Debunking Superstitious Beliefs: Ang Kapre at ang Panty

photo credit: http://dailykimchi.com/buzz/top-10-scariest-philippine-mythical-creatures/

Dito sa Pilipinas marami tayong mga mythical creatures such as kapre, mananaggal, tsanak, tikbalang at iba pang nilalang na malamang bunga lamang ng ating imahinasyon.

Sa probinsiya mayroong paniniwala ang mga matatanda na kapag nagsampay ka ng underwear sa labas ng bahay tuwing gabi..kukunin ito ng Kapre at kapag sinuot mo na ito, mabubuntis ka na lang bigla kahit virgin ka pa!

In other words na “rape” ka ng kapre.  That is so gross and creepy!

Noong nasa elementary ako..one of my classmates told me such thing, noong nabuntis daw ang nanay niya, ang itsura ng “kapatid” niya ay parang mga bilog-bilog na mga uod.  Kinuha daw ng kapre ang panty ng nanay niya na nakasampay sa labas ng bahay nila at iyon ang nakabuntis sa kanya.

Siyempre, wala pa akong kamuwang-muwang sa mundo kaya pinaniwalaan ko lahat yun.  But I’ve done it several times, at isa lang ang napatunayan ko...Huwag kang ilusyonada..hindi ka mabubuntis kapag wala kang asawa! haha.  Not unless, of course, if you’ll undergo Artificial Insemination.

Ok, so with regards sa case ng mother ng classmate ko? I’m pretty much confident that it was a condition called H. Mole(Hydatidiform Mole) a rare condition kung saan may abnormal union ang sperm cell at egg cell na sa halip na fetus, GRAPE LIKE CYST (small sacs) ang nabuo.

 It  is a false pregnancy, ang simptomas ay gaya din sa pagbubuntis; yun nga lang, mas exaggerated or mas grabe ang nararamdaman ng babae, gaya ng sobrang pagduduwal, vaginal bleeding, abdominal pain. Isa ring sign ng H. mole ang masyadong malaking tiyan (bigger than the expected gestational age), no fetal heart rate (kasi nga walang fetus na nabuo).

Risk factors that may lead to such condition ay ang age (uder 20 or over 45) and malnutrition. The treatment for this condition includes Dilatation and Curettage or in tagalong Raspa..You should be monitored by the physician because it may lead to Cancer..and you’re only allowed to get pregnant after a year.

 Sa tingin ko, ang “masama” lang sa pagsampay ng underwear sa labas, ay kapag nakatira ka sa isang condominium at kitang-kita ng mga motorista ang red undies mo na binalandra mo sa labas ng unit mo,o kaya baka  makita ito ng kapit bahay mong may pagnanasa sa ‘yo.