Dear Senator Grace Poe (An Open Letter)

Photo courtesy of Myrnalyn Lavapie/Senator Grace Poe's Office
Photo courtesy of Myrnalyn Lavapie/Senator Grace Poe's Office
Photo courtesy of Myrnalyn Lavapie/Senator Grace Poe’s Office

Dear Senator Grace Poe,

Noong una kong nakita ang election banners and posters mo noong nakaraang halalan ay napailing ako. Paano naman kasi, isa na namang anak ng artista o sikat na tao ang tatakbo sa politika. Malamang, sa lakas ng kapit at pangalan ni FPJ sa madla, sure win ka na.

Bago mag-election ay ugali ko na ang tumingin sa accomplishments at plataporma ng mga nagnanais kumamkam ng yaman, este “magsilbi” pala sa ating bayan.

Sa mga profile, plataporma at reputasyon ko binabase kung iboboto ko ba o hindi ang kandidato. Hindi kasi ako bilib sa TV Ads na umuubos ng ¾ timeslot sa primetime o mga print materials na kalat lang sa pader ng barangay namin. Ayokong tumingin sa mga kampanyang puro kasinungalingan at actingan lang sa TV ang alam.

At dahil nga sa anak ka ni FPJ ay ekis ka agad sa listahan ko. Sabi ko sa sarili ko, anong alam mo sa pagpapatakbo ng bansa na punong-puno ng buwaya at ahas sa loob ng palasyo? Ikaw na isang ginang na galing sa disenteng angkan, pero wala pang napapatunayan—anong alam mo sa politika?

Kung mananalo ka man ay dahil ‘yun sa pangalan ng iyong namayapang ama (na ala-multo sa likuran mo sa banners at posters mo).

At hindi nga ako nagkamali, panalo ka. Sa pagkakatanda ko ay nasa top 5 ka pa nga. Umikot ang mata ko nang makita ko ang pangalan mo, lalo na nung oath taking ninyo na bilang miyembro ng Senado. Malamang ay lalamunin ka nang buhay sa Senado. Paiikutin ka at gagamitin ka ng sistema para mapasunod sa mga maiitim na balak nila.

Ngunit nitong mga nakaraang buwan ay napabilib mo ako nang sobra. Nang makita ko ang pangalan mo na isa sa mga matinding nambatikos kay Abad dahil sa DAP scandal, lubos akong namangha.

Sa totoo lang ay speechless ako. Hindi ko talaga akalain na ang taong minata-mata ko noong eleksiyon na walang kayang gawin ang siyang may lakas ng loob na ikwestiyon ang isang taong pinapaikot ang batas sa kanyang palad.

Ikaw na pinaratangan kong walang kayang patunayan at lalamunin sa senado ang siyang hindi natakot na pataubin ang taong naghahari-harian upang magnakaw sa kaban ng bayan.

Ikaw na sa tingin ko noon ay tatahimik lang sa Senado ang siyang nagbigay ng boses sa harap ng mga damuhong namumuno upang gawin ang tama at panagutin ang nagkasala. At hindi ka kagaya ng mga Senator na akala mo ay may script mapalabas lamang na “in good faith” nga ang DAP.

At nito ngang Biyernes ay nagdesisyon ka na sumakay sa MRT para malaman mo first hand ang karanasan ng mga commuters araw-araw.

Masasabi kong napabilib mo talaga ako lalo na at hindi ka nagtawag ng media o mga security guard o alalay na tutulong o sasama sa ’yo sa train. Hindi ka nanghingi ng atensiyon sa media upang masabi lang na may ginagawa ka.

Hindi ka nagpasikat, pinili mong maging ordinaryong araw lang ang unang tapak mo sa kontrobersiyal na MRT.

Maliban pa sa simpleng suot mo noong araw na ‘yun ay hinayaan mo ang mga tao na makasabay ka sa MRT kahit pa pinigilan sila ng ilang guwardiya dahil nga Senator ka.

Sa tingin ko ay isa itong act of humility and kindness, walang masyadong atensiyon, hindi kagaya ni Mar Roxas (sorry, Mar) na talagang may mga photographers at camera men pa habang “inaayos” niya ang trapiko sa kalsada. Hinayaan mo ang sarili mo na danasin ang hirap ng mga ordinaryong Pinoy araw-araw.

SINO? SINO SA MGA SENATOR ANG NAKAISIP GAWIN ANG GINAWA MO?

At dahil nga napapabilib mo talaga ako ay nag-search ako sa google ng mga batas na naipasa mo. At hindi mo nga ako binigo.

Nakita ko ang listahan ng mga naipanukala mong batas na pumoprotekta sa mga ordinaryon Pilipino. Nakita ko na sa likod ng iyong katahimikan ay ang sinseridad mong tumulong at ayusin ang sistema sa Pilipinas.

Hindi ka man nabibigyan ng exposure sa media gaya ng mga peste at ipokritong epal na kasama mo sa Senado, hindi maitatatwa na marami ka nang nagawa at marami ka pang gustong gawin.

Ikaw ang isang patunay na ang taong gustong tumulong ay hindi nag-iingay at pinangangalandakan ang kanyang mabuting gawa. Pinatunayan mo na hindi porke walang masyadong interview at palabas sa mga balita ay wala nang nagagawa. Ehemplo ka ng isang opisyal na nagnanais mapabuti ang kalagayan ng bansa. Pinatunayan mo na hindi lahat ng anak o kamag-anak ng isang sikat o malaking tao ay kapangyarihan at pera na ang hanap.

Hindi magiging madali na linisin ang napakaruming sistema ng politika ngunit sinimulan mo kahit bago ka sa larangang pinasok mo. Hindi ka nagpatinag sa mga bully, buwaya, ipis, daga at mga gahaman sa senado.

Sana madagdagan pa ang kagaya mo na may magandang adhikain at mga plano para sa bansang ito.

PS: Maraming salamat at pinatunayan mong mali ako at ang mga taong hindi ka binoto. Sana ipagpatuloy mo ang serbisyong walang bahid ng kasakiman. Sana ituloy mo ang adbokasiya mo na unti-unting magpapabuti sa kalagayan ng mga Pilipino.

Gaya ni Madam Miriam, huwag kang palalamon sa mga kasama mo na nabalutan na ng agiw at nasilaw na sa pera.

By: PirmaatPluma of DFBI Family

Related Links:

GRACE POE MRT RIDE

GRACE POE PROFILE

15 Comments

  1. “You can’t really understand another person’s experience until you’ve walked a mile in their shoes.. I think yan ang gustong maintindihan ni Grace kaya sumakay din siya sa MRT.

  2. bottom line lahat ng politikong pilipino magnanakaw. sino dito ang politikong ni singko wlang ninakaw.??

  3. sony_bear at lafet

    “Minsan
    ang katangahan ay parang sipon. Hindi namamalayan pero kusang dumadapo. Walang
    gamot. Naiiwasan sa pamamagitan ng tamang life style o pagaalaga sa sarili. Pero
    hindi 100% na sipon-free kahit ang pinakamalusog na tao. Kapag dinapuan, may mga
    paraan para mapabilis ang pagtigil. Hindi nakakahiya ang magkasipon. Natural
    lang yan. Pero wag naman ipagmalaki kung meron na. Wag hayaang tumulo-tulo,
    lumobo-lobo at ipakitang apektado ang pagsasalita, panlasa, pandinig, at
    paningin.Wag ipangalandakan ang katangahan, tulad ng sipon, nakakahawa at baka
    maraming maapektuhan. Eto ako, di lang nagpakita, inirampa pa ang
    katangahan.”
    12:41 AM

    “Di
    ko alam kung paano ie-explain, pero, para sa akin, ang bag ng babae ay simbolo
    ng kanyang daigdig. The mere fact na nag-decide ang babae na yun ang laman at
    bigat ng bag niya, ‘yun ang personal nyang mundo. Kaya niya dinala yun kasi yun
    ang kaya nyang dalhin. Anytime, anywhere. Nadadala niya yun from point A to
    point B. Pero kapag nakakita na ng lalake, dapat lalake na ang magpatuloy ng
    pagdadala from point B to point C? Kapag umalis ba ang babae mula sa kanyang
    bahay, aware siya na may lalakeng magbibitbit ng bag niya? I don’t think so.
    Even without the guy, dadalhin pa rin naman ng babae yun kahit saan siya
    magpunta. Kaya ako, hinahayaan ko lang bitbitin ng babae ang kanyang bag. Gusto
    kong sabihin sa kanya na with or without me, or each other, tuloy lang ang
    pagbibitbit ng mundo, ng kani-kaniyang daigdig.”

  4. ang babaw nitong si PirmaatPluma. sumakay lang sa MRTsi grace poe, sakay na rin sya. actually common sense lang ang kailangan para maiitindihan ang problema sa MRT, hindi na kailangang pumila pa. showbiz lang yan. kung hindi ginawang DAP ni BS Abad at BS Aquino ang pera para sa mga bagong tren noon pa mang 2010, wala yang pila na yan. kulang ang mga bagon, period. wala tayong mahihita sa mga EPAL. kailangan resulta – nawala ba ang pila noong pumila si grace poe? lalo pa ngang humaba. so ano ang accomplishment nya rito kundi nagimmickan ka, PirmaatPluma.

    • Kung binasa mo ng mabuti, hindi lang naman pagpila ni Senator Grace Poe ang nabanggit nung author. Hindi lang yun ang hinangaan niya, why would you generalize all the content and intent of the writer sa iisang slice lang ng example na binanggit mo? Read again sir, you need that.

      • UNANG UNA WALA NAMANG IBANG NABANGGIT NA WORTH COMMENTING OF. Ano yung pagtugis niya kay Abad? Aba e kung yun ang paguusapan, maski kumukulo ang dugo ko laban kay Nancy Binay dahil sa corruption issues ng pamilya niya, in fairness, Nancy and not Grace Poe, did the best job at mincing BS (Budget Secretary) Abad. Rizzy, binasa kong mabuti ang post, at hindi ako nagge-generalize. Pero kung hihimayin ko isa-isa, e wala ng matitirang nakatayo sa mga observation ng nag-post ng commentaryo. Besides wala naman sa issues ang conversion story na ito, kundi sabi nga ni Pirmaat Pluma dahil in its admission, her impression is the one that is changing. Ano yan? Hindi ba personality cultism na naman yan. In the first place masyadong shallow ang conversion story na ito dahil wala pa namang accomplishment itong accidental senator na ito. EPAL si Grace Poe, kung hindi bakit hindi ang apelyido niyang “Rianzares” ang ginagamit niya? Nakasakay na siya kay Fernando Poe Jr. at nanalo na siya sa bilangan ng 2013 senatorial elections. It is about time she goes back to being a Rianzares, dahil hindi naman siya dugo talaga ni FPJ. Kung tutuusin, dapat niyang gamitin ay apleyidong “Sonora” ng nanay niyang si Rosemarie o di kaya ay “Marcos” na tatay niya. EVERY SENATOR IS ELECTED TO DO LEGISLATION. Ano na ba ang batas na nilimbag ni Grace Poe as of today? Zero, nada, zilch, nyet, bokya, in short kalabasa pa rin siya. Klaro ba, Rizzy?

  5. To those who wrote bad comments: Una sa lahat, di naman kayo pinipilit
    nung writer ng article na ‘to na bumilib din kay Sen. Grace Poe. May
    laya kayo na magbigay ng opinion nyo pero sana wag ng bahiran pa ng kung
    anu-anong masasakit na salita. Accept the fact na iba’t iba ang opinion
    natin. If you choose to be cynical about life, do so pero wag nyo ng
    idamay ibang tao sa negative vibes nyo. Mas magandang magshare ng
    pampagood vibes kesa sa ginagawa nyo na naglelet down kayo agad ng ibang
    tao. And you’re assuming na agad na may hidden agenda si Sen Grace Poe
    for doing this, o kaya kinukwestyon agad ang intention nya. Leave
    comments na lang na magpupush kay Sen Grace Poe at sa iba pang
    mambabatas na mas gawin ang tungkulin nila, ipaalam sa kanila na
    nakabantay tayo sa lahat ng kilos nila. Comments like: “Senator, we are
    not sure what your true intentions are, pero sana hindi lang dito
    matapos ang gagawin nyo para sa mga ordinaryong mamamayan. Ipakita nyo
    na sa loob ng kahit maigsing panahon ay may maging magandang pagbabago
    sa sistema ng MRT.”

    Pwede namang magcomment ng hindi nagmumura o
    nagsasalita ng masama sa kapwa. And like I said, di naman kayo pinipilit
    ng sumulat ng open letter na ito na bumilib kay Sen Grace Poe tulad
    nya. She’s just merely expressing her own opinion, and maybe she got too overwhelmed to see this scenario. Kung may alinlangan kayo sa binasa at nakita nyo, wag kayong magcomment for the sake of arguing lang. Same din sa pinagtatanggol si Sen Grace Poe. Easy lang sa pagrereact.Ginawa tayo ng Diyos na magkakaiba. Kung lahat tayo iisa ang nasasaisip, wala tayong matututunan sa buhay. Influence other people in a way na hindi nakakasakit o naninira ng kapwa.

Leave a Reply

Your email address will not be published.