Dear Senator Nancy Binay (An Open Letter)

Source: www.philstar.com

Dear Senator Nancy Binay,

Una sa lahat ay nais kong sabihin na ayaw naman talaga kitang gawan ng bukas na liham dahil ayokong ma-bash ka ng mga netizens.

Alam naman natin kung gaano kapilyo, kasutil at kagaling gumawa ng memes at iba’t ibang kalokohan ang mga Pilipino. Kasama na nga yata ang ganyang klaseng joke sa Pinoy humor.

Idagdag pa natin na noong nakaraang eleksiyon hanggang noong SONA ay ikaw ang maaring itanghal na Pambangsang Meme ng Pilipinas. Maniwala ka sa akin, ayaw ko na bina-bash ka at inaatake ang personal mong buhay lalo na ang kulay mo; para sa akin kasi ay nababawasan ang kredibilidad mo at hindi ka na pakikinggan ng mga tao dahil nauuna silang insultuhin ka kaysa pakinggan ang iyong panukala. Ngunit wala naman akong magagawa at wala akong kontrol sa mga reaksiyon at maaaring gawin o sabihin ng mga tao.

Sa totoo lang, hindi mo pa ako napapabilib mula noong nahalal ka na Senator. Bilang kabilang ka sa top 10, hindi maiiwasan ng mga nakararami na isipin at paniwalaan na dinala ka ng iyong pangalan. Ano ba naman kasi ang alam ng isang Admin Assistant-turned-Senator diba? Ngunit dahil nahalal ka na, hindi naman masama na buksan ko ang kaisipan ko sa maari mong gawin. Malay natin ang gaya mo at ni Senator Poe ang magbabago sa kalakaran ng politika dahil mga first timers kayo.

At hindi mo nga binigo ang mga Pilipino, unang salang mo pa lang ay may 15 ka ng panukalang batas na naka-line up. Ayos, sana lang ma-defend mo lahat ‘yan nang husto. Sana nga ‘yang mga plano mo ay para sa kabutihan ng mga nakararami at hindi sa kabutihan ng bulsa ng pamilya ninyo.

Ngunit kung uusisain nating mabuti, bakit noong nahalal ka na ay saka ka lang nag-crash course sa UP ng National College of Public Administration and Governance? Dahil ba sa last minute replacement ka? So ang ibig bang sabihin ay pumayag kang maging kandidato nang hindi handa? Hindi ba nakakahiya sa mga tao na ihaharap mo ang sarili mo na hindi handa sa gagampanan mong tungkulin? Di ba dapat tinanggihan mo muna at hinanda ang sarili mo kaysa tanggapin ito nang wala kang alam sa Senado?

Napakarami mo na ding batikos, alegasyon at kontrobersiya na kinakaharap ngayon kahit bagong salta ka pa lang sa Senado. Isa na diyan na ikaw ang tinuturong supplier ng cake ng mga Senior Citizens sa Makati. Wala pa nga namang sapat at matibay na ebidensiya na magpapatunay nito. Ngunit hindi ko maiwasang isipin na totoo lahat ng paratang sa inyo dahil sa ipinanunukala mong batas na payagan ang hospital Arrest.

Sabi mo sa mga interviews mo ay nais mong maaprubahan ito dahil sa humanitarian reasons. Magandang adhikain ‘yan KUNG ‘yun nga talaga ang intensiyon mo. Medyo nag-aalinlangan kasi ako sa bigla mong pagpasa ng ganyang bill dahil sabay halos sa paglabas ng mga eskandalo na kinabibilangan ng pamilya mo. Hindi ko maiwasang isipin na pinaghahandaan mo ang future arrest ng Tatay mo at ng kapatid mo. Mabibigat na issue ng korapsiyon ang kailangang sagutin ng pamilya mo ngayon, at masaklap pa hindi lang isa kundi napakaraming alegasyon at witness ang tumatayo upang patotohanan ang anomalyang kinabibilangan niyo.

Nagtiwala ang buong bansa sa pamilya ninyo lalo na sa tatay mo dahil sa “magandang nagawa niya” sa Makati. Ngunit kung susuriin nating mabuti, kahit hindi tatay mo ang nahalal ay aangat pa rin ang Makati dahil madaming investors. Ngunit pinili nga ng mga tao na pagkatiwalaan siya, maging ikaw na gawing isa sa mga Senador ng bansa. Huwag n’yo sanang sayangin ang tiwalang naibigay sa inyo. Huwag n’yo sanang sayangin ang pagkakataon n’yo na patunayan sa buong bansa na hindi lang korapsiyon ang meron sa gobyerno. At sana lang, Senator, huwag mong ilaban ang House Arrest bill dahil halata naman na ginagawa mo yan para i-secure ang mga kapamilya mo. Para mo na ring pinatutunayan na tama ang alegasyon sa inyo at pinaghahandaan mo na ang selda ng tatay mo. Hindi na ako magugulat kung isang araw ay mag-iinvest ka na rin ng wheelchair at magkakasakit si VP at si Mayor.

Umupo ka sa Senado na napakarami ng paratang, alegasyon at insulto. Sana patunayan mo na mali lahat ng mga panghuhusga sa ‘yo; na hindi naglalarawan sa konsensiya at budhi mo ang kulay ng balat mo. Nakabantay ang mata ng mga Pinoy sa ‘yo, tanda pa nila na hindi ka sumasali sa mga debate noon, nariyan pa rin ang katotohanan na wala ka pang karanasan para mag-assume ng napakataas na posisyon. Lahat ‘yan ay kailangan mong harapin at patunayan sa malinis na paraan. Kailangan mong patunayan na isa kang ehemplo ng good governance at hindi lang dummy, puppet o trapo gaya ng ibang beterano.

PS: Gaya ng slogan mo noong eleksiyon sabi mo ay ikaw ang Nanay sa Senado, sana panindigan mo ‘yan. Huwag kunsintihin ang mali kahit na kapamilya mo pa o malapit na kaibigan. Mas mahalaga pa rin ang tiwala ng mga tao dahil sa kanila ka nagtratrabaho. Sa kanila nakasalalay ang magiging boto mo. Sa kanila nakasalalay ang buwis na nagpapaikot sa mga proyekto mo.

Nancy Binay photo
Photo by daneworksonline

4 Comments

  1. “Your gold and silver is cankered; and the
    rust of them shall be a witness against you, and shall eat your flesh
    as it were fire. Ye have heaped treasure together for the last days.” James 5:3

  2. “You are of your father the devil, and the
    lusts of your father ye will do. He was a murderer from the beginning,
    and abode not in the truth, because there is no truth in him. When he
    speaketh a lie, he speaketh of his own: for he is a liar, and the father
    of it.” John 8:44

  3. Exodus 20:1-21
    Chapter 20
    The Ten Commandments
    And God spoke all these words, saying,
    “I am the Lord your God, who brought you out of the land of Egypt, out of the house of slavery.
    “You shall have no other gods before me.
    “You shall not make for yourself a carved image, or any likeness of anything that is in heaven above, or that is in the earth beneath, or that is in the water under the earth. You shall not bow down to them or serve them, for I the Lord your God am a jealous God, visiting the iniquity of the fathers on the children to the third and the fourth generation of those who hate me, but showing steadfast love to thousands of those who love me and keep my commandments.
    “You shall not take the name of the Lord your God in vain, for the Lord will not hold him guiltless who takes his name in vain.
    “Remember the Sabbath day, to keep it holy. Six days you shall labor, and do all your work, but the seventh day is a Sabbath to the Lord your God. On it you shall not do any work, you, or your son, or your daughter, your male servant, or your female servant, or your livestock, or the sojourner who is within your gates. For in six days the Lord made heaven and earth, the sea, and all that is in them, and rested on the seventh day. Therefore the Lord blessed the Sabbath day and made it holy.
    “Honor your father and your mother, that your days may be long in the land that the Lord your God is giving you.
    “You shall not murder.
    “You shall not commit adultery.
    “You shall not steal.
    “You shall not bear false witness against your neighbor.
    “You shall not covet your neighbor’s house; you shall not covet your neighbor’s wife, or his male servant, or his female servant, or his ox, or his donkey, or anything that is your neighbor’s.”
    Now when all the people saw the thunder and the flashes of lightning and the sound of the trumpet and the mountain smoking, the people were afraid and trembled, and they stood far off and said to Moses, “You speak to us, and we will listen; but do not let God speak to us, lest we die.” Moses said to the people, “Do not fear, for God has come to test you, that the fear of him may be before you, that you may not sin.” The people stood far off, while Moses drew near to the thick darkness where God was.

Leave a Reply

Your email address will not be published.