Deep Inside (Chapter V)

badz

“Kuya…” humihikbi pa rin siya. Maya-maya nakalma na rin niya ang sarili niya. Gayon din ako.

“Alam ba ni Mama na nakita mo tong result?” tanong ko sa kanya. Merong Cardiomyopathy si Mama. Ang daming tao sa mundo. Ang daming mga walang kwentang tao sa mundo, pero bakit si Mama pa? Bakit si Mama pa?

“Hindi. Pinuntahan ko yung hospital. And the doctor told me…” hindi niya masabi.

“What?” kalmado kong sabi. Pinapakalma ko pa rin ang aking sarili. Napapagod na rin ako.

“Anytime, pwedeng mawala si Mama,” nasabi niya rin.

Sa tono ng boses niya, ‘yun na siguro ang pinakamalungkot na balitang naibalita niya sa akin na kahit siya, kahit siya, hirap sabihin.

“F**king life,” inis kong sabi. Yumuko si Tanya. Ilang segundo, nagsalita rin siya.

“Kuya, we have to do something.”

Naalala ko na ‘yan din ang sinabi niya kanina. Tiningnan ko lang siya. Tingin na nagsasabing ituloy mo ang sinasabi mo.

“Mama really loved Matvil…”

“Yeah. I know.”

“She said she wanted to be happy until her last breath…”

“Hindi siya mamamatay, Tanya. Hindi!”

“We need to make her the happiest woman on earth…”

Napatahimik ako. Tama ba ang iniisip ko, Tanya? Gusto niya bang magkabalikan si Matvil Lorenzol at ang aming inang si Analie? Si Matvil Lorenzol na rin ang nagsabing, this family is not a family anymore.

“Anong balak mo, Tanya? Wag mong sabihi-”

“Kailangan nilang magkabalikan ni Matvil Lorenzol, ng ating ama.”

“Are you crazy, Tanya? What made you think na mangyayari ‘yun?”

“I’m desperate,” pagkasabi niya noon, bumuntong hininga siya.

“Kuya, naisip ko lang nama-”

“Never,” pagkasabi ko nun ay tumalikod na ako. Hindi na sila magkakabalikan. Imposible.

“AYAW MO BANG SUMAYA SI MAMA?!” napahinto ako sa paglalakad. Sumigaw si Tanya. Galit na din siya. Ayokong pati sa akin ay magalit si Tanya. Humarap ako at nakita ko siyang umiiyak na naman.

“Tanya. I’m sorry”

“Kuya, I just want mom to be happy. Ngayong anytime pwede siyang… pwede siyang mawala sa atin”

Napaisip ako. Gusto ni Tanya na maging masaya si Mama. Gusto ko ding maging masaya si Mama. Pero paano?Manlilimos siya ng pag-ibig kay Matvil Lorenzol? Parang ako lang din dati, nanlimos ng kahit katiting na pag-ibig sa ama kong si Matvil Lorenzol.

“Ah? Papa?” tawag ko kay Papa. Nakaupo siya sa kanyang upuan. Nandito ako ngayon sa opisina niya. Ang laki ng opisina niya at mukhang lahat ng gamit ay mamahalin. Dinalaw ko si Papa kasi gusto kong ipakita yung test paper ko, perfect score ko na naman ngayong last grading. Gusto ko ring sabihing ako ang valedictorian sa graduation namin, ilang araw mula ngayon. May pinipirmahan siyang papeles.

Sa pagtataka ko, lumapit ako sa kanya. Tiningnan niya lang ako, tingin na nagsasabing, “maupo ka lang at ‘wag kang makulit.”

“Pa?” tawag kong muli sa kanya.

“Wala pa ba si Tanya?” tanong niya sa akin. Si Tanya? Tanong ko sa sarili ko.

“Mamaya pa po ang uwian nila.”

“Sana inantay mo na si Tanya.” At tumingin siya muli sa akin. Tumahimik lang ako at hindi na nagsalita. Si Tanya ay dideretso rin naman dito at makikita niya rin. Alam ko namang mas gusto niyang makita at makasama si Tanya. Pero wala akong hinanakit kay Tanya. Minsan lang bilang tao, masasaktan ka rin talaga gaano mo man intindihin ang sitwasyon.

“Pa?” muli kong tawag sa kanya.

“O?” walang gana niyang sagot. Ni hindi siya tumingin sa akin.

“Valedictorian po ako,” pagkasabi ko nito, ngumiti ako nang malapad sa kanya. Inantay ko kung anong magiging reaksiyon ng mukha niya

“Ang tagal ni Tanya ah?” sabi niya at tumingin muli sa akin. Kung sa mga salitang bibigkasin niya ay naroon ang pangalang Tanya, doon lamang siya titingin sa akin. Inintindi ko na lang siya.

“Oo nga po eh” matatag kong sagot. Nasasaktan ako pero iintindihin ko na lang siya. Nakaupo pa rin ako. Natuon ang aking mga tingin sa sapatos ko. Ito yung sapatos na bili sa akin ni Mama nung naperfect ko yung nakaraang pagsusulit namin.

“Pa?” muli kong sinubukang tawagin siya.

“Ano?” ngayon naman ay nagsusulat siya. Hindi ko alam kung ano ang sinusulat niya. Sinubukan ko muli magsalita.

“Pa, magkano po ang sahod mo kada isang oras?” sa pagkakasabi kong ito, tumingin ako sa kanya. Sa unang pagkakataon ngayong araw, tumingin siya akin, hindi dahil sa pangalang Tanya, kundi dahil sa tanong ko. Sa akin mismo.

“Ang Mama mo nga hindi nagtatanong sa akin kung magkano ang sinasahod ko kada oras, ikaw pa kayang anak ko lang?” may tono niyang sabi. Mukhang nainis siya sa tanong ko. Gusto ko lang namang malaman. Pero hindi bale na. Tumahimik akong muli at hindi ko na sinubukan pang magsalita.

Katahimikan ang bumalot sa lugar na iyon. Nakayuko lamang ako, nakatingin muli sa sapatos. Ano kayang sunod na ibibigay sa akin ni Mama kapag nakaperfect score na naman ako? Tanong ko sa sarili ko.

Hindi ko alam na nakatingin pala sa akin ang aking ama. Nagtataka pa rin siya kung bakit siya tinatanong ng ganoon ng anak niya.

“500,” narinig kong sabi niya. 500? Anong 500?

“500 pesos ang sinasahod ko kada oras” sabay tingin sa akin na nagtataka pa rin.

Pwede mo po ba akong pautangin ng 200 pa?” nakikiusap kong sabi sa kanya. Napakunot na lamang ang noo niya. Napakunot man siya, kumuha pa rin siya ng 200 pesos sa kanyang pitaka.

“o” sabay lagay ng pera sa lamesa niya. Hinihintay niyang kunin ko ito. Napangiti ako ng sobrang lawak. Lumapit ako at kinuha ang 200 pesos sa mesa niya. May kinuha ako sa bulsa ko.

200 pesos. Pa, eto pa po ang 300 pesos, ipon ko po yan. Puwede ko po bang bilhin ang isang oras mo? Gusto ko po kasi kayong makausap at makasama kahit isang oras lang,” nakangiti kong sabi sa kanya. Nakatitig din ako sa mga mata niya. Umaasang pagbibigyan niya ang isang batang nagnanasang makasama ang kanyang ama.

“My Tanya, nandiyan ka na pala” sabi niya.

Sa mata niya, nakita ko si Tanya. Lumapit siya kay Tanya at hinalikan ito sa pisngi. Ibinalik ko sa aking bulsa ang mga pera. Nadurog na yata ang puso ko. Nabigo ba ako? Isang oras lang naman ang hinihingi ko. Mukhang binigo niya pa rin ako. At mukhang habang buhay niya na akong bibiguin.

“A penny for your thoughts,” narinig kong sabi ni Tanya. Natauhan ako.

“Sige, payag na ako. May plano ka na ba?” tanong ko sa kanya.

“Meron na.”

“Tingin ko, soon, mom will sign the contract,” sabi ko sa kanya.

“I know. Kaya nga kailangan na nating magmadali.”

“Tell me what’s on your mind, Tanya.”

“Kailangan nating kausapin si Matvil Lorenzol,” matapang niyang sabi.

Pumunta kami sa kwarto ni Matvil Lorenzol. Kumatok si Tanya at agad naman kaming pinagbuksan.

“Tanya,” sabi niya nang si Tanya agad ang bumungad sa kanya. Hahalikan niya sana ito sa pisngi nang iharang ni Tanya ang kanyang palad. Hindi siya nagtagumpay. Naunang pumasok si Tanya, sumunod lang ako sa kanya.

“Why?” nagtatakang tanong ni Matvil Lorenzol kay Tanya. Nagtataka siya kung bakit kami nasa loob ng kwarto niya.

“Give my mom 1 month,” seryosoong sabi niya. Hindi ako nagsasalita. Sabi ni Tanya, basta kasama niya lang daw ako, magiging matatag siyang harapin si Matvil Lorenzol. Ako din, Tanya, ikaw at ang ating inang si Analie.

“What do you want me to do?”

“1 month para kay Mama pagkatapos nun, you’re free. Malaya ka nang makiapid,” seryoso niyang sabi.

Natahimik si Matvil Lorenzol. Tiningnan ko si Tanya. Seryoso lamang ang mukha niya. Alam kong ano mang oras, iiyak siya.

“Tanya. I’m sorry I di-”

“You’re sorry? Whatever,” inis niyang sabi.

“Paulit-ulit ka.Para kang sirang plaka. Tapos na, nangyari na, ‘di ba? you know what? I really really hate you.”

Pagkasabi ni Tanya ng mga salitang iyon, tumulo na ang mga luha niya.

(itutuloy)

About Badzilla

Isang naghahangad na makalaya at tuluyan ng makapaglingkod sa Kanya. Isa ring naliligaw at tanging pagsulat lamang kasiyahan at kakayahan.