Diborsiyo

“Maghiwalay na tayo! ayaw ko na sayo, hindi na kita mahal”, “Nakakasawa na! lumayas kana dito!” Madalas ito ang eksena sa isang mag-asawa bunga ng hindi pagkakaunaawaan, dahil dyan gusto na ng mag-asawa na ipawalang bisa na lang ang kanilang kasal. Pero papaano nga ba?

Ang Diborsyo ay hindi ligal sa Pilipinas dahil din sa naka-saad sa bibliya na “Ang pinagsama ng Diyos ay huwag paghiwalayin ng tao” kaya kung gusto mong makipag-diborsiyo sa iyong kinakasama kailangan mong gumastos ng libo-libong piso at pumunta ng ibang bansa. Pero bakit pag dating mo sa Pilipinas nagiging ligal ito? gayung hindi ka naman nagpakasal sa ibang bansa at dito ka mismo sa Pilipinas ikinasal?

Maraming nagiging dahilan kung bakit gusto ng makipaghiwalay ng lalake o babae sa kanyang pinakasalan. ito ang ilan lang sa mga dahilan kung bakit gusto ng makipaghiwalay ng isang tao

1. Pangangaliwa – Ito na siguro ang malimit nagiging dahilan ng paghihiwalay ng mag-asawa. Ang pangbabae ni Mister o panglalalake ni Misis.

2. Pagbubuhat ng kamay – Madalas lalake ang gumagawa nito, bihira lang ako makakita ng babaeng bumubugbog sa kanyang mister. Dito na madalas pumapasok ang ibat-ibang krimen gaya ng pag-patay ni misis sa kanyang asawa gawa ng pambubugbog.

3. Kakulangan sa pera – Pera  ang madalas pag-awayan ng mag-asawa. Mahirap ang buhay sa Pilipinas kahit magkandakuba ka sa kakatrabaho hindi ka yayaman sa iyong minimum na sinasahod lalo na kung ikaw ay mayroon ng pamilya.

4. Mabisyong Asawa na walang trabaho – Hindi lang ang lalake ang mayroong bisyo sa katawan, marami-rami na rin diyang babaeng marunong uminom, manigarilyo, mag-sugal at kung anu-ano pang pwedeng gawing bisyo. Pagod na nga naman sa trabaho si lalake o babae tapos madadatnan pa nya yung asawa nya na nasa bingo-han o tong-itan at wala pang pagkain sa bahay. Kahit sino naman sa atin magagalit sa ganoong sitwasyon

Marami rin nagiging dahilan kung bakit sa kabila ng ibat-ibang dahilan ay nananatili parin nagsasama ang mag-asawa nangunguna na dito kung meron na kayong anak. Kaya hindi naghihiwalay ang iba ay dahil na rin sa  mga bata, alang-alang sa mga anak. Pero sa panahon ngayon wala ng Martir, Basta maganda ang paghihiwalay, nagkakasundo, nagkikita-kita pa rin at may kumyunikasyon.

Sa atin kasi parang napaka big deal ng salitang broken family. Pero, ang tanong ay ito : kung laging nag-aaway, nagbabangayan, nagsisigawan, nagkakasakitan ng pisikal, hindi nagkikibuan- kung ito ang kapaligiran at kinalalakhan ng mga bata, okey parin ba ito? nakakatulong ba ito sa kanilang paglaki? Kaya madalas alang-alang sa mga bata, patuloy na nagsasama ang mag-asawa

Ang mga mag-asawa ngayon ay kapwa na naghahanap-buhay. Kapwa kumikita, may kani-kaniyang pera. Kaya madalas malakas na rin ang loob ng babae , dahil hindi na siya umaasa sa sweldo ng asawa.

Kadalasan ngayon ang hindi na dinadaan sa ligal ang paghihiwalay. Mahirap nga naman gumastos pa. Live in na ang usong salita ngayon.

Marami ang pagsubok na dadating sa mag-asawa at kadalasan tumatama ito sa mga mag-asawang hindi pa handa sa kanilang pagsasama.

23 Comments

  1. Lumang tugtugin na yan !!!!Bakit mo isakcriprisyo ang nagiisa mong buhay sa sa taong DI naman nagpapahalaga iyo????Right!!!

  2. Lumang tugtugin na yan !!!!Bakit mo isakcriprisyo ang nagiisa mong buhay sa sa taong DI naman nagpapahalaga iyo????Right!!!

  3. Yong naghahangad ng mga divorse nakalimutan n’yo na ata during the wedding yong in bitter or in worst or in sweetness till death do as part,di n’yo ba alam na ang marriage ay isang sacramento ng matrimonyo ng 7 sacrament w/ the Blessing of God!

  4. Marriage are for the God-obedient people only—men and women who accept and abide by the Lord’s teachings. Failed marriages almost always occur in the lives of the stubborn-minded and hard-hearted.

  5. Love is a DECISION. An ACTION. Pls bago magpakasal pka isip isipin… Kilalanin muna ng mabuti ang aasawahin… Divorce will only encourage people to RUSH into marriage.. It is an easy way out. and for Catholics, it is clearly a mockery of a sacred agreement with the Lord. :'(

  6. Love is a DECISION. An ACTION. Pls bago magpakasal pka isip isipin… Kilalanin muna ng mabuti ang aasawahin… Divorce will only encourage people to RUSH into marriage.. It is an easy way out. and for Catholics, it is clearly a mockery of a sacred agreement with the Lord. :'(

  7. hummmm:both they hurt<sbgay sa umpisa lang namn yun masasaktan later on hurt its gone:::::kesya namn wala nang mapupunta yun laging nyo pinagawayan :but if faith is so strong GOD wont be separate pls:read MARK 10:8-9 in the bible

  8. hummmm:both they hurt<sbgay sa umpisa lang namn yun masasaktan later on hurt its gone:::::kesya namn wala nang mapupunta yun laging nyo pinagawayan :but if faith is so strong GOD wont be separate pls:read MARK 10:8-9 in the bible

  9. Curious lng ako kaya matanong ako…True information comes from within the person who expresses it.,you know i’m on the state of learning…^_^

  10. Curious lng ako kaya matanong ako…True information comes from within the person who expresses it.,you know i’m on the state of learning…^_^

  11. Matanong lang…Sino ang mas nasasaktan pag nauwi na sa diborsyo ? Hindi kaya depende sa sitwasyon ?…

  12. Matanong lang…Sino ang mas nasasaktan pag nauwi na sa diborsyo ? Hindi kaya depende sa sitwasyon ?…

  13. Matanong lang…Sino ang mas nasasaktan pag nauwi na sa diborsyo ? Hindi kaya depende sa sitwasyon ?…

Leave a Reply to Zaldy Icaonapo ... Cancel reply

Your email address will not be published.