Deep inside (Chapter III)

badz-580x363Perfect score na naman ang nakuha ko sa examination namin. At sinabi ng aking adviser na ako daw ang magiging valedictorian. Masaya akong umuwi sa aming mansion. Gusto kong ibalita ito sa aking ina gayundin kay Matvil Lorenzol. Nagbihis na muna ako. At maayos na dinala ang aking marka. Matataas ang mga iyon. Hindi ko kaklase ang kambal kong si Tanya. Nag-aaral siya sa isang all-girls school.

Nagpunta ako sa kusina. Wala ang aking ina. Masaya akong naglakad-lakad.Naghuhumming pa ako. Masaya ako dahil sa magandang balitang dala ko.

Ilang oras ang lumipas. Nagdilim na. Hindi ko nakita ang aking ina. Gayundin si Tanya. Pumunta ako sa aming hardin. Sa aming malaking hardin. Ang hardin na iyon ay punong-puno ng iba’t-ibang uri ng bulaklak. Ako, si Mama at si Tanya ang nag-aalaga ng mga bulaklak doon.

“Dapat kakausapin niyo rin itong mga bulaklak para mas magbloom sila” laging sinasabi ng aking inang si Analie kapag nasa loob kami ng hardin. Nung una kong sinubukang kausapin ang mga bulaklak, natatawa talaga ako.

“Ahh Hi bougainvillea? HAHA how’s your day? haha” sabi ko sa bougainvillea na kausap ko.

“Your funny haha” narinig kong sabi ni Tanya. Tumatawa rin nun si Mama.

“Hindi po ako sanay mama” sabi ko naman kay Mama na tawa parin ng tawa.

“It takes time. Ganyan talaga,” sabi ni Mama nang makalapit sa akin. Nagtinginan si Tanya at Mama at tumawa ulit sila.Natawa na lang din ako.Nagtawanan kaming tatlo. Napaisip ako, kelan ko kaya ulit masisilayan ang mga ngiting iyon?

Nasa loob na ako ng hardin namin. Napansin kong merong mga lantang rosas.

“Anong nangyari sa inyo?” sabi ko sa mga rosas. Isang malaking pagtataka ang nasa isip ko ngayon. Araw-araw naming inaalagaan ang hardin na iyon.

Sa pagtataka ko, nakarinig ako ng isang tawa. Mahinang tawa ng isang babae. Tahimik kong pinakinggan ang tawang iyon. Dahan-dahan akong naglakad. Hindi ako masyadong lumapit. Malayo pa rin ang distansya mula sa ingay na iyon. Hawak ko pa rin ang aking marka.

Unti-unti kong hinawi ang mga dahon na nakaharang at nakita ko kung sino iyun. Kung sino ang mga iyon. Nanlaki ang mga mata ko. Napakuyom ang aking mga palad. Si Matvil Lorenzol, ang aking ama. Si Matvil Lorenzol na kasalukuyang nakikipaghalikan kay Devony Fabian, ang aming katulong. Nabitawan ko ang hawak kong papel. Napaatras ako ng ilang hakbang. Hindi ko na kaya ang mga nakikita ko. Nakakasuka ka, Matvil Lorenzol. Kinasusuklaman kita.

Sa pagkakataong iyon, nakita ko ang aking inang si Analie.

“How dare you! Nakakadiri kayong dalawa! Nakakadiri ka, Matvil! At ikaw, Devony! Demonyo ka!” galit na galit na sabi ng aking ina. Lumapit siya kay Matvil at sinampal ito. Isang malakas na sampal na nararapat lamang sa kanya. Pero para sa akin kulang pa ang mga iyon. Lumapit din siya kay Devony Fabian at dinuruan ito sa kanyang mukha.

“Devony, nakakadiri ka” narinig ko ang iyak ng aking ina. Hindi ko na kaya ang mga nakikita ko. Pinunit ko ang hawak kong marka.

“F**k you, Matvil Lorenzol” sabi ko sa sarili ko.

Tumalikod ako. Lumantad sa aking harapan ang luhaang si Tanya. Nakahawak sa kanyang bibig at nanginginig siya. Umaagos ang kanyang mga luha. Nasaksihan ni Tanya ang lahat? Hindi! Ang aking Tanya. Nasasaktan ang kapatid kong si Tanya. Niyakap ko si Tanya.

“Tahan na, Tanya.”

“Kuya. Hindi to totoo, ‘di ba?” tumingin siya sa akin. Namumula na ang kanyang mga mata sa sobrang iyak. Sa pagtitig ko sa mga mata ni Tanya, isang tanong ang nasa isip ko, bakit kapag nasaktan ka, at kapag umiyak ka na, tila ba hindi nauubos ang mga luha?

“Tanya…”       

“Kuya, I hate him!”

Muli siyang umiyak. Mas humigpit ang yakap ko sa aking kapatid. Ang ina kong si Analie, ang kapatid kong si Tanya. Pare-parehas silang nasasaktan.

(itutuloy)

About Badzilla

Isang naghahangad na makalaya at tuluyan ng makapaglingkod sa Kanya. Isa ring naliligaw at tanging pagsulat lamang kasiyahan at kakayahan.