Di Pwedeng Makuha mo Lahat ng Gusto mo

Lahat na yata ng bagay sa mundo, kailangan may kapalit. Kailangan may makuha sila bago mo makuha yung gusto mo sa kanya, sa kanila. Ganun ba talaga dapat? Laging may bawi? Ganun nga yata talaga. Para maging balanse ang takbo ng buhay. Parang Yin at Yang. Itim at Puti. Umaga at Gabi. Hindi ba pwedeng puro saya na lang, wala ng problema? Hindi pwede. Ano ka, sinsuwerte? Saya ng buhay mo eh. Peticks  lang. Ayaw mo maghirap. Nasa Diyos ang awa, nasa tao ang gawa. Andyan na lang ang awa, ang biyaya, aabutin mo na lang. Gusto mo pa bang isubo sayo yan? Kilos kilos din dapat. 

Minsan, ginawa mo na lahat ng makakaya mo, pero parang kulang pa rin? Hindi ba’t ang lungkot naman sa pakiramdam nun? Ang sakit din siguro. Isipin mo,binigay mo na lahat, hindi pa din pala sapat. Kahit na sabihin ng iba na ayos lang, kasi binigay mo naman na lahat. Tama na raw yun. Hindi eh, kulang pa rin. Hindi ka kuntento. Ang gusto mo, almost perfect. Minsan yata hindi rin maganda yung mag-expect ng magandang kalalabasan kapag sobrang nagbuhos ka ng effort eh. Iniisip mo na magiging maganda yung kalalabasan kasi pinagtuunan mo talaga ng effort yung bagay na yun eh. Pakiramdam mo, walang kwenta lahat ng ginawa mo. Kasi hindi mo nakuha yung gusto mong resulta. Nakakainis na nakakaiyak na nakakabigat ng pakiramdam. Pero wala kang magawa kundi tanggapin na lang yung kinalabasan ng ginawa mo. Hindi perpekto, pero effort mo yung puhunan mo sa bagay na yun. Hanapin mo na lang siguro yung magandang side ng nagawa mo. Pampalubag loob na rin siguro? Ewan. Para di na lang din sasama  ang loob mo.

Isipin mo na lang na kung sa ibang bagay, sumablay ka; baka naman sa ibang bagay succcess ka na. Ok lang  mag hirap,  dahil kung hindi,  di mo din maaappreciate ang mga bagay bagay at mga tao sa paligid mo.  Sa bawat hirap, sakit o iyak na mararanasan, may katumbas  din yun  na saya.