Dear Soon To Be Ex-Husband

An Open Letter to my Soon To Be Ex-Husband,

Mahal ko…naalala mo ‘yung umpisa natin? Kung paano tayo nagmahalan? Mga panahon na nangangarap tayo. Ang sarap balikan.

Ngunit ala-ala na lamang lahat.

Anong nangyari?

Mahal na mahal kita…pero bakit ang tigas mo?

Alam ko mahal mo ako pero mas mahal mo ang ego at pride mo. I thought love is powerful enough to set aside pride, hindi pala.

Sa tuwing ako’y lumuluha, ‘di mo man lang magawang ako’y damayan. Sa bigat ng kalooban ko, ‘di mo man lang magawang pagaanin.

Mahal ko, ano ba ang definition ng kabiyak para sa iyo? Akala ko for better or for worse?

Pero iba ang definition sa dictionary mo. Akala ko, ikaw ang kaligayahan ko at kukumpleto sa akin. Pero bakit dinudurog mo ang puso ko. At habang ako’y naghihingalo sa pag-iyak…nandyan ka, nakatitig lang na parang walang nakikitang mga luha…walang hagulhol na naririnig.

‘Yun ang pinakamasakit.

KABIYAK?…asan ka na? Bakit isang kalahating piraso na lang ako dito.

Babae ang asawa mo. Alam mo ba ang ibig sabihin nun? Mahina ang puso ko, ang daling masugatan. Hindi ko naman inaasahan na gagamutin mo eh, pero ‘wag mo na sana buhusan ng asin. Hindi masakit ‘yung asin eh…mas masakit na ikaw pa ang nagdudulot ng dagdag na kirot. Para akong mamamatay sa sakit. Hindi na ako makahinga sa kakahikbi.

UNCONDITIONAL LOVE? HINDI…

Dahil mahal mo lang ako kapag okay ako. Kapag nasasaktan, sinasabi mo palagi na gawa gawa ko lang ang problema ko. Sino ba ang gustong may sugat ang puso? Sino ba ang gustong umiiyak araw-gabi nang ilang araw? Sino ba ang gustong walang tigil ang patak ng luha kahit pagod na pagod na ang mga mata? Sorry for being weak.

SORRY.

Kasi sensitive ako…

Kasi I cry a lot…

Kasi mabilis akong masaktan…

Kasi mahal na mahal kita…

Kasi ikaw ang happiness ko…

Kasi umiikot sa ‘yo ang mundo ko…

I’M SO SORRY for loving you this much.

I’M SORRY din kasi pagod na pagod na ang puso ko…mamamatay na ito kung hindi ko ilalayo sa ‘yo.

Sorry I need to love myself more this time.

Matibay ka naman, at hindi ka mag-iisa…nandyan ang EGO mo para samahan ka.

Your Soon To Be Ex-wife

About EllaLidao

Simple woman who loves to express her feelings through her pen.