Dear Senator Juan Ponce Enrile (An Open Letter)

Source: www.mb.com.ph
Source: www.mb.com.ph
Source: www.mb.com.ph

Dear Senator Juan Ponce Enrile,

Masasabi ko na sa tagal mo na sa politika eh gamay na gamay mo na ang kalakaran diyan. Masasabi ko na ikaw ang buhay na ehemplo ng kasabihang “Know the rules so you can break them effectively.”

Mula pa kasi sa Marcos era hanggang ngayon ay ikaw na lang ang mukha na natira sa Senado. ‘Yung iba patay na, nagretire na o kaya naman ay under trial sa ngayon. Hindi ko nga alam talaga kung paano mo nagawang mag-stay nang ganyan katagal sa napaka-stressful na trabaho hanggang sa kung anong edad ka man meron ngayon.

Hindi gaya ng kasama mo sa top three pork barrel kings, ikinagulat ko na nandun ang pangalan mo. Sa tanda mo na kasi diyan eh nagawa mo pang mangulimbat ng ganun kalaking halaga? Nasa sunset ka na ng buhay mo, dapat ay ine-enjoy mo na lang ang bawat araw gaya ng pagbabakasyon kasama ng pamilya, overnight sa beach, picnic sa bukid at kung ano-ano pang simple pleasures meron sa buhay na tiyak na gusto ng bawat Pilipino. Sa araw araw ba naman kasi na ginawa ng Diyos, sino ba ang may ayaw na makapag-relax man lang kahit saglit na panahon lang.

Ikaw, you have all that chances, pero you chose to steal instead of enjoying life that pork barrel money can’t buy. Nakagawa ka na din ng libro mo (Juan Ponce Enrile: A Memoir) na binalak ko ding bilhin bago pa sumabog ang balita at alegasyon laban sa ‘yo. Success like yours, ano pa ba ang mahihiling mo sa buhay? Bakit ka pa naghangad ng mas malaki kesa sa sapat? At certain age, ‘di po ba dapat may perspective na tayo? Nagsilbi ka ding mentor sa ilang mga mambabatas, nagtataka ako kung ano kaya ang mga itinuro mo sakanila?

Ngayon nga at kusa kang sumuko, medyo napabilib naman ako dahil pribado ito at walang halong arte hindi gaya ng kakosa mong artista na sina Bong at Jinggoy. Atleast, hindi ka nagpapaawa at nangunguha ng simpatya sa pamamagitan ng kung ano-anong eksena sa selda.

Pero hindi ko pa rin matanggap ang special treament nila sa ‘yo lalo na ang Presidente mo. Alam kong matanda ka na, with due respect to age, pero sana nauna mong inisip yan bago ang manlinlang. ‘Yun na kasi yung point dun eh, matanda ka na, tumatanda ka na sana mas tumatatatak sa isip mo ang serbisyo kesa pera. Sana naisip mo ang consequence na maaari kang mahuli sa ginagawa mo kaya pagbubutihin mo na lang sana. Pero hindi eh, gumawa ka ng masama at ginagawa mong advantage ang edad mo. Napaka-unfair, pero mas nakakagalit kasi pinapayagan pa ng Pangulo. Hindi lang ikaw ang matanda sa kulungan, hindi lang ikaw ang nagsu-suffer, pero bakit ikaw ang may speacial tratment? Bakit ganon? Dahil ba nag-serve ka sa bansa? Eh mas nag-serve nga kami sa’yo, ‘di ba? Dahil ba mahirap na sa edad mo ang kalagayan mo? Eh mas naghihirap nga ang Pinas sa kalagayan niya ngayon dahil sa kagagawan ninyo, ‘di ba?

Ang kulungan ay nandiyan para madisiplina tayo, pero sa ginagawa ninyo eh para bang mas komportable pa kayo. Baliktad na yata. Kasi kung idadahilan ang edad para mabigyan ng special treatment, aba, baka may makaisip na grupo na gawing senior citizens ang mga sindikato para kapag kinulong eh mabibigyan ng espesyal na atensiyon, HINDI LUGI.

Kamakailan pa nga ay may isang 90-anyos na babaeng preso na iniinda ang hirap sa ordinaryong selda. Hindi ba mas nakakahiya kay Lola, idagdag mo pang babae siya. Ikumpara mo ang ‘di umano’y binulsa mo kumpara sa dahilan ng pagkakakulong ni Lola. Kaya kung may sakit ka o may masakit sa ‘yo eh tiisin mo kasi kasama yan sa dapat na pagbayaran mo. Oo at hindi ka pa proven guilty sa kaso mo, pero dahil nililitis ka, kasama diyan ang pagtitiyaga sa ano mang maaaring mangyari sa ‘yo. ‘Yang ginagawa mo ang isang simpleng pagpapatunay na hindi pantay ang hustisya sa Pilipinas. Na kaya itong baliktarin ng mga makapangyarihan at mayaman.

Pagod na ang mga PIlipino sa batuhan ng salita, aligasyon, sisihan at parinigan. Maging ikaw man siguro sa edad mo ay pagod na kaya please lang, maging accountable ka sa ginawa mo. Huwag mo sanang gamitin ang pera at impluwensiya mo para baluktutin ang hustisya.

Hindi kita hinuhusgahan, pero siguro kung isa ka ring ordinaryong tao gaya namin, ganito din ang magiging reaksiyon mo. Gusto mong malaman kung saan napunta ang buwis na kinakaltas sa ‘yo. Gusto monmg makita ang mga improvements ng perang pinaghirapan mo. At kung may kaso na nakulimbat ang pera mo, aba, sigurado ang galit mo ay kapantay lang ng galit namin.

PS: Naisip mo na ba ang legacy na maiiwan mo? Gusto mo ba na ang maaalala sa ‘yo ng mga tao ay ang scandal na kinabibilangan mo? Parang mas maganda yata, Senator, na ang maiiwan mong alaala ay ang pagiging accountable sa iyong ginawa. Mas maganda yata kung magiging halimbawa ka ng isang leader na mapagkumbaba at kayang harapin ang kasalanan niya. Mas maganda sana kung ang aral na maiiwan mo sa aming lahat ay ang pantay na hustisya kahit na ano pang sektor ng lipunan ang kinabibilangan mo.

Maaaring mabaluktot mo ang batas dahil sa galing mo rito, pero tandaan mo na kung ano ang itinanim ay siya ring aanihin mo.

Related Links:

Open Letter to Bong Revilla

Open Letter to Jinggoy Estrada

About PirmaAtPluma

Mahilig Sa Yellow, pero hindi kay Pnoy|| Madaldal|| A Fan of MSK, RAGubalane, Mike Portes, Kara David and akoposijayson || Fan ni Bob-Ong|| Proud Pinay|| Adik sa Clash of Clans