Destinasyon

Sa mga umpukan at mga usap-usapan at kapag pinag-uusapan ang politikat ekonomiya ng bansa hindi maiwasan ang paghahambing sa mga nagdaang liderato o administrasyon, palagi nakatutok ang karamihan sa atin lalo sa ating mahal na bansa sa ating Presidente o pinuno ng bansa. Ngunit nasa kamay o kakayahan nga ba ng liderato o presidente ang kinabukasan at kaunlaran ng isang bansa?

Ang lider ng isang bansa gaya ng presidente ay maihahalintulad sa Kapitan ng barko at ang mga opisyal ng pamahalaan ay gaya sa mga tripulante ng barko. Ngayon ang sitwasyon at problema ay ganito: ang mahalaga talaga dito sa barko at sa pamahalaan ay ang destinasyon nito; saan ba tayo patungo, gaano kalayo, matibay at kaya ba ng barko o sasakyan (pamahalaan) natin na marating ito, ano ang mga kailangan upang matupad at marating ito. Ang masaklap ay kung wala tayo malinaw na pupuntahan o destinasyon. Ang kagandahan sa barko, wala naman ata umaalis sa pantalan na walang malinaw na destinasyon.

Ngunit, ang gobyerno ng isang bansa at isa na dito ang Pilipinas ay walang malinaw na destinasyon kung kayat wala siya magandang nararating,  kayat maski sinong maging lider o Kapitan kumbaga sa barko hindi gaano mahalaga– ang pinakamahalaga ay kung saan tayo patungo, yun ang kailangan alamin at linawin.

Sa isang gobyerno (bansa) dalawa lang na destinasyon ang dapat na tunguhin : una, ang papunta sa pagiging mahinang bansa, pangalawa, ang papunta sa pagiging makapangyarihang bansa; marahil mali din na sabihin na ang Pilipinas walang tinutumbok na destinasyon,dahil mayroon din naman– iyon nga lang, tinatahak natin palagi ang papunta sa pagiging mahinang bansa. At ang mga ‘characteristic ng mahinang bansa–‘poor & no tech industry,’ unabated corruption, kahirapan ng nakararami, laganap na mga krimen, kaguluhan, atpb., kayat maski sinong lider, kapitan,tripulante man kumbaga sa barko, ay hindi rin magbabago dahil nakasalalay nga ito sa ating destinasyon na tinutumbok. Ilang beses man magpalit-palit ng mga lider at opisyal sadyang ganun parin dahil ganun din naman ang tahak nating landas. Walang pinag-iba yan sa tao, kung ano ang gusto mo yun ang mararating mo. Kaya naman babalik at lilingon tayo doon sa masidhing hangarin, may kasabihan sa ‘english’– the absence of desire is inaction; hindi tayo kikilos kung wala tayo paghahangad. And we think and grow towards the attainment of our desires (GOALS).

kaya nga ihinahalintulad natin sa barko at pupuntahan o destinasyon ang kalakaran ng gobyerno sa isang bansa, kumbaga ang nangyayari binabago lang ang mga pangalan–halimbawa dati Ministry of Health; gagawin papalitan gawing Department of Health, ganun lang ang nangyayari parang nagpalit lang ng kasuotan o damit. Ang punto natin dito, ang kailangan baguhin ay ang destinasyon.

Seabourn-Quest-–-the-Newest-Luxury-Cruise-Ship-in-the-World-2

1 Comment

Leave a Reply

Your email address will not be published.