanikanilang reaksyon,Asan na kayo mga boys? Paliwanag nyo nmn ang panig nyo… ^_^V

  5. Napansin ko lang,ang mga babae unang nagbigay ng kanikanilang reaksyon,Asan na kayo mga boys? Paliwanag nyo nmn ang panig nyo… ^_^V

  6. Tama! @Rosanna, We should live our lives to the fullest, yung walang plastikan. Isa pa pag nakita ng mga bata na ang ina ay independent ay magiging good example siya sa mga ito. Pag may divorce, kalaunan ay maayos rin ang pag-aasawa ng mga anak natin. Ang pag-aasawa ay may kaakibat na pag-galang at responsibilidad. Sa umpisa ay dalawa lang kayong mag-asawa sa bahay, pero pag may mga anak na, ang prioridad ay mga anak. Kung hindi na nagmamahalan ang mag-asawa, ang mga bata ay nasasaktan rin.

  7. Tama! @Rosanna, We should live our lives to the fullest, yung walang plastikan. Isa pa pag nakita ng mga bata na ang ina ay independent ay magiging good example siya sa mga ito. Pag may divorce, kalaunan ay maayos rin ang pag-aasawa ng mga anak natin. Ang pag-aasawa ay may kaakibat na pag-galang at responsibilidad. Sa umpisa ay dalawa lang kayong mag-asawa sa bahay, pero pag may mga anak na, ang prioridad ay mga anak. Kung hindi na nagmamahalan ang mag-asawa, ang mga bata ay nasasaktan rin.

  8. para po sa akin, ayon sa naririnig ko, nabasa ko, napansin ko, ang pagiging mag-asawa po ay hindi lang life time commitment kundi life time din ang adjustment. kung ang magkakapatid nga na lumaki ng halos magkasama araw-araw, hindi pa nagkakasundo kung minsan pagdating sa desisyon, how much more pa ang dalawang tao na minsan ay isang taon o mas maiksi lang ang pagkakakilala sa isa’t isa at nagsama?..ang sabi ng karamihan na merong tagumpay na buhay mag-asawa, kelangan daw ay submission. even if it means giving up your beautiful career, your political position, social life,,etc etc. and it is biblical, woman shall submit to the husband, and husband love your wife…yan ang mga utos ng Diyos kay adan at eva pa lamang.
    ..at doon po sa sinabi ninyo na “Sa atin kasi parang napaka big deal ng salitang broken family.” kung nagkaroon po kayo ng a “very close foreign friend who came from a broken family, you will know na big deal din po ito sa kanila, kaso marunong silang magdala. kung inyong napapansin, iyong mga kabataan even famous hollywood celebrities, whose who came from a broken family became wild and rebellious and end up in a disgrace. at sa german supersticious belief, pag daw ang isa sa mag-asawa ay nanggaling sa isang broken family, malaki ang tendency na maghihiwalay din ang mag asawa kung kaya iyong iba na talagang they want a happy marriage later on, namimili sila. huwag kasi tayong masyadong magpapadala sa mga bagay bagay na alam nating hindi maganda pero pilit nating hinahanapan ng magandang dahilan para lang masabi na “in” tayo. kung sino man ang nasa sitwasyon na broken home, maaaring nanay, tatay o anak, kung sila ay kakausapin mo ng heart to heart talk, deep inside, malalaman mong hangga’t maaari kung meron pa sana silang naisip o nalaman na paraan upang i save ang family, ay i ga grab nila ito. aminin natin o hindi , walang sino mang nangarap na magkapamilya tapos later on, maghihiwalay. kung kaya’t mas makakabuting tayo’y sumunod sa batas ng kataas taasan. kung tayo man ay nasa sitwasyong hiwalay na sa asawa, o binata’t dalaga, tandaan ang utos ng Diyos, ang sino mang aasawa sa asawang iniwan ng kanyang asawa ay nakikiapid. sana man lang nalaman na ito ng mag asawa bago pa man sila mag desisayong maghiwalay. hanggang maaari ayokong maging bias ang gusto ko lang ay ibahagi ang mga bagay na alam kung tama. ang iba ay opinion ko lamang kung kaya’t pwedeng magbigay ng saloobin tungkol dito ang mga makakabasa nito. ang iba naman ay hinango ko sa salita ng Diyos na naniniwala ako na ito ang mga unang batas, at dapat ding bigyan ng pansin katibayan na ang Biblia ay pinag aralan na ng mga abogado, pari, psychologist, physician etc… whooo,,ang haba na..marami pong salamat. God save the philippines!

  9. masama bang hanapin ang sarili mo? minsan needed din ng couple na hanapin ung sarili nila para mag-grow sila … hindi dahil sa wala na silang pag-ibig .. iba kasi ung love sa in-love … tsaka, how sure are we na lahat gn couples na tumandang magkasama ay masaya? minsan mas ok pa na maghiwalay na lang kesa magtiis at palipasin at sayangin ang maraming taon ng buhay mo sa isang walang kwentang relasyon … kung pede ka naman maging masaya, y not?

  10. masama bang hanapin ang sarili mo? minsan needed din ng couple na hanapin ung sarili nila para mag-grow sila … hindi dahil sa wala na silang pag-ibig .. iba kasi ung love sa in-love … tsaka, how sure are we na lahat gn couples na tumandang magkasama ay masaya? minsan mas ok pa na maghiwalay na lang kesa magtiis at palipasin at sayangin ang maraming taon ng buhay mo sa isang walang kwentang relasyon … kung pede ka naman maging masaya, y not?

  11. Domino effect ‘yan, kung ano ang kinalakhan ng mga bata ay gano’n rin sila paglaki nila.Kaya ‘yang mag-asawa na kamo dahil sa mga bata ay nananatiling magkasama, consider them irresponsible parents para palakihin nila ang kanilang mga anak sa isang sambahayang puro bangayan. Kung para sa mga bata, kung gayon, para sa mga bata ay dapat maghiwalay na rin.

  12. Domino effect ‘yan, kung ano ang kinalakhan ng mga bata ay gano’n rin sila paglaki nila.Kaya ‘yang mag-asawa na kamo dahil sa mga bata ay nananatiling magkasama, consider them irresponsible parents para palakihin nila ang kanilang mga anak sa isang sambahayang puro bangayan. Kung para sa mga bata, kung gayon, para sa mga bata ay dapat maghiwalay na rin.

  13. that is totally true,agree ako kc na experience ko mismo, baakit ka nga nmn magtitis sa isang relasyon na sumasakal na sa inyong 2 bukod pa na nakikita ng mga anak…kung baga imbes na makatulong sa development ng mga bata lalo lang nakakasama dahil sa nakikita nilang bangayan araw araw..magkakaroon sila ng fear at for them will be a traumatic experience.

Leave a Reply

Your email address will not be published.