DFBI Blogger of the Week 5 (Mga-sulat-kamay)

Male Nurse (Credits: 3.bp.blogspot.com/)

Isang buwan ang mabilis na lumipas at apat na masisipag na blogger na ang ating nakilala.

Ngayon, ipagpatuloy natin ang pagkilala sa mga masisipag at magagaling na blogger ng Definitely Filipino.

Ngayon linggong ito, kilalanin natin ang tao sa likod ni “Mga-sulat-kamay”.

Kilala siya sa mga akda gaya ng:

Yakap Kay Mama,

Confession of a Boy With a Broken Heart,

The Gift,

Bobo Ka Daw?, at

Abortion at 14.

Sino nga ba ang tao sa likod ng “Mga-sulat-kamay”?

Robert S. de Guzman Jr. ang tunay niyang pangalan, kasalukuyang 24 taong gulang, isang binata at proud na taga-Nueva Ecija. Bagamat laki sa Cabanatuan City, kasalukuyang nasa bayan ng General Tinio ang buo niyang pamilya na kabilang sa mga mananampalatayang Methodista.

Nagtapos ng elementarya sa Mabini Homesite Elemetary School, sekondarya sa Nueva Ecija National High School na parehong nasa Cabanatuan City. Nagtapos siya ng B.S. Nursing sa Wesleyan University – Philippines at ngayon ay isa sa mga lisensiyadong Nurse ng ating bansa.

SOPAS (The Special Edition)

Napili ang tatlong kuwentong isinulat niya para sa isang patimpalak ng Psicom Publishing House. Ang mga nanalong kuwento ay isinama sa bago nilang libro na may pamagat  na “SOPAS (The Special Edition)”; isang aklat na naglalaman ng 25 na kuwentong naghahatid ng inspirasyon. Mabibili ito sa lahat ng National Book Store branch nationwide.

Isa siyang working student noon; nagtutor at tumanggap ng mga paper works. Nagtrabaho bilang academic at clinical instructor sa ilang Nursing Colleges sa Nueva Ecija, naging review staff at review lecturer sa ilang review center at naging staff nurse sa ilang hospital. Sa kasalukuyan ay naghahanda siya para sa mas malawak na karanasan sa labas ng bansa.

Q > Ano ang iba mo pang pinagkakaabalahan?

Ang totoo, mahilig ako sa movies; panonood ng magagandang pelikula yata ang isa sa naging impluwensya sa paraan ko ng pag-iisip. Gusto ko yung mga tipo ng pelikula na gawa ni Aamir Khan (3 Idiots, Like a Stars on Earth, Ghajini) o kaya ay mga animations (Up, Toy Story) at mga fantasy (HP, LOFT, Star Wars, Narnia, I’ am Number Four). Hilig ko din ang magbasa, basta nakita ko na nanakawin ako ng istorya papunta sa mundong bago sa akin, paniguradong babasahin ko yun. Kaya nga binasa ko lahat ng series books (HP, LOFT, Narnia, I’ am Number Four series, Twilight Saga, Dan Brown books, at siyempre si Idol Bob Ong). Mahilig din ako sa animation, lalo na yung Japanese anime (One Piece, Naruto, Knock-out, Slam Dunk, Detective Conan) na madalas ay binabasa ko din sa Manga. Idagdag pa si Sponebob, Phineas and Ferb at si Po ng Kung Fu Panda. Also enjoy documentaries (I-witness, Frontrow), at mga lumang Tagalog movies.

Q > Maaari bang magbahagi ka ng ilan sa matatawag mong skills?

Kaya kong magbisekleta. Seryoso na. Yun lang yata alam ko. ^_^

Most people find it unusual, but I can cook almost any Filipino dish na alam ng tipikal na Pinoy. Food-business kasi kami ng ilang taon na rin, at dahil natural akong pakialamero, lagi akong nanggugulo sa kusina nila. Lahat ng klase ng ulam, hanggang desserts at ilang baked foods. Pati sa drinks at finger-foods. Sabi nga ng Mom ko, naligaw ako ng kursong tinapos, dapat daw Culinary ang kinuha kong course.  ^_^

My mom taught me everything about house maintenance. Panganay kasi ako, kaya siguro ang paglalaba, pagluluto, pamamalantsa, pagtupi ng damit at kahit ano pang gawaing-bahay ay naisilid niya sa katawan ko (pag-floor wax ng kisame, pagbubunot ng bubong? Hehehe, joke lang).

Hilig ko din ang pagkanta; nakatutugtog kahit paano sa gitara. Kumakanta ako sa church namin, para sa akin, yun ang paraan ko ng pagsisilbi sa Panginoon, gamitin yung pinagkaloob sa akin sa paraang mabuti sa paningin niya. (at siyempre, paminsan-minsan, pang-impress sa-alam-n’yo-na.. grins-on-my-face.. ^_^)

Q >  Paano mo ilalarawan ang sarili mo?

May taas na 5 foot 11 ½ inches at timbang na 75 kilograms. Body Mass Index ko ay 22. 37 (normal). May kulay brown na chestnut-brown na buhok (napagtripan lang kulayan nanay ko). Mahilig ako sa black shirts (puwede ding polo shirts), pants o rubber shoes (hindi ako kampon ng kadiliman ha?), tapos teternohan ng pamatay na bag. Clumsy kasi ako, at madalas madumihan, kaya para sa akin, convenient ang black. Buti nga at sa Operating Room madalas ang assignment ko, kasi doon, nakascrub suit ako lagi (na kulay dazzling pink, neon green, bright yellow at intense purple.. ^_^, joke lang).

Allergic ako sa alak, crabs, shrimps at siling labuyo (ewan ko pa kung alin pa sa kantang bahay-kubo ang ‘di ko pwedeng kainin). Kung aksidenteng ako ay napakain ng hindi hiyang sa katawan ko, nagkakaroon ako ng mga rashes na nagpapasa pagkalipas ng ilang araw (parang biktima ng abuse?). Isa pang normal na yata sa akin eh pagkakaroon ng epistaxis (nose bleeding) kapag sobrang lamig o init ng temperatura.

Mahilig ako sa sweets gaya ng ice cream, cakes at siyempre, chocolates.  Explorer ako pagdating sa food, nakakain na ko ng palaka, dagang-bukid, pagong, sawa, unggoy, baboy-ramo, kalabaw, kambing, bibe, pugo, kalapati at maya. (huwag kang mag-alala, hindi ko pa naisip na kainin ka ^_^).

 Q > Ilang bagay na gusto mong malaman ng mga mambabasa tungkol sa iyo:

Ang totoo, tahimik akong tao. Hindi ko nga alam kung compensation ko ang pagsusulat ng blog sa pagiging tahimik ko. Pero kapag kasundo ko yung kasama ko, tipong pinagkakatiwalaan ko talaga nang husto, nagiging madaldal at palakuwento ako. Kung kasundo ko ang kausap ko, paniguradong tatawa nang tatawa yun habang kasama niya ako. Maraming nagsasabi na para akong bata, hindi ko naman itinatanggi. Sabi ko nga, wala namang masamang maging child-like, ang masama ay maging childish.

Tahimik ako, pero nagsasalita naman kapag naubusan ng pasensya o kung may nakita akong mali na ginagawa ng kapwa ko. Mataas ang paggalang ko sa babae, dahil kagalang-galang na babae ang nagpalaki sa akin.  Naitanim sa isip ko ni Mommy, na kailanman, hindi dapat  paiiyakin o maagrabyado ang babae. Sa dami ng sakripisyo nila, mula sa pagbibigay ng bagong buhay, hanggang paghubog ng pagkatao ng bawat anak nila, wala na dapat lugar ang panloloko sa kagaya nila.

Malapit ang loob ko sa mga matatanda at bata. Ewan ko kung bakit sa hospital, mas gusto kong kakuwentuhan ang lolo at lola o yung tinatawag ko na bunso, kaysa makipagbolohan sa mga kaedad ko. (Hindi yata ako PBB Teens..? ^_^). Mas gusto ko silang pinapangiti at pinapatawa, para ang laking fulfillment kapag nagawa ko yun.

Takot ako sa gagamba, at hindi ko masyadong gusto ang pagsakay sa MRT/LRT lalo na at rush hours. Arachnophobic at  claustrophobic akong tao, pakiramdam ko, kinukulang ako ng hininga kapag may gagamba o nasa sobrang sikip na lugar ako. (buti hindi pa ko hinihimatay, kakahiya siguro, kalaki kong tao para magfaint? ^_^).

Panghuli, isang malaking salamat siguro (kung puwede ko lang kayong i-hug isa-isa, gagawin ko) sa lahat ng nagbabasa ng gawa ko. Tuwing nagsusulat ako, iniisip ko lang na sana may magbasa ng sinulat ko, laking tuwa ko na kapag may naglike nito, at tinatanaw kong pabor kapag na-i-share pa nila ito sa wall nila. Sana ngayon,  alam na nila na sobrang thankful ako para sa bawat read, like at share na ginawa nila. Wala namang kinikita ang bloggers sa paggawa ng mga istorya, pero sa bawat ngiti na naibigay ng mga comments nila, doon pa lang, bawi na yung effort ng blogger.

Q > Ano ang una mong karanasan sa pagsusulat?

Sa school paper, dito ako nagsimula. Ang totoo, wala akong tiwala sa sarili ko noon, hindi buo sa loob. Kaya madalas, sa notebook na lang ako nagsusulat, tinatago ko at hindi pinapabasa sa iba. (Yun ang dahilan kung bakit “mga-sulat-kamay” ang pen name ko, kasi karamihan ng blog ko, nasa lumang notebook lang at isinulat gamit ang lapis, nahihiya kasi talaga ako dati na ipabasa yun sa iba).

 Q > Gaano katagal ka nang nagbabahagi ng blog? Ano ang nagtulak sa iyo upang magblog?

Una kong narinig ang blog noong 2007, pero 2008 nang magsimula ako. Requirement kasi sa Masteral Class ko na bumuo kami ng isang blog, kaya gumawa ako (hyperserotonin.blogspot.com). Noong una, puro nursing-related lang ang posts ko, pero nang nagtagal, pinalawak ko po yung scope at area ng blogs ko.

Q >  Tungkol sa anu-anong paksa  ang kalimitan mong isinusulat?  Saang paksa o kategorya ka pinakakomportable at bakit?

Ang totoo, nagsimula ako na puro experience lang, o kaya mga inspirational at comical articles ang isinusulat. Pinakacomfortable akong magsulat ng inspirational stories, mas matagal kasi ang naging training ko dito sa pagsulat para sa teatro. Pero nang magtagal, pinuwersa, este pinili kong palawigin pa ang kakayahan ko, kaya nagsulat ako ng love stories (A Story of Love, Palpitated Love), sci-fi/horror (Mga Pulang Mata) at paminsan-minsan na rant (May Bagong Sex Scandal)

Q > Sino ang mga taong nagkaroon ng impluwensya sa iyo sa paraan mo ng pagsusulat? 

Hindi ko alam kung direkta silang nakaimpluwensya sa pagsusulat ko o sa mismong pagkatao ko, pero hindi ko maitatanggi na sobrang hanga ako kila J.K. Rowling, Stephen King, Bob Ong, Lourd de Veyra, Nicholas Sparks at Sensei  Ichiro Oda (manga artist ng One Piece). Ngayon, nagsisimula ko na ring magustuhan ang mga gawa ni Eros Athalia.

Q > May sinusundan ka bang routine sa pagsusulat? May nagpapalakas ba ng pagnanais mo na magsulat? Pangyayari, bagay o tao?

Depende sa isusulat, kung hango sa karansan o sa pananaw ko, dire-diretso lang ako. Kung  tipo namanng informative, kahit paano nagbabasa-basa ako para hindi bitin ang laman ng blogs ko. Karaniwang inaabot ng 3 hanggang 5 oras bago ako makatapos ng isang blog, hiwalay pa ang oras para sa proof-reading (hays, madami kasi ako laging typo-errors).

Kung mayroon man nagpapalakas ng pakiramdam o urge kong magsulat, yun ay ulan. Ewan ko kung bakit, basta sa ulan ako nakakakita ng inspirasyon na tumipa ng letra at bumuo ng komposisyon, habang musika naman ang wari betsin na magpapasarap sa niluluto kong kwento.

Q > Anong klaseng mambabasa ang pinakagusto mo?

Siyempre, lahat naman siguro ng blogger gusto ang mangbabasa na “appreciative” sa nabasa nila. Yung mga tipo na kayang magbigay ng komento na swak sa blog mo. Hindi naman papuri ang hinihingi ko, sapat nang mabasa ko na may napulot sila kahit paano. O kaya ay kung lihis man sa paniniwala ang nabasa nila, yung magpapaliwanag nang mahinahon at hindi pamemersonal ang gagawin. (pero mas ayaw ko talaga yung grabber, na mang-aangkin ng hindi sa kanila, tapos sila pa ang may ganang mangbintang sa iba na inagaw daw ang gawa nila).

Q > Ano ang pinakamasakit na komentong natanggap mo mula sa  mambabasa?

“Wala ka bang originality, nanggagaya ka lang ng blog ng iba” o yung “Lahat naman ng sinulat mo, ginaya mo lang.” Sabi nga nila, huwag na lang papansinin yung komento, pero minsan din may hindi magandang pakiramdam yun sa blogger na nag-iisip ng ginagawa niya.

 Q > Maaari ka bang magbigay ng ilang artikulo o blogs ng kapwa mo blogger na nagustuhan mo?

Napakadami kong nabasa na maganda sa DF. Ang totoo, minsan nakalilimutan ko nang magsulat sa kababasa sa kanila. Kumpleto kasi ang DF, mula sa buhay, pag-ibig, kalusugan at tamang tawa lang ay nandoon na. At sobrang nakabibilib ang mga bloggers sa likod ng bawat kuwento.

Q > Sa mga blogs o artikulong naisulat mo, alin dito ang maituturing mong top 5?

Ahm, mahal ko lahat ng blogs ko, tulad ng mahal ko ang bawat parte ng katawan ko, pero hindi siguro maiwasan na magkaroon ng paborito.

  • Yakap Kay Mamaito kasi ang unang ginawa ko na na-ipublished at tinanggap ng tao (sa filipinonurses.org muna tapos sa DF)
  • Love A Male Nurse – dahilan kung bakit? Eh kasi bida kaming mga lalaking nurse dito. ^_^
  • Minatamis na Ampalaya – nagulat kasi ako na sobrang dami pala nang nakakarelate sa pagiging broken-hearted at pag-move on.
  • Hayskul Layp – isa sa pinakamasayang parte ng buhay ang high school.
  • Badtrip Naman? –  dahil ako ay isang tao na madalas ding ma-badtrip.
Q > Ano-anong tips ang maaari mong ibigay sa mga mambabasa na nag-iisip na ring lumikha ng mga akda?

Hindi ako propesyunal na manunulat at lalong hindi puwedeng tawagin na magaling.  Marami pa akong pagkakamali at alam na alam ito ng post editors ng DF (maraming salamat sa lahat ng pagtitiyaga, Mj and Ms. Kaye.. Pa-hug po), pero magsulat ka ayon sa kagustuhan mo.

Mahirap kasing magsulat kung wala ka namang “masyadong” alam sa sinusulat mo. Piliin mong mabuti ang topic na palalawigin mo, at pumili ng mga salitang mas mauunawaan ng mas nakararaming mambabasa. Tandaan mo, na ang bawat salita na isusulat mo, ay repleksyon ng pagkatao mo.

Write to express, not to impress. Huwag bilang ng likes, share o reads ang gawin mong batayan para tawagin mo na OK ang ginawa mo. Ang katotohanan na may naliwanagan kahit isang tao na nagbasa ng blog mo, isang tao na mas na-appreciate ang mundo at taong nakapaligid sa kanya, isang taong nagpatawad, isang taong lumuha at napangiti dahil sa blog mo, doon pa lang, sulit na ang pagod mo. ^_^

******

Mga-sulat-kamay can be reached at his official facebook page at  http://www.facebook.com/mgasulatkamay

Also at Definitely Filipino Blog   http://definitelyfilipino.com/blog/author/mga-sulat-kamay/    o sa DFBloggers International  http://www.facebook.com/pages/DF-Bloggers-Intl/154382021361099


10 Comments

  1. Ako ay isang masugid na taga basa ng inyong mga blogs. Masyado akong nawiwili sa mga nababasa ko. Di lang masasabing pampalipas ng oras kung di para may matutunan din, tulad ngayon. Nang makita ko na ikaw ang blogger of the week, di muna ako naging Tipaklong Reader, I read every word pati na yung mga comment nila, nakaka enjoy… Really looking forward for the continuation ng Mga Pulang Mata… Goodluck!

  2. Ako iyong ‘TIPAKLONG” na blog reader kung e-describe sa “Anong klaseng Blog Reader Ka?” Pero, itong kay MSK ang word-by-word ko talagang binasa. Tama ang hinala ko na sa likod ng mga blogs niya na nababasa ko, nasasalamin ko ang isang napakabuting tao. Noong nabuo ang DF Bloggers Int’l, kung saan nabuo din kami bilang isang family, kung saan ang nanay ay si mommy joyce (wala pa po kaming tatay sa family lahat kasi mga bata pa ang aming mga boys hehe….kaya naghahanap kami ng tatay :)) ..) Doon, unti-unti naming nakilala ang isa’t-isa. Kumpleto kami sa DF Bloggers, mayroon mga kanya-kanyang character at individualism na sobrang nakakaaliw. Hindi ko akalain na ang 3 guys na una kong nakilala sa DF Bloggers family ay mga bata pa, kapag binasa mo kasi ang mga blogs nila, akalain mo na mga nasa 30’s na sila, iyon pala mga bata pa nasa 20’s lang hehehe. Si MSK o Mga Sulat-Kamay ay isa sa kanilang tatlo ang unang nakagaanan ko ng loob. Tulad ni sis monette halungkat blues din ako nag ala NBI ako hehehe. Napaka cool niyang tayo, matured mag-isip etc., basta, para sa akin isa siyang responsible husband to be sa babaeng mapalad na kanyang mapupusuan….(ang magpa -iyak sa kanya, ibabaon namin ng buhay hahaha…joke lang)

    Isang lalaking may mabuting kalooban, mabuting anak at kapatid, magalang, cool, isang nurse na kaya kang alagaan kapag mayroon kang sakit, magaling sa kusina, organize na tao sa loob ng bahay, at am sure pati sa buhay niya. Isa din siyang mayroong matatag na pananalig sa maylikha, may pagka kenkoy sa kabila ng katahimikan niya, at hindi siya childish, minsan kasi ang sobrang pagkamalambing ay akala ng iba childish ang mga taong ganito. Girls, a sort of tips, kapag mayroong nanligaw sa inyo na tulad ng pagka-describe ko, sigurado magiging happy kayo pati na rin sa pagbuo ninyo ng pamilya. Proven and tested na po iyang kasabihang iyan “mabait sa magulang, kapatid at mga taong nakapaligid sa kanya at marunong sa kusina, bahay at buhay” sigurado ang isang responsableng asawa”…….

    At kapag nakakita na kayo ng ganitong lalaki ……PIKUTIN NYO NA! Hahaha…joke lang…..Mahalin mo rin nang taos puso, huwag sasaktan ang damdamin at alagaan.

    • …kung may kamukha nga daw ako magblog sa DF sa paramihan ng words, si Ate Dhors yun. Mahilig kasi kami sa siksik, liglig at umaapaw na explanation. ^_^ Salamat po sa lahat ng mabuting salita na nakaukol para sa akin, (sana may maniwala kahit pano? hahaha). Masyado pong mabigat ang mga salita para sa simpleng-may-amag-na-tao na gaya ko. Ngunit, subalit, datapwat, on the other hand, consequently, despite and perhaps… (hays.. naubusan ako ah) maraming salamat po! ^_^

  3. siya ang anak anakan ko sa DF, kung pwede nga lang anatayin ni RN Blogger ang dalaga ko, kasi siya ang gusto kong maging manugang LOL.. BAKIT? sa bawat akda n’ya makikita kung anong klase tao s’ya, di ko pa man siya nakikilala sa DFBI, lubos na ang aking paghanga sa kanya.. the way he think sa age n’yang 24 0r 25? lol… very informative,enlightening,expressive,at mysterious ang dating sa akin ng blog ni MSK. Nak malayo ang mararating mo.. nakikita ko ‘yon sa bolang kristal ni Jelo.. totoo! ingat ka sa panibagong journey mo! God Bless you! Happy Birthday na rin nak!

    • …namiss kita Inay! ^_^ Totoo na bagong pamilya ang muli kong natagpuan sa DF, at paulit-ulit kong sasabihin na blessing ang pagkakakilala ko sa bawat isang blogger… pagkakilala ko sa’yo Inay. Ikaw ang nagpakita sa akin ng mga bagay na dapat ay laging isinasabuhay.. pagtulong sa kapwa sa kahit gaanong kaliit na paraan… salamat po! Sana ok lagi yung foster brother ko.. (Si Jelo.. ^_^)

  4. Dahil ayaw niyang tawagin siya na MAGALING, isa siya sa mga taong “kahanga-hanga.” Sa edad nya kasing beinte-kwatro, marami at ang layo na ng kanyang narating. Lalo pa ‘pag makarating na siya sa bansang pupuntahan niya, mas malaaaayoooo na naman. Ang mga tulad niya ang dapat tuluran ng mga kabataan ngayon.

    “Huwag bilang ng likes, share o reads ang gawin mong batayan para tawagin mo na OK ang ginawa mo. Ang katotohanan na may naliwanagan kahit isang tao na nagbasa ng blog mo, isang tao na mas na-appreciate ang mundo at taong nakapaligid sa kanya, isang taong nagpatawad, isang taong lumuha at napangiti dahil sa blog mo, doon pa lang, sulit na ang pagod mo. ^_^” -> well said tol, sang-ayon ako sa’yo dito.

    Pero wait lang, di ba nag-birthday ka na? di ba dapat 25 ka na rin? O.O (andaya! ^_______^)

    • Kuya! ^_^ Biro lang tol.

      Hahaha, sinabi ko naman sa’yo ang misteryo sa edad ko hindi ba? At matagal ko na ding nagawa ito, (ang totoo, 16 pa lang ako.. PBB Teens? hehehe)

      Pero ngayon, seryoso ako, salamat ha. Hindi ko naisip na ganito pala ka-uplifting ang pakiramdam na mabigyan ng atensyon. Sanay naman ako sa sulok, tahimik na magmasid, sabi ko nga, may magbasa lang ng gawa ko, ok na ko, pero ang mapuri ng mga taong walang kapalstikan kong sasabihin na magaling, sobrang heaven sa pakiramdam,. (parang nakadrugs lang? ^_^).

      Isa sa pinakaunang sumalubong sa akin sa DFBI, una pa lang, alam ko na, na mabait kang tao, dahil mahal mo ang magulang mo, mahal mo ang pamilya mo, may respeto ka sa ibang tao Ayaw kong magbolohan tayo dito, pero siguro, isa siya sa masasabi ko na totoong tao.. Salamat tol!

  5. OO, hinanap ko siya sa totoo niyang pagkatao. Akala ko noon suplado siya kasi madalas siya nauunang magpaalam pag kausap ko siya (parang ayaw niya akong kausap? hehe) Pero lumipas ang panahon, napatunayan kong hindi naman pala. Napaka sweet, magalang at kuwelang male nurse, idagdag na ang bolero kasi hot momma tawag niya sa akin. Lolz! Nung magsimula akong maging reader sa Df, kanyang mga akda ang una kong binasa, hinalukay ko talaga yung more post niya. Favorite ko yung Minatamis na Ampalaya. Relate to the max ako dun. But what I admired most is his ability to write about anything and he pulls it off everytime. Well versed, articulate, profound. Yan si MSK, idagdag na (at aminado naman siya…hehehe) ang verbose. Lolz ulit! Yun daw pagiging tahimik niya sa personal eh sa pagsusulat nailalabas.( Pero pag ka chat ko naman parang blog din?) Hahaha! Peace, MSK! Ang magaling na RN Blogger! Yabyu, RObz! ^___^

    • …ang pinakaunang naghanap sa totoong tao sa likod ni MSK.. (naku replay lang naman yata sasabihin ko? hehehe) Paulit-ulit ko na sasabihin na blessing ang pagkakakilala ko sa DFBI family, lalo sa’yo Ate ko.. Siya po ang may kasalanan kung bakit dati tahimik lang ako, ngayon, konting tahimik na lang.. (hehehe bad influence?)

      Pero seryoso, tinuruan niya ako ng totoong kahulugan ng katatagan, pagtitiwala at pagiging malakas. Hindi kailangan ng malapit na pisikal na distansya para magkaroon ka ng epekto sa iba, marahil, yun ang dahilan kaya pinipili kong magsulat, at si Ate Net, pinaramdam niya sa akin yun. Salamat Ate, ^_^.. Uulitin ko, kahit ilang beses pa na replay to.. Ayabyu! ^_^

Leave a Reply

Your email address will not be published.