Dear Sen. Trillanes

trilanesNoong una ipakilala ang pangalan mo sa sambayanang Pilipino, isa ka sa mga matatapang na lumalaban para sa ikagaganda ng di kagandang pamamalakad ng mga pangit na nakaupo sa trono ng bayan. pero bakit ngayon mukhang di na nagiging maganda ang ihip ng mabahong hangin sayo?

Sa totoo lang nung una kang nag-ambisyon bilang senador isa ako sa mga bumoto sayo. Ang dahilan ko noon ay dahil alam kong alam mo na may mali sa ating bayan na maaari mong mabago. Noong una ang ganda at ang tikas ng pamamalakad mo, hindi ka nasasangkot sa mga talaktakan ng dila sa senado, ni hindi ka rin kasing showy ng iabng mga pulitikong nagbabayad pa ng oras sa TV para lamang sabihin na “ganito kami sa makati” at ” kung walang corrupt, walang mahirap”. Naging matapang ka ring sundalo na lumalaban sa masamang loob at Gobyernong sira ang tuktok. Pero ngayon nagtataka ang nagugulumihanan talaga ako!? Bakit ang ingay muna? bakit panay ang pagpapabibo mo? bakit mas pinipili mong bisitahin ang mga malaparaisong tahanan ng mga corrupt nating kababayan kaysa bisitahin ang paraiso ng mga kababayan nating salat sa karangyaan?

Di lingid sa kaalaman ng mga nakaaalam na mahaharap ngayon ang ating bayan sa isang nakakatawa at nakakahiyang balita. Tungkol ito sa walang habas na pagpaparami ng salapi ng mga corrupt na opisyal ng ating pamahalaan. At isa ka sa mga nagkainterest na imbestigahan ito para sa ikaaalam ng lahat. At nagpapasalamat kami doon. dahil kahit alam mong mas makapangyarihan ang kinakalaban mo sige ka pa din ng sige. Pero sana Mr.Senator bigyan mo din sana ng sulyap ang iba pang bagay. marami na tayong nalilimutan, namimiss na tayo ni Mrs. Napoles at Mr. General. at sana din po madalaw nyo mismo ang mga malaparaiso nilang tahanan. Medyo natatabunan na po kasi sila. Kaya kung maaari bago po kayo magbalak na magKudeta ulit at bago po kayo makulong ulit, sana may mapala kami sa pag sulat namin sa pangalan nyo sa balota. At pramis Mr. Senator di ko na po kayo iboboto. Di po ako galit dahil sa ginagawa nyong imbestigasyon sa mga corrupt. Di ko po sinulat ito para ipahiya kayo at sabihing wala kayong kwenta. Di po ako galit Mr. Senator!

Thank You Mr. Senator at sana wag nyo na po ulit balakin na maging taga pagligtas ng bayan. wala din po san kaming mabalitaan mansion na nakapanglan sa dummy nyo. wala din po sana kaming makitang commercial nyo sa TV na magpapahaba lang sa waiting time namin para mapanood ang paborito naming palabas.

Pero kung magiadya man nang mga mababait, wag po kayong mag-alala.. di ko po kayo dadalawin.

Isang walang kabuluhang paalala po Mr. senator. Hindi po ako Galit! (ang ingay nyo po kasi)

🙂 :|:(