Deep Inside (Chapter IV)

badz

 

Ilang araw matapos malaman ng aming ina ang pagtataksil ni Matvil Lorenzol, nag-iba na ang lahat. Hindi alam ng aming ina na nakita namin ni Tanya ang ginawang pagtataksil ni Matvil Lorenzol. Inilihim lang namin iyon. Nakikinig pa rin kami sa usapan nila. Hinawakan ko ang kamay ni Tanya. Nanginginig ito.

“Everything will be okay soon” at pagkasabi ko nito sa kanya, ngumiti ako.

“W-what?” narinig kong pabulol na sabi ng aking ina.

“Let’s divorce, Analie” matapang na sabi ni Matvil Lorenzol. Nakatingin siya nang deretso sa mga mata ng aking ina.

“I love you, Matvil” sabi ng aking ina. Lumapit siya kay Matvil Lorenzol at niyakap niya ito.

“I’m sorry. I don’t love you anymore”

Napabitaw siya sa pagkakayakap kay Matvil Lorenzol. Ilang beses na bang nadurog ang puso niya? Ilang beses na ba? Pero tila mas matimbang pa rin ang pagmamahal ng aking ina.

“Yan ba ang gusto mo?” umiiyak niyang sabi.

Hindi ko na kaya. Bago pa magsalitang muli si Matvil Lorenzol ay pumasok na ako. Nakasunod lang sa akin si Tanya. Umiiyak rin siya.

Puro luha na lamang ang nakikita ko sa mga mahal kong ito. Hanggang kailan sila maghihinagpis?

“Ma,” sabi ko sa aking ina. May awtoridad kong sabi kay Mama. “Wag ka nang magsalita, Mama pakiusap.”

Tumingin si Mama sa akin. Pulang-pula ang mga mata niya. Ano na namang ginawa mo, Matvil Lorenzol? Sumosobra ka na.

“Tama na.. Please” narinig kong sabi ni Tanya kay Matvil Lorenzol. Yumuko lamang siya.

“I’m sorry,” malungkot niyang sabi. Pagkatapos niyang sabihin ang mga salitang iyon, lumabas na siya.

Tumingin ako kay Mama. Nakatulala lamang siya. Lumapit si Tanya sa aming ina.

“Divorce” narinig kong sabi ni Mama. “He wants divorce”.

“HE WANTS DIVORCE!” at muling pumatak ang kanyang mga luha. Puwede bang hindi na lamang ako tumingin kay Tanya at sa aking inang si Analie? Nasasaktan ako nang lubusan sa tuwing nakikita silang umiiyak.

Niyakap ko ang dalawang babaeng pinakamamahal ko.

“Mama, kaya naman natin nang wala siya, ‘di ba?” nakatingin kong sabi sa aming ina. Binigyan niya lang ako ng malungkot na ngiti. Nasaktan ka na, hindi pa ba sapat na layuan mo na lamang ang nanakit sa iyo? Hindi pa ba sapat ang layuan mo na lang si Matvil Lorenzol Ma? Andito pa kami ni Tanya. Andito pa kaming tunay na nagmamahal sa iyo. Gusto ko sanang sabihin ang mga salitang iyon ngunit hindi ko nagawa.

“Ma, we can be happy without him in our life!” sigaw ni Tanya. Naiinis na siya. Nasasaktan na rin siya.

“He wants divorce,” inulit niya lamang ang mga salitang iyon na para bang hindi niya naririnig ang aming mga sinasabi.

“He wants divorce. That’s what he really wanted.”

Tinitigan namin siya ni Tanya.

“bu-t I can’t” pahabol niyang sabi.

Lumipas ang ilang araw at tila ba mas naging miserable ang buhay ng aking ina. Hindi lang siya, pati kami ni Tanya. Nakalulungkot. Papunta ako sa kuwarto ni Mama. Ipinaghanda ko siya ng almusal. Pero nakita ko si Matvil Lorenzol na pumasok sa kwarto ng aming ina. Hindi na ako pumasok, bagkus pinakinggan ko lang sila.

“Analie,” sabi ni Matvil Lorenzol sa aking ina. Hindi siya umimik. Inaantay niya lang kung ano’ng gustong sabihin ni Matvil Lorenzol sa kanya.

“Here’s the paper,” matapang niyang sabi sabay abot ng papel kay Mama.

“Please don’t do this to me…” nagmamakaawa niyang sabi. Lumuhod pa siya at muling bumuhos ang kanyang mga luha. Wala na nga sigurong natitirang dignidad pa sa sarili niya.

“I need to do this,” matapang niya pa ring sabi. Naaawa siya sa kanyang asawa. Awa lang. Pero wala siyang lakas ng loob para punasan ang mga luhang pumapatak sa pisngi ng kanyang asawa. Ng aking inang si Analie.

Nakaluhod pa rin siyang nagmamakaawa kay Matvil Lorenzol. Ano bang iniisip ng aking ina? Kapag pumayag ba si Matvil Lorenzol, maaayos pa rin ba ang pamilyang sira na?

“I just… I just don’t love you no more,” pagkasabi niya nito ay lumabas na siya. Nakita niya akong nasa labas ng pintuan. Matalim ang tingin ko sa kanya. Gusto ko sanang ihampas sa kanya ang mga hawak ko, kaso nagsalita siya.

“This family… is not a family anymore.”

Alam ko. Alam na alam ko. Kahit noong umpisa pa lang naman talaga, sabi ko sa sarili ko.

Pagkasabi niya noon, tuluyan na siyang umalis. Napakawalang kwenta mo, Matvil Lorenzol. Bakit ka pa nabuhay sa mundo? Sana mamatay ka na lang, magiging masaya pa ako.

Nakita ko si Tanya sa loob. Nasa loob pala siya ng kwarto ni Mama, pero hindi siya nagsalita.

“Ma, kain ka na,” sabi ko sa kanya. Ngumiti ako nang bahagya at iniabot sa kanya ang pagkain.

“Kuya,” narinig kong sabi ni Tanya. Nangungusap ang kanyang mga mata at nagsasabing kailangan naming mag-usap. Anong gusto mo, Tanya?

Iniwan namin sandali ang aming ina.

“Why, Tanya?”

“We have to do something.”

“What do you mean?”

Nagtataka ako sa aking kapatid. Anong ibig niyang sabihin? Ano, Tanya?

Nakarating kami sa Music room ni Tanya. Hindi ko pa rin alam kung anong gusto niyang sabihin. Pero sa pagkakataong iyon, pakiramdam ko, masasaktan ako. Masasaktan ako higit pa sa nararamdaman ko ngayon.

“Kuya…” nakatalikod si Tanya nang tawagin niya ako. Kinakabahan ako. Nang humarap siya, umiiyak na siya. Bakit Tanya? Dahil pa rin ba kay Matvil Lorenzol?

“Bakit, Tanya?”

May kinuha siya sa bulsa niya at nanginginig na iniabot sa akin.

“What’s this?”

“Kuya, Ma-ma” at humagulgol muli siya. Ano bang problema? Pinatatag ko ang sarili ko at binuksan ang papel na ibinigay sa ‘kin ni Tanya. Nagulat ako at tumingin kay Tanya. Nakapanghihina. Nakapanglulumo.

“This is not true” sabi ko sa kanya. Ano to? Kelan pa ito? KELAN?!

“Kuya, nakita ko iyan sa damitan ni Mama” umiiyak pa rin siya nang sabihin niya ang mga salitang iyon.

“Kuya, Mama is… mama is…” hindi niya masabi ang dapat niyang sabihin. ‘Wag mong pahirapan ang sarili mo, Tanya. Pakiusap.

“She’s not going to die, Tanya” matigas kong sabi. Tumutulo na rin pala ang mga luha ko. Ano ba namang buhay ‘to? Ang sakit sakit na.

(itutuloy)

About Badzilla

Isang naghahangad na makalaya at tuluyan ng makapaglingkod sa Kanya. Isa ring naliligaw at tanging pagsulat lamang kasiyahan at kakayahan.