Desperasyon

11/11/2013 7:58:25 PM
www.rappler.com

Hindi ako sociologist, pero naniniwala ako na ang alinmang kilos ng tao, ke mabuti man o masama ang dulot, ay may hamak na “dahilan,” tulad na lamang ng mga serye ng kilos na nagaganap sa aftermath ng bagyong Yolanda.

Desperate calls for desperate measures, ‘ika nga. At kung may nakawan ngang nagaganap sa mga pangunahing establisyamento sa nasirang lungsod ng tacloban, at saan mang lugar na sinalanta ng bagyong Yolanda (o Haiyan), hindi na ito kataka-taka.

Bakit nga ba nauuso ang mga ganitong bagay? Alam ko, kahit mali ito (at sa totoo lang, e hindi naman natin tino-tolerate ang mga ganitong bagay dapat in the first place eh), may dahilan kung bakit.

Una, nauubos na ang mga bagay na maaari nilang gamitin: pagkain, tubig, at kung ano pang material bagay na magsisilbing pangunahing pangangailangan ng tao. At kung wala ka namang disenteng mapagkukunan nito (lalo na’t sa malamang, wala ka ring trabaho sa mga susunod na araw o linggo)… ano pa ba ang magagawa mo?

Kung walang dumarating na relief goods, lalo na’t hino-hoard pa nga ang ilan d’yan. O baka naman dinadaan sa palakasan ng ilang mga nabiktima? ‘Yung mga may kakilala ba, sila –sila lang ang nabibigyan? Alam ko, ‘di patas ‘no?

PLEASE READ AND SHARE! I AM SHARING THIS TO RAPPLER AND OTHER NEWS AGENCIES FOR THEM TO KNOW WHAT IS REALLY GOING ON IN LEYTE RIGHT NOW.

Finally heard from a friend who left for Tacloban Saturday morning (through the help of her family’s friends in the military) to look for her family members in the towns of Palo and Tanauan whom she hasn’t heard from since Thursday night prior to supertyphoon Yolanda’s landfall. Below are her exact messages to me.

“My family is safe. Nasa isang spot lang ako where may signal and we have to walk half day para lang mkapunta dito. Not enough food, water, gas. Wasak din bahay namin pero na kina tita ka…”

(Mula sa Facebook post ni Elise Aguilar. https://www.facebook.com/elise.aguilar/posts/10202498419530093)

Eh kung totoo man ang post na ito, aba, may malaki tayong problema…

Author: slickmaster | (c) 2013 september twenty-eight productions

Be the first to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published.